Chapter 19

48 21 0
                                    

" Ex?! Bakit hindi ko pa iyan nabalitaan noon?!"

Galit na galit si Ryuu habang tinatawagan ko siya. Nakayuko naman ako, iniinda ko ang sakit ng tahi ko, nawala na kasi ang anesthesia, nandito pa ako sa Ospital, hindi ko alam kung nasaan si Kylo, ang sabi niya saakin may babayaran lang daw siya.

" Oo, sinabi niya saakin kanina noong matapos akong tahiin. Nag sorry pa nga e." Bumilog ang mata at bibig ni Ryuu sa akin.

Napapatawa naman ako sa reaksiyon niya. Hindi ko nga alam anong reaksiyon ko nang ipakilala niya akong girlfriend niya e.

" Bakit?! Kailan pa?! Baka lowkey and private lang ang relationship nilang dalawa? Bakit hindi ko nalaman?" Naghehesterikang tanong ni Ryuu saakin, may kinakalkal pa siya sa phone niya, at saka siya may ipinakita saakin.

" I don't know, Ryuu. Basta sinabi niya na ex niya iyon, Doktor din." Ani ko.

" Wala nga akong nakitang post niya sa instagram na may dine date siya e, bakit? Argh!" Reklamo niya. Naririnig ko na ang boses ni Kylo sa labas, kaya naman magpapaalam na ako kay Ryuu.

" Talk to you later.." Paalam ko.

" Bye.."

Nakita kong may kausap siya. Boses babae, baka iyong Doktor kanina na sinabi niyang ex niya? Sinabi niya saakin na hindi niya ako iiwan dito sa kwarto, pero wala naman na siya dito sa kwarto ko.

" Yeah, basta kapag may problema sa sugat niya, you can call me, para doon nalang sa bahay nila gagamutin, at saka iyong nireseta ko, babalik kayo dito after 1 week, para macheck ko ulit iyang sugat niya." Binuksan ni Kylo ang pintuan, at saka ko sila nakitang dalawa, bakit kanina ay walang pakialam at hindi sincere ang boses niya? Tapos ngayon naman ay concern na concern na siya.

Ngumiti si Kylo, at saka din ang babae na Doktor na iyon.

" I know. Thank you so much-" Agad naputol si Kylo nang halikan siya ng Doktora sa pisngi nito.

Ngumisi sa akin ang Doktora bago siya ngumiti kay Kylo at nagpaalam.

" Ingat kayo pag uwi, see you after 1 week, Kylo. I have to go.."

Napalunok ako nang isara ni Kylo ang pintuan, at saka niya ako tinignan sa mga mata ko. Hindi naman ako lumilingon sa kaniya. Bakit niya pa ako pinakilalang girlfriend niya kung papayag siya na mahalikan ng Doktor na iyon? Bakit din ako ganito?

Shit, nagseselos ba ako?

" Are you fine?" Tumango lang ako. At saka ko tinignan ang aking sugat, naka benda lang siya, hindi ko na pinalagyan ng cast, pangit tignan, kaya naman ng benda e.

Umupo siya sa gilid ng kama ko, at saka niya inayos ang mga gamit ko.

" Uuwi na tayo. Kung hindi mo kayang maglakad-" Pinutol ko siya.

" Kaya kong maglakad, Kylo. Tara na." Malungkot na sambit ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko, inaalis ko pero pilit niyang kinukuha, kaya hinayaan ko na siya sa gusto niyang gawin. May mga guards kami paglabas ng kwartong iyon, bitbit din nila ang mga gamit na dala ko kanina.

Tumingin si Kylo saakin, tumingin ako pabalik pero agad din akong umiwas ng tingin.

" We just talked, Astrana." Mahangin na sambit niya saakin, akala mo naman ay alam na alam niyang nagseselos ako.

" Hindi naman ako nagseselos-"

" Sinabi ko bang nagseselos ka? Sinabi ko lang na nag usap kami, that's it." Napalunok ako. Did he just? Damn it. He caught me off guard, dang.

Bakit ba kasi selos kaagad ang naisip kong sasabihin sa kaniya, e hindi niya naman din ako tinatanong kung nagseselos ba ako.

" She's your ex, right? Bakit kayo naghiwalay?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya saakin, inalalayan niya akong makaupo sa sasakyan, at saka siya naupo sa drivers seat.

Distracted By Him Where stories live. Discover now