Chapter 31

38 12 0
                                    

" Paano kung subukan ni Ms. Vautier ang fingerprint sa pader?"

Agad na umiling si Kylo sa sinabing iyon ni Mr. Mores. Tinignan ko ang pader, kanina pa din iyon sinusubukang hawakan ng mga kasama namin pero nakukuryente lang sila.

" Hindi pwede, malakas ang kuryente, hindi pwedeng magtagal ang kamay niya diyan, delikado." Lumapit ako kay Kylo, at saka ko hinawakan ang kamay niya para pakalmahin siya.

" I'll try, isang beses lang, kung hindi kaya, aalisin ko naman kaagad." Tinignan ako ni Kylo nang masama. Kinabahan naman ako sa aura niya.

" Baby, no." Banta niya.

" Kylo, I have to try, what if ako ang kailangan diyan, ang fingerprint ko ang nakaregister diyan?" Ilang segundong nanahimik si Kylo, at saka niya ako tinignan sa aking mga mata.

" Sandali lang ha? Kapag hindi mo pa binitawan iyan, hahawakan kita." Tumango ako.

Lumapit ako sa pader. Dahan dahan kong inilagay ang aking kamay doon, unang mga segundo ay hindi ko pa ramdam ang kuryente, kaya ayos pa ako, nang malapit na ako sa fingerprint icon ay agad kong kinuha ang kamay ko.

" Shit.." Mura ko. Hinigit ni Kylo ang aking kamay. Alam kong dumikit ang daliri ko sa icon na iyon, sana nadetect niya.

" Ms. Vautier, may na detect ang icon, mukhang ang daliri mo nga ang naka register dito." Lumapit kami sa pader na iyon, tinignan ko ang icon na maliit na iyon, may bakas nga doon ng fingerprint ko, pero kaunti lang, maliit lang ang nadetect, kaya hindi pa iyan bubukas.

Sinuri nila ang pader at ang icon na iyon, saka sila lumingon saakin.

" Mukhang kailangang madetect ng buo ang kamay mo, baka siya bubukas." Ani Mr. Mores.

" Pero mas lalong lumalakas ang kuryente kapag palapit na ako sa icon, hindi ko kinakaya." Naiiling na sambit ko sa kanila, mas lalo silang nagtaka.

Lumapit doon si Kylo, at saka niya sinuri ang buong pader.

" Mukhang may remote dito para matanggal natin ang kuryente na bumabalot sa pader na ito, pero saan natin hahanapin?" Ani Kylo, napataas ang aking kilay, may tama siya, paano iyan maaactivate kung walang remote? Kung walang nagkokontrol?

Umupo ako sa sofa at saka ko dinama ang sakit ng aking braso, namamanhid ito at nangangalay, maya maya ay wala na din ito.

" Kailangan nating mahanap ang nagaactivate diyan, hindi pwedeng ipasok ko ang kamay ko diyan, baka diyan pa ako mamatay, ang lakas ng kuryente." Paliwanag ko sa kanila.

" Iyong nasa sahig doon sa kwarto mo, Ms. Vautier, malapit na nila iyong makuha, kaunting pag aayos nalang ay makukuha na natin ang metal na box na iyon." Tumango ako. Umalis kami sa lugar na iyon, hinayaan muna namin doon ang pader, bumaba kami, at saka kami nagpunta sa sofa.

" Maraming clues, totoo nga na nasa puzzle ka, Ms. Vautier. Kung hindi mo man ito matapos ay baka manganib din pati ang buhay mo at ni Mr. Luciano, nandito naman kami para tumulong sa inyo, kaya makakaasa kayong matatapos ninyo ang misyon niyo." Ngumiti ako sa kanila, napabuntong hininga ako.

Mataman kong tinignan ang mga tauhan namin.

" Hihingi sana ako ng tulong, gusto kong bigyan ninyo ng bantay si Dad, iyong hindi niya mahahalata na may bantay siya, gusto ko parin naman siyang makagalaw nang maayos kahit na alam naming lahat na nasa panganib siya, gusto kong gawin mong bantay iyong magagaling na tauhan natin, iyong hindi aalisin ang tingin kay Daddy." Mahinahon kong sambit sa kaniya, tumingin siya kay Kylo, tumingin din ako kay Kylo, tinaasan niya ako ng kilay niya. Anong problema niya?

Distracted By Him Onde histórias criam vida. Descubra agora