Chapter 18

46 22 0
                                    

" Today we are here with Mr.  Luciano and company."

Napahawak ako sa aking legs nang sinalubong ako ng init pagbaba ko ng aking sasakyan. Kasama ko si Dad sa loob, nauuna siyang maglakad saakin. Pinayungan naman ako ng ilang guards na kasama namin, at saka nila kami hinatid sa backstage.

" Akala ko hindi na makakarating." Tumatawa si Tito at Dad habang naguusap.

" I'm sorry, ang tagal kasi ni Astrana dahil may ginawa pa, may traffic din kaya muntikan na kaming hindi umabot sa oras." Lumapit saakin si Tito at saka niya hinalikan ang pisngi ko para bumati, ngumiti naman ako sa kaniya.

" Nice to see you here, Iha. Thank you." Ani niya.

" Not a problem, Tito. Goodluck." Bati ko naman pabalik.

Agad akong napalunok nang makita ko si Kylo na nag aayos ng kaniyang polo, naka puti siyang polo at mahabang kulay itim na necktie. Inayos ko naman ang skirt na suot ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

" Punta na po tayo sa harapan, Mr. Luciano." Sabay sabay kaming apat na lumabas, sabay sina Dad at Tito na lumabas, nauna naman ako bago si Kylo, pinaghila ako ng upuan ng mga coordinator doon, bumati naman ako sa kanila.

" Ang ganda ganda niyo naman po, Ma'am. Ang ganda niyo sa personal." Puri saakin ng mga coordinator na nasa likuran namin, lumingon naman ako sa kanila at saka ko sila nginitian.

" Maraming salamat po." Tagalog ang ginamit kong wika sa pakikipag usap sa kanila. Ngumiti naman sila saakin. Inayos ko ang blouse ko, dahil tinanggal ko na ang cast ng braso ko, naka benda nalang siya, hinabaan ko ang sleeves ng suot ko para hindi mahalata na may sugat parin ang braso ko.

Umusog ako ng upo nang tumabi si Kylo at doon siya naupo sa upuan na nasa tabi ko kanina. Akala ko iniwan nila itong blangko para sa mga gamit ko, hindi pala.

" Ma'am gusto niyo po ba ng towel for your thighs?" Kinalabit ako ng isang coordinator na nakapansin ata sa pagbaba ko ng aking skirt, well, hindi naman siya sobrang kaiklian, OA nanaman sila for me.

Tumingin ako sa coordinator na iyon at saka ako umiling.

" No, hindi na-"

" Cover your thighs, Astrana." Untas ni Kylo, hindi siya nakatingin saakin. Ramdam ko ang lamig ng boses niya sa pagkakasabi niya niyon.

" Hindi na po, a water will do, thank you." Ani ko.

" Wait a second, Ma'am." Aniya.

May mga performer silang tinawag, inaliw ko ang sarili ko sa panunuod sa kanila. Disrespectful naman kung magpo phone ako habang may nagpeperform or kahit mamaya na nagsasalita si Tito, kaya nanuod nalang ako.

" Here's your water, Ma'am." Kinuha ko ang tubig na inalok saakin.

" Thanks."

Ilang ulit kong binuksan ang water bottle, pero hindi ko magawa, kumikirot ang aking braso. Kinalabit ko si Dad, pero hindi naman kami magkaintindihan sa sobrang ingay, malayo din ang upuan niya, kailangan ko pang istretch ang kamay ko para makalabit ko siya. Napailing naman ako.

" Kylo, can you help me?" Tumingin sa akin si Kylo, ibinigay ko sa kaniya ang bottle, tinignan niya lang iyon.

" I thought you're not a kid anymore?" Masungit na tanong niya saakin, napalunok ako.

" Yeah, I'm not." Sagot ko dito. Narinig ko ang mahinang tawa niya kahit na maingay ang paligid namin, napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.

Hinayaan ko nalang na hindi niya buksan ang tubig ko.

Distracted By Him Onde as histórias ganham vida. Descobre agora