Chapter 43

35 8 0
                                    

" Dad! Come on! It's not like that, nabuking ako!"

Tumatawa si Daddy habang kinakausap ko siya sa kusina, ngayon nalang kami kumaing dalawa nang magkasama, kaya sinusulit ko na. Nalaman niya kasi na umamin na ako kay Kylo, kaya naman inaasar niya ako ngayon.

" It's fine naman, Anak. Malaki ka na. Kailangan mo na mag explore, mag boyfriend ka na, ganoon." Tinaasan ko ng kilay si Dad at saka nanaman siya tumawa, hindi makababa si Kylo kaya nauna siyang kumain kanina, mamaya ay aakyat nanaman ako doon.

" Dad, I know. Pero pinagusapan na namin ni Kylo na kapag natapos na ang gulong ito saka na namin ipagpapatuloy ang relasyon namin." Well, we both agree to that. Sa ngayon, hindi bagong relationship status ang kailangan namin, sa ganitong buhay ang nakataya, kailangan namin ng lakas at hindi iaupgrade ang relationship status namin.

" That's good. Alam kong maayos ka kay Kylo, I know that. Ligtas ka sa kaniya, Anak." Ngumiti ako sa sinabi ni Dad. Inihanda na ang aming dessert at saka kami kumain niyon ni Daddy, tumunog ang telepono ko, kaya sinagot ko ito kaagad.

Tumingin ako kay Daddy.

" Excuse me, Dad."

" Go ahead."

Sinagot ko ang tawag ni Kylo. Nakaupo parin ako sa upuan ko. Ayaw kong tumayo, baka magka appendix ako. No way.

" Baby? Are you done eating?" Napaubo ako nang iyon kaagad ang bungad sa telepono, naka loud speaker pa ang phone ko kasi kumakain nga ako.

Si Dad naman ay napatawa sa reaksiyon ko.

" Yes, we're eating dessert nalang, why?" Tumingin ako kay Daddy na pilyong nakatingin saakin at nakangiti pa hanggang tainga niya.

" I'm missing you. After that, come here, okay? Take your time eating with your Dad. You're mine later." Napaubo nanaman ako sa sinabi ni Daddy. Kinuha ko na ang aking phone at saka ko ito itinutok sa tainga ko, hiyang hiya na ako kay Daddy, baka mamaya ay aasarin niya nanaman ako.

Doon na nga pala sila matutulog sa HQ, mas ligtas doon, kaysa sa mga kwarto nila, kaya doon na sila. Kaming dalawa ni Kylo ay doon muna sa itaas pansamantala.

" Yeah, Kylo. Wait for me. Aakyat na ako mamaya."

Tumulong na ako magligpit nang pinagkainan namin ni Daddy. Kakain na din kasi ang mga kasambahay namin, kaya kailangan na naming umalis dito, hindi namin hinahayaan na magutom at hindi makakain sa hindi oras ang mga kasambahay namin.

" Dad, diyan na kayo nina Ryuu, Elletra, at Atlas matulog sa HQ, hmm? Mas ligtas diyan, doon na din muna sa isang guest room sina Mr. Mores, at kami ni Kylo, bababa na din kami ni Kylo dito kapag medyo maayos na siya." Bilin ko kina Daddy. Magkakatabi sila ng kama, iyong dalawang babae lang ang nakahiwalay.

Tumango sila saakin, nakasandal ako sa pintuan at saka ko sila nginitian. Nabubuksan namin nila ito, pero kapag ibang fingerprint ang humawak sa handle ay hindi siya bubukas, bulletproof din siya sa labas at loob, kaya mas ligtas sila dito. Automatic din ang alarm kapag may nadetect siyang usok, o kahit putok ng baril o ano pa man.

" Goodnight, Astrana. Kung gising ka pa mamaya baba ka dito ha?" Nag beautiful eyes si Ryuu, tumawa naman ako at saka ako tumango sa kaniya.

" Yeah. I'll call you later." Sinara ko na ang pintuan at saka na ako tumaas sa kwarto ni Kylo, kumatok muna ako bago ako pumasok.

Sumandal din ako sa pintuan at saka ko siya tinignan.

" Are you okay? Miss mo na ako kaagad?" Tanong ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at saka niya ngi nitian.

Distracted By Him Where stories live. Discover now