Chapter 9

55 28 0
                                    

" Hindi talaga natin makokontrol ang nasa paligid natin."

Seryosong sambit ni Tito saamin habang nakatingin kay Kylo na nasa higaan parin, dito na ako natulog kagabi. Hindi din naman ako hinanap ni Dad kasi alam niyang nandito ako, kinakamusta niya ako tuwing may oras siya dahil alam niyang takot nga ako sa Ospital.

" Doon na muna kaya kayo tumira ni Astrana sa resthouse natin, Kylo? Baka mamaya ay isunod nila si Astrana, mahirap na." Sambit naman ni Dad. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nila. Ako? Kasama sa iisang bahay si Kylo?

Paano?

Tumingin sa akin ang Papa ni Kylo, at saka siya ngumiti.

" Yes, iha, dapat ay doon ka na muna. Baka mamaya ay nasa paligid lang natin sila, baka mamaya bigla ka nilang paputukan kagaya ng ginawa nila kay Kylo." Agad akong nag isip, paano? Sinong kasama ni Dad? Paano si Dad magisa sa bahay? Paano sina Ryuu at Elletra? Paano yung mga gala namin kung nandoon lang ako sa bahay at nakakulong kasama si Kylo?

" Hayaan niyo po muna akong mag isip, Dad." Paghingi ko ng permiso sa kanila, nagkatinginan silang dalawa at saka sila tumango.

Hinila ako ng Papa ni Kylo, at saka kami pumwesto sa gilid kung saan may sofa.

" Iha, salamat sa pag aalaga kay Kylo, hindi ko din siya maasikaso, kaya salamat, mabuti nalang nandito ka." Ngumiti ako sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang braso ko, bago tumingin kay Kylo.

Kausap siya ni Papa.

" Wala po iyon, at saka naiintindihan ko naman po na busy din kayo, wala din po akong ginagawa kaya ako nalang po ang magbabantay sa kaniya."

Nagpaalam si Dad at Tito na aalis na. Naiwan kaming dalawa ni Kylo dito. Pinag iisipan ko parin kung sasama ba ako o hindi, baka kasi hindi ko magawa ang mga kailangan kong gawin kapag nandoon nalang kami.

" Astrana, hindi mo kailangang ipilit na doon ka titira. Sinabi lang iyon ni Dad." Tumingin ako sa kaniya, at saka ako bumuntong hininga.

" Maybe they're right. Baka nga nandito lang sa tabi natin ang mga tauhan ni Hector, kaya delikado tayo." Sambit ko. Hinawakan ni Kylo ang kamay ko, at saka niya ito tinignan.

Umiwas ako ng tingin.

" Nandoon ako, kasama mo ako, kaya hindi mo kailangang matakot. Okay? Kung gusto mong doon tumira, doon tayo, kung ayaw mo, hahanap tayo ng iba, basta iyong lugar na hindi ka nila mahahanap at masasaktan." Sambit niya sa akin. Well, maganda naman doon, super. As in. Kaya lang nag aalala din ako kay Dad, dalawa na nga lang kami sa bahay, aalis pa ako, edi magisa niya nalang doon. Hindi bale kung doon siya matutulog sa Papa ni Kylo, mas maganda.

" Nag aalala ako kay Dad, baka mapano siya." Iyon na lamang ang tangi kong nasabi.

" Magiging okay sila Papa. At saka ang Dad mo, natrain sila, magagaling sila, kaya hindi sila mapapahamak, ikaw nga ang inaalala nila." I know how to use guns. 18 palang ako, nakikipag barilan na ako sa mga kalaban nila Dad, kaya lang, pinatigil ako ni Dad dahil baka daw mas maging komplikado ang buhay ko.

" Kung sigurado akong ligtas si Dad, sasama ako, doon tayo, pero kung hindi, hindi ako sasama. Hindi ko iiwan si Daddy." Tumango siya. Sinabi nga pala ng Doktor niya na baka mamaya ay aalis na din kami, may tama lang ang braso niya at saka nauntog ang ulo niya sa manibela ng sasakyan niya noong nagbanggaan sila ni Hector, kaya may benda siya sa ulo niya.

Nakapalit na ako ng damit ko, nauna akong nagising sa kaniya kanina. Naka ayos na ako. Kaya hindi na ako maliligo mamaya, doon nalang ako sa bahay maliligo ulit mamaya.

" How are you feeling?" Tanong saakin ni Kylo. Ngumiti ako sa kaniya.

" I'm fine. Kulang lang ata ako sa tulog." Tumawa pa ako. Kahit siya ay napatawa din.

Distracted By Him Where stories live. Discover now