Chapter 33

39 12 0
                                    

" Be careful, baby.."

Hinawakan ni Kylo ang aking kamay nang pababa na ako sa van na sinakyan namin. May mga naka abang saamin para payungan ako. Naglakad papunta sa libingan ni Mommy, nandoon na pala ang mga magaalis sa kaniya sa libingan niya.

" Good Morning, Ma'am, itatanong po sana namin kung uumpisahan na naming buksan ang libingan niya?" Tinignan ko ang libingan ni Mommy, may mga bakas pa doon ng tama ng bala noong panahon na sinugod kami dito.

Nilakasan ko ang loob ko, sinuot ko ang sunglasses kong kulay black at saka ang mask ko, kailangang magsuot ng mask dahil syempre ang amoy ng katawan ni Mommy, mangangamoy.

" Yeah, pakiumpisahan na." Utos ko. Umatras kami nang kaunti dahil babakbakin nila iyon, baka matalsikan kami ng mga semento na matatanggal doon, kaya kailangang umalis. Naghintay ako habang inaalis nila. Tinignan ko muna ang relo at saka ko chineck ang ginagawa ni Daddy doon. Nasa opisina siya, at may ginagawa sa lamesa niya, dinig ko din ang background niya, tahimik lang.

Nang matapos na sila sa pag aalis ay inilabas nila ang kabaong ni Mommy sa ibaba. Agad akong napaiwas ng tingin, at saka ako umubo nang bahagya, makikita ko nanaman si Mommy.

" Baby.." Ani Kylo.

" I'm okay." Ngiti ko.

Halos manlumo ako nang buksan nila ang kabaong ni Mommy. Nakita ko ang dress na suot niya noong araw na inilibing siya, mukhang makunat na ang damit, buto buto na din si Mommy na nakahiga sa kabaong niya.  Kinuha ko ang gloves, at saka ko ito isinuot. May amoy din nang mabuksan ang kabaong, kaya kung minsan ay napapa ubo ako.

" Ako na ang hahanap." Bilin ko. Lumapit ako kay Mom, at saka ko hinawakan ang dress niya, tama nga ako, makunat na siya, at saka marumi na din ito. Ang iba ay may butas na din, lumuluma na siya.

Dahan dahan at maingat kong hinawakan ang mukha ni Mommy, buto na iyon, kita na din ang tama ng bala sa uluhan niya, napapikit ako sa nakita, tumulo nanaman ang luha ko, natuluan ang mukha ni Mommy.

" Mommy, sorry kung bubulabugin kita. May kailangan lang akong kunin, para mailigtas ko si Daddy, hmm?" Naiiyak ulit na sambit ko. Sinuri ko ang buong lagayan kung nasaan si Mommy. Nakakita ako ng papel, at saka ko ito iniabot sa mga tauhan namin.

" I miss you, Mom. So bad. I miss your smile, your laugh, your voice, your everything, Mom. I love you.." Kinakausap ko siya habang naghahanap ako ng mga bagay na kailangan kong makuha, nakita ko pa sa kamay niya ang sing sing nila ni Daddy. Kumikinang pa din ito kapag naaarawan, at saka naroon parin ang diyamante sa gitna.

Naalala ko na may relo pala ako kung saan makikita si Dad, binuksan ko iyon at saka ko ito tinutok kay Mommy.

" Mom, Dad's great. He's taking care of me. He's the best, Mom, just like you." Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga dito, matagal ko ng hindi nakakausap si Mom kaya kinakausap ko siya ngayon.

Nakita ko ang makinang sa kamay niya, natatakpan iyon ng palad niya. Maingat kong hinawakan ang kamay ni Mommy at saka ko nakita ang susi na naroon, natakpan siya ng kamay ni Mommy. Ibinigay ko ito sa mga tauhan namin, at saka na ako tumayo. Nang magsawa na akong tignan si Mommy ay sinenyasan ko na ang mga tauhan ko na takpan na.

" Paki ayos ang pagbabalik, pakitakpan na din kaagad iyong semento diyan, dadating iyong bagong lapida niya mamaya, pakihintay nalang." Pagbibilin ko sa kanila.

" Masusunod po, Ma'am." Nilagay nila sa box ang mga nakuha namin, at saka ko kinuha, ako na ang hahawak, baka may makatakas pa nito.

" Mom, we're going." Paalam ko. At saka na ako naglakad palabas ng sementeryo. Tinanggal ko ang gloves ko, at saka na nilagay sa likod ng sasakyan ang nakuha namin, sumakay ako sa van at saka ako sumandal sa upuan ko, tinanggal ko ang aking salamin at saka ang mask ko.

Distracted By Him Where stories live. Discover now