Chapter 21

44 17 0
                                    

" I can do this, Mr. Vautier.."

Kinuha ni Kylo ang camera at saka niya ito inilagay sa laptop, para mas lalo naming makita ang mga nangyari doon.

" Wait, Dad, paano kung nakahubad ako diyan sa video, ipapakita mo kay Kylo?" Nag aalangang sambit ko dito, tumingin silang dalawa sa akin. Nakaramdam naman ako ng hiya sa katawan.

" No, Astrana. Calm down." Nilagay na ni Kylo ang card na iyon sa laptop niya, magsisimula palang kaming panuorin ay tumunog naman kaagad ang telepono ni Dad.

" Ikaw na muna ang bahala diyan, Kylo, may kailangan akong gawin." Paalam ni Dad.

" Yes, Sir.."

Agad naming inumpisahan ang video na iyon nang makalabas si Dad ng kwarto ko. Nang unang clip ay walang tao, tahimik ang lugar, walang tao sa loob ng kwarto ko. Agad kong hinawakan ang pause button nang makita kong naka roba ako doon sa video at naglalakad ako palabas ng banyo.

" Don't-" Pinutol niya ako.

" Sexy.." Komento niya sa video na iyon. Agad kong pinindot ang fast forward button para mas mabilis na lumipas ang video na iyon.

Hindi pa kami nakakalahati ay may tumunog sa phone ni Kylo, bakit ba nagtutunugan ang mga telepono nila? May emergency ba?

" Hello? Samantha?" Napalunok ako sa narinig kay Kylo. Umiwas ako ng tingin, ibinaba ni Kylo ang laptop niya at saka niya ito inilagay sa side table ko.

Tumayo siya at saka siya pumwesto sa tapat ng bintana, doon niya kinausap si Samantha.

" Yes, sure. I'll meet you, later. Keep safe. See you." Nang matapos siya ay tumingin siya saakin.

Nag ayos siya ng kaniyang polo. Aalis ata siya.

" Astrana, may aasikasuhin ako saglit." Paalam niya.

" Kylo.." Pwede bang dito ka nalang? Napailing ako sa sinasabi ng isip ko. Alam kong magkikita sila ni Samantha. Sana dito nalang siya, pero mukhang importante kaya magiging maayos lang naman siguro ako dito.

" Ano iyon?" Tanong niya.

" Wala wala, ingat ka."

Nang makaalis si Kylo ay saka nalang ako natulog. Wala din namang gagawin, kaya itutulog ko nalang ito.

' Anak, Astrana. On the floor..'

' Find my peace, it's on your room, Anak..'

' I know you will solve this.. Find my peace, it's on your room, on the floor..'

" Shit!" Sigaw ko nang magising ako. May luha pa sa aking mga mata nang makabangon ako mula sa pagkakatulog ko.

What's that? Anong mayroon sa panaginip ko? Anong floor? Anong nasa kwarto ko? Anong peace? Mommy? What's wrong?

" Mom.." Hagulgol ko sa aking kwarto. Hikbi ko lang ang naririnig sa loob. Bakit siya nagpaparamdam? Bakit ko siya napanaginipan? Anong mayroon sa mga sinasabi niya saakin? Anong problema? Mommy?

" Mommy..." Niyakap ko ang aking sarili. Kinumutan ko din ang aking sarili, at saka ko sinubukang pakalmahin ang aking sarili, wala naman akong kasama dito, hindi din ako makagalaw para tumayo at umalis dito sa kwarto ko. Wala naman si Dad, may meeting, busy iyon, wala din si Kylo dito sa kwarto ko.

On the floor? On my room? Peace?

On the floor? On my room? Peace?

I don't get it, Mommy. What's wrong?

Distracted By Him Where stories live. Discover now