Chapter 25

39 13 0
                                    

" Astrana.."

Lumingon ako kay Kylo na kumatok mula sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ni Mom, baka may mahanap ako dito na bagay o kung ano man na pwedeng makasabi saakin kung sino ang lalaki na iyon.

" Hmm?" Sambit ko.

" You can rant, I will listen." Agad akong napaiwas ng tingin sa sinabi niya saakin.

Yumuko ako, at unti unti nang tumulo ang luha sa aking mga mata, hikbi ko lang ang maririnig dito sa kwarto. Hinawakan ni Kylo ang kamay ko, at saka siya tumingin saakin.

" Hindi ko matanggap. Nagsinungaling sila saakin. Ang akala ko, kapatid ko iyong nasa tiyan ni Mommy noon, kasi ang galing nilang magpanggap, may pregnancy test sila na ipinakita saakin, nagpunta sila sa OB, tinanggap nila iyong bata kahit na alam nilang hindi sa kaniya iyon, si Dad, tinanggap niya, kahit na hindi naman sa kaniya iyon, hindi ko alam, bakit hindi nila sinabi saakin, maiintindihan ko naman siguro iyon, may isip na ako ng mga panahon na iyon, pero bakit nila tinago?" Iyak ko.

" Si Dad, matagal na kaming magkasama na dalawa, pero kahit kailan hindi niya sinabi saakin, kaya galit ako, galit ako sa kanila, bakit hindi nila inamin saakin, bakit ganoon? Gusto kong patayin ang lalaking gumawa niyon kay Mom, ako mismo ang hahanap sa kaniya para patayin siya, isusunod ko siya kay Mommy sa hukay." Nanginig nanaman ang aking kalamnan, nagkuyom ang aking mga kamay, at nanghina ang aking tuhod, naalala ko nanaman ang video na iyon.

" Pinahirapan niya si Mommy, binaboy niya si Mommy. Sinaktan niya si Mommy. Binigyan niya ng trauma si Mom, at gusto kong maranasan din iyon ng gumawa kay Mom, sa oras na mahanap ko ang lalaki na iyon, ipaparanas ko din sa kaniya ang ginawa niya kay Mommy." Hinawakan ni Kylo ang kamay ko, tinanggal niya iyon sa pagkakakuyom, at saka niya ako tinitigan sa aking mga mata.

" Kinausap ko ang Dad mo, pinaalam ko, pinaalam kita. Sinabi kong pwede naman tayo ang hahanap sa lalaki na iyon, pumayag siya, pero ibinilin ka niya saakin." Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya saakin, nagpunas ako ng luha ko, at saka ko siya tinignan.

Paano? Paano niya napapapayag si Dad nang ganoon ganon lang?

" Really? We can go outside and find that man?" Tumango siya.

" Kylo, kaya ba pinuntahan mo ako dito kanina at hinalikan ako dahil alam mong pagbaba ko doon sa sala ay ganoon ang malalaman ko?" Pag iiba ko ng usapan naming dalawa. Naisip ko iyon kanina, bago ko malaman ang bagay na iyon ay hinalikan niya ako dito sa kwarto na ito.

Tumango siya, at saka siya ngumiti.

" Yeah. Alam kong magiging masakit ang malalaman ko, kaya sinubukan kitang lambingin, sinubukan ko kung tatalab ba, pero alam kong hindi." Yumuko siya sa sinabi niya.

Ngayon na pumayag na si Dad na hahanapin namin ang lalaki na iyon, kailangan ko ng maghanda, kailangan kong ihanda ang sarili ko.

" Kylo, may diaries si Mom dito sa kwarto na ito, itinago iyon dito, iniisip ko na baka nandoon iyong pangalan o kung sino ang gumawa kay Mom niyon." Tumayo ako, nagpunas ako ng luha ko, at saka ako naghanap sa mga karton na narito.

" Maybe we can find it, but you have to eat first, Astrana. Hindi ka pa kumakain." Alalang sabi niya saakin.

" Ayokong bumaba, ayokong makita si Dad, galit ako, Kylo. Hindi ko nakokontrol ang sarili ko kapag galit ako, natatakot ako na baka masabihan ko ng masasakit na salita si Dad, kaya ayaw kong magpakita sa kaniya." Tumigil ako sa paghahanap, nakakaramdam na nga din ako ng gutom, pero wala naman akong magawa, hindi ako makababa doon.

Tumingin si Kylo saakin.

" Dadalhan nalang kita dito ng makakain mo, hintayin mo ako." Paalam niya.

Distracted By Him Where stories live. Discover now