Chapter 41

36 8 0
                                    

" Fuck off, Alecio, I'll find you and kill you."

Mahinahon kong pakikipag usap kay Alecio sa telepono. Ngumingisi ako habang kausap ko siya, pero nakakuyom na ang aking kamay sa lamesa na hawak ko.

" Then look for me, Ms. Vautier. Find me. Let's see who will win, Astrana Zielle Vautier." Tawang sambit ni Alecio, kinagat ko ang aking labi at saka ko pilit pinapakalma ang aking sarili.

Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga kasama ko. Pero wala akong pakialam, galit ako kay Alecio ngayon.

" Sure, Buentiempo, abangan mo ako sa pintuan kung saan ka naglulungga." Ibinaba ko ang telepono, sa inis ay binagsak ko siya sa sahig, nabasag ito, inapakan ko na din para hindi na gagana at matawagan pa ni Alecio, paano niya nakuha ang numero ng bahay namin?

Tinapakan ko ang telepono hanggang sa kumalat na ang mga parte niya sa sahig.

" Find Alecio right now!" Sigaw ko sa kanila at saka ako pumunta sa headquarters. Nilabas ko ang mga baril mula sa HQ at saka ko ito inilagay sa lamesa sa sofa. Nilabas ko sila isa isa at saka ko inayos.

" Astrana! Kumalma ka! Ano ba! Astrana!" Pagpapakalma saakin nina Ryuu at Elletra. Kumalas ako sa kanila at saka ko sila tinignan.

" Hindi ko kailangang kumalma, Ryuu. Kailangan ko na itong matapos, tumabi kayo." Mahinahon kong sambit sa kanila, kinuha ko ang mga baril at saka ko ito inayos, kailangan ko na siyang makita, ngayon din, hindi na ako magsasayang pa ng oras.

" Ms. Vautier! May mga tauhan ni Alecio sa labas ng bahay niyo!" Sigaw ng tauhan ko. Nagkatingingan kaming dalawa ni Kylo.

Hinila ko ang mga kaibigan ko, at saka ko sila pinapasok sa HQ namin, mas ligtas dito.

" Walang lalabas, okay?" Bilin ko.

" Okay." Kinasa  ko ang baril ko at saka ako tumakbo sa taas para kunin si Dad sa kaniyang kwarto, napaatras ako nang nakatali na ang mga kamay niya at saka siya hawak ng mga tauhan ni Alecio.

May nakatutok na baril sa ulo ni Daddy, tumingin sila saakin, at saka nila ako nginisian.

" Too late, Ms. Vautier. Nice to see you also." Hinawakan ako ng mga lalaki, inalis nila sa akin ang baril na hawak ko. Naglakad kami palabas sa kwarto ni Dad at saka nila kami ipinwesto sa tapat ng hagdan.

" Mr. Luciano, nice to see you too." Pagbati ng lalaki na may hawak saakin, hawak niya parin ang kamay ko kahit na may tali na ito, may nakatutok na din na baril sa aking uluhan, si Dad ang inaalala ko, ni hindi siya nagsasalita, alam kong nagiisip siya ng paraan kung paano kami makakatakas sa kanila.

Nagsalubong ang tingin naming dalawa ni Kylo, at saka na sana siya maglalakad pero may mga lalaki na humarang sa kaniya.

" Hanggang diyan ka lang, Mr. Luciano, hindi ka pwedeng lumapit, tutuluyan ko ito." Tumawa ako sa sinabi niya.

" Sa tingin mo kaya mo akong patayin nang hindi niyo nabubuksan ang kayamanan ko?" Ngumisi ako sa sinabi ko, mas lalo niya akong hinila sa harapan niya, at saka niya diniin ang baril niya sa ulo ko.

" Bakit napakatapang mong babae ka ha? Tumigil ka!" Ipinukpok ko ang ulo ko sa kaniya, dumaing siya doon, sinipa ko siya sa kaniyang ari, mas lalo siyang napadaing sa ginawa ko.

" Astrana!" Sigaw ni Kylo nang maitulak ako ng lalaki pababa sa hagdan, dumausdos ako pababa sa hagdanan, ramdam ko ang ulo ko na tumama sa hagdan kaya naman napahawak ako doon, pagulong gulong ako sa hagdan namin, hanggang sa nakadating na ako sa ibaba.

Hinawakan ko ang ulo ko, kahit ang noo ko ay may dugo na din, manhid din ang aking binti. Napailing ako sa sakit.

" Hindi mo ako mapapatay sa ganito." Sigaw ko sa lalaki na nasa hagdan parin at nakahawak sa kaniyang noo. Pinilit kong tumayo, pero masakit ang katawan ko, kaya hindi ko magawa, nakatali parin ang mga kamay ko.

Distracted By Him Where stories live. Discover now