Chapter 23

40 14 0
                                    

" Let's bake, Astrana. Mamaya na natin intindihin iyong papa imbestigahan natin."

Pag aaya saakin ni Kylo. Tumango naman ako sa kaniya at saka ko tumayo. Mamaya pa ang uwi ni Dad, pero magbi bake na kami kaagad, para ipapatikim nalang sa kaniya mamaya kapag dating niya.

" Kylo, are you sure you want to compete with me? I'm good at baking cakes and cupcakes." Mayabang na tanong ko dito. Ngumisi naman siya sa sinabi ko, at saka siya nagsuot ng apron.

" Baby, you should know that I am good with everything, especially kissing you." Napalunok ako sa sinabi niya. Mabuti nalang at marami kaming gamit pang bake, kaya magkaiba ang gamit ko sa gamit niya, hindi kami mahihirapan, kumuha na ako ng mga gagamitin ko, at saka na ako nagsimula.

Tinignan ko si Kylo.

" Goodluck."

" Goodluck." Aniya.

Hindi kami nagpansinan. Nagsimula akong maghalo ng mga ingredients. Maging siya ay busy na din, hindi kami nagpapansinan, hindi ko goal ang makipag compete sa kaniya, gusto kong malibang at mag enjoy, kaya sumama ako at naisip ko itong gawin. Marunong naman akong magbake, hindi ko lang alam kay Kylo, baka marunong naman talaga siya?

" Let me help you.." Lumapit siya saakin para mabuhat ang mixer na kailangan ko, naka apron kaming dalawa, pareho din ng kulay.

Ngumiti ako nang mabuhat niya na ito at nailagay na sa tabi ko. Nagumpisa nanaman akong maghalo. Ilang minuto ang nakalipas ay ang nai oven ko na ang tinapay para sa cake ko. Ang mga frostings nalang at icing ang gagawin ko, tapos matatapos na ako, wala pa akong naiisip na idedesign, bahala na mamaya. Nang maka oven na ako ay tinitignan ko muna si Kylo na maghalo, well, he's good. Nakafocus din siya sa ginagawa niya.

" Astrana, don't look at me like that, hindi ako makafocus, ayaw kong matalo dito." Tumawa naman ako sa sinabi niya. Since wala namang time limit ang paggawa namin, lumapit muna ako sa kaniya, kumuha ako ng harina at saka ko ito inilagay sa tungki ng ilong ni Kylo.

" Damn, Astrana, stop teasing me." Madiin na sambit niya. Hindi ako nakinig, naglagay pa ako ng ibang harina sa mukha niya at saka ako tumatawa sa nakikitang itsura niya.

Nang tumunog na ang gawa ko ay nagsimula na ako sa icing, hindi ko na muna pinansin si Kylo, siya naman ngayon ang nasa tabi ko at tinitignan ako.

" It's better if you have it here." Nanlaki ang mata ko nang lagyan niya ng icing na gawa niya ang aking pisngi, agad naman akong humarap sa kaniya at bumawi dito.

Hindi pa tapos ang icing ko pero kinuha ko na ito at saka ko nilagay sa kaniyang pisngi.

" Kylo, I'm not here to-" Pinutol niya ako.

" Nauna ka kanina  Astrana. Bumabawi lang ako." Tumawa kaming dalawa. Naglagayan kami ng icing sa aming mga mukha, naghahabulan na din kami dahil hindi nagpapalagay si Kylo sa mukha niya.

" Madaya ka! Dito ka! Saakin! Kylo!" Sigaw ko dito. Agad naman siyang naglakad palapit saakin, ikinulong niya ako sa lamesa kung saan nakapatong ang mga gamit namin sa ginagawa namin.

" Nandito na ako sayo, anong gagawin natin?" Bumusangot ako. Dahan dahan niyang inilalapit saakin ang labi niya, malapit na din akong mahiga sa lamesa na ito dahil inilalapit niya din ang katawan niya saakin.

Natawa kaming dalawa nang tumunog ang oven at saka ko nilagyan ng icing ang mukha niya.

" Pasalamat ka hindi dumikit ang labi ko sa iyo, baka hindi natin ito matuloy." Sambit niya habang kumakalas sa pagkakakulong niya saakin at saka siya naglakad palapit sa oven at kinuha ang kaniya.

Distracted By Him Where stories live. Discover now