Chapter 8

56 30 0
                                    

" Woohooo! Ang saya dito!"

Sigaw ni Ryuu habang nakatayo siya sa hawakan ng yacht. Sina Atlas ang nasa loob, siya ang nagpapa andar. Kami naman nila Elletra at Ryuu ay nagsasaya at panay kami kuha ng litrato sa mga sarili namin, nakarami na din kami ng litrato, kaya naman nakakasawa na.

" Nasaan na yung wine? Big time naman pala itong si Kylo e." May nakahanda na kaming pagkain dito sa labas, may wine din, wine ang naag usapan, dahil malala ang nangyari kagabi, at saka hindi naman talaga ako iinom ngayon, baka ikalaglag ko pa sa yacht kapag nalasing ako.

Nakikipag cheers ako pero hindi ako umiinom. Binababa ko lang at saka ako titingin sa view. Naka dress na black si Elletra, at white naman kay Ryuu, naka gold na dress akong silk, wala akong nadalang bikini, kahit na maliligo mamaya, naka shorts lang ako at saka bra.

" Diyan muna kayo, pupuntahan ko lang si Atlas." Paalam ni Elletra.

Naiwan kaming dalawa ni Ryuu dito, bukas ng umaga ay aalis na din kami, may aasikasuhin pa kasi kami, kaya hindi kami pwedeng magtagal dito.

" Don't drink, Astrana." Agad kong nilingon si Kylo na nasa gilid ko na pala at nakatingin din sa tanawin, wala namang pinagbago, bundok ang mga nandito, pero masarap ang hangin, sobrang linaw pa rin ng tubig at saka walang bato, kaya masarap lumangoy, kahit na nasa malayong parte na kami ng dagat, kita pa din ang kaputian ng buhangin.

" I know, Kylo." Sagot ko dito.

" Anong plano mo kapag bumalik tayo? Mag schedule ka ng araw kung kailan mo gustong bumalik sa arcade, sa beach, mga ganoong bagay, sasamahan kita." Natunaw ang puso ko sa sinabi ni Kylo, agad akong tumingin sa kaniya at saka ko siya hinarap.

Nagtaas naman siya ng kilay.

" Kylo, masyado kang mabait saakin, baka mamaya doon mo na din ako patirahin sa bahay niyo ha?" Tumawa ako sa sinabi niya. Hinigit niya ang aking beywang, at saka siya yumakap sa akin.

" Kung gusto mo. Kumakalma ako kapag kasama ka, Astrana. Masaya ako kapag nakikita kita. Kampante ako kapag nasa tabi kita, kaya huwag kang aalis. Huwag kang aalis sa tabi ko, dito ka lang, kung kaya ko lang na ikulong ka sa akin, gagawin ko, kasi ayaw kitang mawala sa paningin ko." Ngumiti ako sa sinabi ni Kylo, gamit ang isa kong kamay, hinawakan ko ang braso niya kung saan nakahawak sa aking beywang.

Inilagay ko ang uluhan ko sa balikat niya.

" Kylo, akala mo ba ikaw lang? Akala mo ba hindi ko nararamdaman iyang mga sinabi mo? Kumakalma ako kapag kasama ka, Kylo, masaya ako, nawawala ang problema ko, hindi ako nalulungkot sa mga walang kwentang bagay, unti unti kong nahahanap yung peace of mind ko sayo, Kylo. I don't know why." He chuckled. Kumalas ako sa yakap, at saka kami nagtitigan ng ilang segundo.

Napalunok ako nang hawakan niya ang baba ko.

" Then stay with me. Let me date you, let me love you. Kung saakin ka kumakalma, sabihin mo lang kung ayaw mo akong umalis, hindi ako aalis sa tabi mo, kung saakin ka sumasaya, hayaan mo akong pasayahin pa kita. Saakin ka muna, Astrana." Tumango ako. Sunod sunod, iyong tipong para akong bata na pinakitaan ng candy.

Tumawa siya sa akin.

" You can, Kylo. I will stay by your side also. I will never leave you." Hindi ko alam kung pangako yun, pero bahala na. Sinabi ko na, kaya gagawin ko nalang.

Nang matapos kaming maglaro at uminom sa yacht, pumunta na kami sa bahay. Sa pool naman daw maliligo, para naman matry din namin ang pool nila, sayang naman kung hindi namin pagliliguan, pinalinis pa naman ata ito.

" Bawal na uminom, may byahe tayo bukas."

" Noted!"

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko na nagkukulitan. Masaya sila na nakaalis kami, at masaya din ako syempre. Lalo na kapag kasama ko si Kylo. Nasa tabi kami ng pool, may lamesa at sofa dito, at saka may mga alak na din, kaya lang hindi naman kami iinom. Naka bikini si Elletra, naliligo na sila sa pool ni Atlas. Si Ryuu naman, naka bra pero naka shorts siya na maong. Ako naman, ewan.

Distracted By Him Where stories live. Discover now