Chapter 20

53 21 0
                                    

" Hinalikan niya?! Si Kylo?! E tanga naman pala iyang Doktor na iyan e, nag aral ba iyan?"

Hesterikang tanong ni Ryuu saakin, napapailing nalang kaming dalawa ni Elletra sa screens naming dalawa. Kahit kailan talaga, hindi siya makalma kapag usapan namin ay iyong Doktor na iyon.

" Oo nga, huwag ka na nga lang sumama sa ganitong usapan, ang ganda mong babae tapos may hypertension ka." Inis na sabi ni  Elletra kay Ryuu, agad namang tumigil si Ryuu at nakabusangot na.

Hawak hawak nang isang kamay ko ang braso ko, ramdam ko na din kasi ang kirot kaya hindi ako makahiga nang maayos sa higaan ko. Nandito ako sa bahay, si Kylo naman ngayon ang nandito at titira saamin, hindi ko alam pero mukhang okay naman, nandito ako sa bahay, kaya ayos ako.

" Baka mamaya sa selos niyang Doktora na iyan, iba ang ilagay niyang gamot sayo ha? Tapos mamaya mababaliw ka diyan, isang Vautier, nabaliw, ang pangit." Komento ni Ryuu nanaman. Napailing ako.

" Hindi naman siguro, at saka nandoon naman si Kylo kanina, kung pinagkakaisahan nila ako, edi wala akong magagawa, mababaliw talaga ako." Medyo kabado kong sambit sa kanila.

Alam kong aalagaan ako ni Kylo, nangako siya kay Dad, kaya panatag ako na walang mangyayari saakin, kapag kasama ko siya. Hindi parin pala kami nag uusap ni Dad, mamaya nalang siguro kapag nakauwi na siya.

" Maayos na kayo ni Kylo? Kausapin mo na ang Dad mo, para payagan ka na, malapit na din iyon, para makapag empake ka pa." Pagpupumilit nila saakin na sumama. Makakasama ako, pero hindi din lang ako mageenjoy, makirot pa ang aking sugat, kaya hindi ako makakaligo sa kung saan man sila makakapunta.

" Ita try ko, pero baka hindi talaga ako payagan, you know? May sugat pa ako, at saka makirot kasi, hirap nga akong gumalaw e." Pinakita ko sa kanila ang nakabenda kong braso at ipinakita ko din na hirap ko itong igalaw, mabuti nalang at hindi namamaga, ang pangit kasi kapag ganon, papangit ang itsura ko, at ayaw ko niyon.

Nangingiwi naman ang mga kaibigan ko sa nakikita nilang sitwasyon ko, ayos naman ako, masakit at makirot lang talaga siya, malayo din ito sa bituka.

" Sabagay, mas maganda na nagpapahinga ka muna, kasi hindi ka din mag eejoy, hindi bale, kung hindi papayag si Tito, ayos lang naman saamin." Ngumiti ako sa kanila, mabuti nalang at naiintindihan nila ang sitwasyon ko, mahirap kasi.

" Salamat ha? Kapag magaling na ako, ako naman ang maglilibre sa inyo para lumabas, delikado kasi ang buhay ko, kaya hindi ako pwedeng maglakuwatsiya sa labas e." Ngumiti sila saakin.

Agad akong napatingin sa pintuan nang pumasok doon si Kylo at may dalang pagkain, kasama niya din si Dad na may dalang bulaklak, agad kong tinakpan ang aking mukha sa hiya. Pinatay ko muna ang tawag.

" Dad, why are you holding a flower?" Malambing na tanong ko dito, tumawa naman siya at saka niya ito ibinigay saakin.

Nang tanggapin ko iyon ay saka ko ito inamoy, nilapag ko din ito sa tabi ko bago ko sila tignan na dalawa.

" You're so brave, Anak. I know you hate Doctors and Hospitals as well, but you manage to go in there for your safety and health, that's why I want to give you some flowers. I'm proud of you." Hinalikan ni Dad ang aking pisngi, ngumiti naman ako doon.

" Dad, you told me to go the Hospital, so I did, and I'm scared that I might run out of blood, so I go to the Hospital." Bumusangot ako. Umupo si Dad sa kama, at saka niya tinignan ang kalagayan ko.

Ngumiti si Dad saakin, hinalikan niya nanaman ang aking noo, napapangiti ako sa ginagawa ni Dad saakin.

" Dad, bati na po ba tayo?" Malambing na tanong ko kay Dad. Yumakap ako sa bisig niya.

Distracted By Him Where stories live. Discover now