Chapter 45

37 8 0
                                    

" Astrana! Humawak ka sa tali!"

Sigaw ni Andres nang makita niya akong malalaglag na mula sa building. Ibinaba niya ang tali at saka ko ito hinawakan, kusa naman itong tumataas, nang makataas na ako ay saka ko inayos ang sarili ko, masakit na ang aking likod, namamanhid na siya. Mauubusan na ata ako ng dugo.

" Kylo! Let's go! We have to go!" Sigaw ko kay Kylo, ang mga kamay ko ay naghihintay na hawakan niya. Nagulat ako nang makitang nakatali din ang isang kamay ni Kylo sa bomba, magkatabi sila doon ni Alecio.

" No! No! Kylo! No! Dito ka! Umalis ka diyan!" Sigaw ko. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makitang umaandar parin ang bomba.

" Uulitin ko ang tanong, Ms. Vautier. Sino ang tanga saatin ngayon?!" Sigaw ni Alecio. Bababa na sana akong muli sa helipad pero hinila na ako ni Andres paloob, kumakalas ako sa kaniya.

" Baby, you go with your cousin. I'll be fine." Mahina ang pagkakasambit ni Kylo pero dinig ko iyon, umiling ako. Tinignan ko si Andres at saka ko siya sinigawan.

" Ibaba mo ang helicopter o tatalon ako doon-"

" Hindi pwede, Astrana. Umaandar ang bomba, hindi pwedeng bumaba, delikado na." Tumingin ako kay Kylo.

Hindi siya pwedeng maiwan dito. Hindi siya pwedeng sumama kay Alecio na mamatay. Hindi ako papayag.

" Kylo! No! Please..be with me, no, no! Kylo!" Hinila ni Andres ang aking kamay at saka niya ako ipinasok sa loob, may huling salita pa si Kylo bago tuluyang umalis ang helicopter sa helipad na iyon.

" I love you.."

" No! Kylo! No! Kylo! Please! Kylo! No! Kylo!" Sigaw ko sa loob ng helicopter. Nakatingin siya saamin habang paalis kami, nakita ko pa ang kaniyang ngiti bago ko naramdaman na pababa na ang helicopter.

Hinang hina akong bumaba sa helicopter habang sinalubong ako ni Mr. Mores na duguan na at mga iba niya pang tauhan. Naguguluhan nila akong tinignan, may hinihintay silang bababa pa sa helicopter pero wala na.

" Nasaan si Kylo, Ms. Vautier?" Hindi ako kaagad nakasagot. Dumausdos ako pababa at doon ako umiyak. Napahawak ako sa sahig ng kalsada at saka ako doon humikbi nang humikbi, akala ko ba sabay naming tatapusin? Akala ko ba magiging boyfriend ko pa siya kapag natapos na ang gulong ito?

Bakit siya nagpaiwan doon?

" Nagpaiwan siya doon, natali siya kasama si Alecio at ang bomba." Nandito sa baba ang mga empleyado nina Daddy. Ligtas na si Daddy, nakaalis na sila kasama ang mga kaibigan ko, si Kylo nalang ang kulang.

Napailing at napayuko si Mr. Mores sa sinabi ko. Inaalo nila ako pero hindi ako kumakalma, iniisip ko si Kylo.

" Kylo!" Sigaw ko nang marinig ko na ang malaking pagsabog ng bomba sa helipad. Kinasa ko ang baril ko at saka ko ito pinaputok sa ere, sunod sunod, hanggang sa maubos ang bala nito, itinapon ko sa sahig ang baril, sa galit ay nakita kong nagkalas kalas ang baril at nagkalat ang mga parte nito sa sahig.

Nakita kong unti unting yumuko sina Mr. Mores at lahat ng tao na nandito kasama ko. Hindi ako tumitigil na humikbi. Kylo? Bakit? Bakit sa lahat ikaw pa? Mas pinili mong mamatay kaysa makasama ako? Bakit hindi ka sumama saakin? Akala ko ba magiging tayo pa kapag natapos na natin ito? Bakit mo ako pinaasa?

" Ms. Vautier, tara na po. Nauubusan na po kayo ng dugo sa likuran, nandito na po ang ambulansiya." Napapikit ako. Si Kylo ang nagturo saakin na huwag matakot sa mga Doktor, siya ang kasa kasama ko kapag pupunta ako sa Ospital at Doktor para hindi daw ako matatakot.

Sino na ang sasama saakin?

" Kylo, don't leave me.."  Iyak ko parin habang nakaupo sa sahig.

Nabuhayan ako ng dugo nang may marinig akong ingay sa earpiece ko. Naalala ko, may earpiece nga pala kaming dalawa ni Kylo.

Distracted By Him Where stories live. Discover now