Chapter 46

39 8 1
                                    

" Daddy!"

Mahigpit na yakap ang sinalubong saakin ni Daddy sa pintuan ng rest house namin, kabababa ko lang mula sa helicopter ay nasa pintuan na si Daddy at naghihintay saakin.

" Astrana! Anak!" Matagal kaming nagyakapan ni Daddy, ni hindi na namin napansin ang mga kasama namin sa bahay. Tumatawa kami ni Daddy habang naglalakad kami papasok sa rest house, malaki din ito, kaya pwede dito ang lahat.

Nasalubong ko sina Ryuu at Elletra, agad akong tumakbo sa kanila at saka ko sila niyakap. Nang masagi nila ang sugat ko sa likod ay napadaing ako, nahiwalay pa ako sa yakap namin.

" Ahh." Daing ko.

" Anong nangyari diyan?" Tanong ni Elletra.

" Nasaksak ako kanina. Pero natahi na  ito, ayos na ako!" Nagtawanan kami at saka kami nagyakapan ulit. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing naaalala kong wala na akong problema, ligtas kaming lahat at saka masaya kami. Napapangiti ako tuwing naalala kong wala na kaming kalaban.

Nakita kong nag uusap sina Daddy at Kylo, napangiti ako sa kanila. Habang nakatingin ako kay kinalabit ako ni Ryuu at saka ako inabutan ng alak na nasa baso na. Agad akong ngumisi at nilagok iyon nang patago.

" Huwag mo munang ipakita kay Daddy Kylo mo. Inom tayo nang patago." Nag apir kami ni Ryuu nang patago at saka kami kunwaring nag uusap sa lamesa habang kumakain ng dessert. Naroon naman sina Daddy kaya hindi kami makikita.

" Ma'am, naayos na po ang kwarto niyong dalawa ni Sir Kylo sa itaas." Singit ng kasambahay namin, yumuko ako nang bahagya para magpasalamat.

" Salamat, Ate." Tugon ko.

" Akala ko talaga nawala na si Daddy Kylo mo, napraning ako sa sinabi mo kanina, jusko! Akala ko mawawalan ka ng Daddy!" Natatawang sambit ni Elletra saakin, nilagok ko ulit ang alak na iniinom ko. Nako, lagot ako kay Kylo mamaya nito.

Dala ko dito ang box kung nasaan ang mana ko, pinagiisipan ko pa kung anong gagawin ko doon.

" Akala ko din, kasi natali talaga siya sa bomba kasama si Alecio, tapos ayon, tumunog iyong earpiece ko, siya iyon." Tumango sila saakin. Agad tinago ni Ryuu ang alak na iniinom namin nang naglalakad si Kylo palapit saamin kasama si Daddy.

Hinawakan ni Kylo ang aking beywang at saka niya hinalikan ang leeg ko. Lumingon ako sa kaniya at saka ko siya nginitian. Pigil pa ang hininga ko dahil baka maamoy niya ang aking hininga na amoy alak na.

" Doon muna kami ng Daddy mo sa labas. Dito ka muna." Paalam niya.

" Iinom kayo?"

" Hindi. May ipapakita lang siya, babalik ako kaagad." Hinalikan niya ang labi ko, at saka ako ngumiti at tumango.

Nang makalabas na sila ay inilabas na din namin ang inumin namin. Kaunti nalang ang iniinom namin. Nakakaramdam din ako ng hilo, pero kaunti palang naman, wala pa ito saakin.

" Ayon nga, kung tapos na ang laban, edi kayo na? May label na kayo? Anong happenings sa inyo?" Nakatukod ang kamay ni Ryuu sa lamesa at saka siya nakatingin saakin.

Napalunok ako.

" We did it." Ani ko.

" What..the..fuck!"

" What...the fucking..fuck are you talking about?! You two had sex?!" Kinagat ko muna ang aking labi bago ako dahan dahang tumango sa kanila. Agad nila akong hinampas sa aking braso, naka poker face naman akong tumingin sa kanila.

Uminom akong muli ng alak ko at saka ko sila tinaasan ng kilay.

" Why? Kayo lang ba ni Atlas ang pwede?" Masungit na tanong ko kay Elletra habang nakangisi sa kaniya. Nakahawak silang dalawa sa mga bibig nila habang hindi makapaniwalang nakatingin sila saakin, panay naman ako inom ng alak, hindi ba talaga sila makapaniwala?

Distracted By Him Where stories live. Discover now