Chapter 10

61 31 0
                                    

" Bakit hindi mo naman sinabi saakin na bumalik kayo diyan!"

Sigaw at sermon sa akin ni Ryuu. Napakamot nalang ako sa aking uluhan sa sinasabi niya. Malakas na nga ang Ipad na hawak ko, naririnig pa ni Kylo. Nasa kusina kasi siya at nagluluto ng almusal kasama ang mga kasambahay dito. Napapakamot ako sa aking uluhan kapag naririnig ko ang sermon ni Ryuu.

" Hindi ko din naman alam, at saka biglaan ito, kahapon nga lang kami umalis e." Sambit ko nalang. Tinignan niya ako ng masama. Agad naman akong nagtaas ng kilay sa kaniya.

Umayos ako ng upo, si Kylo naman ay patingin tingin lang sa akin.

" Edi sana sinabihan mo parin ako, susunod ako diyan-" Pinutol ko siya kaagad.

" No, you don't have to go here. Delikado." Nanlaki ang mata ni Ryuu sa sinabi ko. Agad naman siyang lumapit sa camera.

" Anong delikado?" Lumapit si Kylo sa Ipad ko.

" Basta, Delikado. Bye." Pinatay ko ang tawag. At saka ako huminga ng malalim. Sumandal ako sa sofa at saka ako tumingin sa kisame ng bahay na ito, malalaking chandelier ang nasa itaas, siguro kapag bumagsak saakin ang isa, patay na ako, halatang malaki ang chandeliers dito e.

Nakita kong papalapit saakin si Kylo, kaya umayos ako ng upo.

" Are you okay?" Tanong niya sa akin at saka niya ako inabutan ng platong may chocolates, agad naman nanlaki ang mata ko, kaya naman ngumiti ako sa kaniya.

Tinignan niya lang ang reaksiyon ko.

" Yeah, pakiramdam ko mabobored ako dito, kaya nagiisip ako ng magagawa." Ngumisi naman siya sa sinabi ko. Tumingin ako sa kaniya habang kumakain ako ng chocolate.

" Hindi mo pa nalilibot itong buong bahay hindi ba?" Tumango ako.

Malaki nga itong bahay e, pero hanggang kwarto lang namin nila Ryuu at saka sa labas ang nalibot namin dito noong pumunta kami dito. Hindi ko alam kung anong laman ng ibang kwarto.

Tumayo si Kylo at saka niya inilagay sa harapan ko ang kamay niya.

" What?" Tanong ko.

" Sumama ka saakin."

Tumayo at tinitigan namin ni Kylo ang pinakahuling kwarto, may siyam na kwarto dito, at nasa pang siyam kami, kulay itim ang pintuan, tinignan niya muna ako bago niya buksan. Nanlaki ang mata ko nang makitang isang buong theatre ang narito. I mean, may mga upuan kasi, at malaking TV, so para siyang sinehan? Sinehan nga. Makakapal din ang kurtina sa loob para madilim talaga sa loob ng kwartong ito. May malalaking speaker sa gilid ng malaking TV.

Pumasok kami sa loob.

" Bakit may ganito-"

" Hindi ka mabobored dito, Astrana." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya. Umupo muna ako saglit sa mga upuan, pwede ding makontrol ang mga upuan para maging higaan, astig naman pala.

Hinila niya na ako palabas doon, sumunod kami sa pang walong kwarto.

" Astrana, this is our Arcade Room." Tinignan ko si Kylo, at saka ako pumasok sa loob. May ibang machine dito na makikita talaga sa Arcades sa mga mall. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Talaga bang may arcade sa loob ng rest house na ito? Bakit ngayon ko lang nalaman?

" Kylo! This is my favorite room from now on!" Kaya pala sanay na sanay siyang kumuha ng mga teddy bear sa loob ng claw machines kasi may ganito sila mismo sa loob ng rest house na ito.

Tumatawa si Kylo habang pinagmamasdan akong maglaro na parang bata.

" Astrana, doon muna tayo sa susunod." Tumango ako.

Distracted By Him Where stories live. Discover now