Chapter 7

56 30 0
                                    

" Sa inyo to, Kylo?"

Hindi makapaniwalang sambit ni Ryuu nang makatapak kami sa resthouse ni Kylo. Kahit ako din, namangha noong una. May resthouse kami, pero simple lang, at hindi ganito kalaki.

" Yeah, this is ours." Simpleng sambit ni Kylo. Ngumiti ako nang malibot ko na ang kabuuan ng resthouse nila sa labas. May pool pa, pero ang kaharap, beach. Fountain pa, mas magandang maligo sa beach, mamaya siguro.

Binuhat ni Kylo yung gamit ko, at saka kami pumasok, double doors ang bahay na ito. Umupo muna sila sa sofa, habang ako naman ay lumibot muna, hanggang sa marating ko ang terrace kung saan kitang kita ang kabuuan ng dagat, maputi ang buhangin, may nakikita din akong mga puno ng niyog kung saan may mga duyan. May mga poste din kung saan may ilaw. Yung swimming pool dito ay glass yung gilid, halatang nalinis din dahil kulay blue na blue ang kulay ng pool.

Nagulat ako nang may humawak sa beywang ko, agad ko siyang nilingon.

" Tinawag mo sana ako doon para masamahan kita dito." Sambit ni Kylo sa akin. Ngumiti naman ako.

Niyakap ko siya.

" Thank you for bringing me here, I badly want here, Kylo." Malambing na sambit ko dito. Naramdaman ko naman ang kamay niya na mas hinigpitan ang hapit sa aking beywang.

Napapakalma niya ako. Kumakalma ako sa mga yakap niya at tuwing kasama ko siya.

" I know you need this. I'm just here. Tell me if you want to talk." Tumango ako.

Walang mga tauhan na napapunta dito si Kylo, since marunong naman ako magluto, ako nalang ang nagvolunteer na magluto, sina Ryuu at Elletra naman, nandoon na sa pool, si Kylo, hindi ko alam kung nasaan na.

" Kylo, saan ka galing?"

" Oh, there. Binuksan ko lang yung mga ilaw sa labas. You need help?" Dahan dahan akong tumango, tumawa naman siya, nagsuot din siya ng apron, at saka niya ako tinulungan. Nakahanda na din naman yung mga lulutuin, hindi ko lang alam kung paano buksan ang lutuan nila.

Mayamang ignorante.

" I can't open this-" Kinuha ni Kylo ang kamay ko na namumula na sa kakapaikot ng lutuan na ito.

" Tinawag mo nalang sana ako. Your hands are so red."

Pinanuod ko siyang buksan ang lutuan, at nalaman kong kahit pala mayaman ka na, pwede ka paring maging ignorante.

Ganoon lang pala kadali iyon!

" Naroon na ang mga kaibigan mo sa beach, magse set up daw sila ng bonfire."

" Yeah, my friends really wants bonfire. Kahit noong mga bata pa kami." Pagku kwento ko.

Nagsimula na akong magluto, siya naman ay nanunuod nalang sa akin, isang putahe lang ang alam ko, mamaya si Kylo din, magluluto daw. Kaya pinauna na muna niya ako.

" Be careful with the knife, Astrana." Tumango ako.

" Kylo, guess what? I have chocolates!" Tumawa ako sa sinabi ko. Nagtaka naman siya sa sinabi ko, kaya itinuro ko ang bag na dala nila Ryuu, nagpabili kasi ako ng chocolates noong papunta na sila sa pagkikitaan namin kanina, kaya nakatakas ako kay Kylo.

Lumapit naman siya sa itinuro ko at saka niya tinignan ang laman. Well, malaki ang bag, kaya marami ding chocolates. Nagpameywang si Kylo sa aking harapan, at saka siya umiiling.

" Why?" Tanong ko.

" You're bad, Astrana." Nag peace sign ako sa kaniya at saka ko nagpatuloy na nagluto. Nang matapos, naghanda na ako sa lamesa at saka ko hinintay na magluto si Kylo, nagpalit na din muna ako at naglinis ng katawan, bukas nalang ako maliligo, nilalamig na din ako.

Distracted By Him Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu