Chapter 24

41 14 0
                                    

" Masyadong makapal ang pagkaka semento dito sa parteng ito."

Pagpapaliwanag ni Mr. Mores saamin. Napailing naman si Dad sa sinabi niyang iyon.

" So, hindi pa natin mabubuksan ang bagay na iyan? Kailangan niyo munang magpahinga, kanina pa kayo nagtatanggal diyan." Alalang sabi ni Dad kina Mr. Mores at sa mga kasamahan niya, pawisin na din kasi sila, kanina pa sila nagtatanggal ng semento pero hindi parin natatanggal.

" Tumawag na ako ng mga mag iimbestiga doon sa mga camera at audios na nakuha sa kwarto ni Astrana, dito ko nalang sila pinapunta dahil delikado sa labas." Paliwanag ni Kylo kina Dad at Mr. Mores.

" Okay lang naman, Kylo. Hintayin nalang muna natin sila."

Nagpaalam din muna ako kina Dad at Kylo na pupunta muna ako sa kwarto kung nasaan nandoon ang mga gamit ni Mom, hindi ko din alam kung bakit ako pupunta dito, hahayaan ko na din muna sila na gawin ang gusto nila at makapag usap.

" Mom, I'm back. Sorry. Sa susunod, Mom, hindi na ako dito bibisita, sa puntod mo na, pero delikado pa sa labas kaya dito muna ako, dito muna kita kakausapin." Sambit ko habang nakatingin sa litrato ni Mom, naupo ako sa sofa na narito, sofa nalang ang nandito, dahil wala namang kama, wala ding hihiga kung lalagyan ito ng kama.

Pinagmasdan ko ang litrato ni Mom na nakasabit sa pader, habang tumatagala ang pagtitig ko dito, nakikita ko ang aking hitsura, nakikita ko ang mukha ko sa kaniya. Hindi pinasama lahat ni Dad sa libing ni Mom ang ibang mga gamit niya, ang mga bags niya at shoes ay nandito parin, kahit iyong mga madalas niyang suotin na damit at dresses, nandito parin sa kwarto na ito, iyong mga gamit niya sa kasal, nandito parin. Pero iyong  rings ni Mom, nandoon parin sa kaniya, sinama iyon, suot suot ni Mom iyon noong nilibing siya.

Iyong mga alahas ni Mom, nandito, gusto ko nga din suotin ito e, kapag lalabas ako, minsan sinusuot ko ang mga iyon. Napasimangot ako. Bakit hindi ko parin matanggap na wala na si Mom? Bakit hanggang ngayon, masakit parin? Kaya ba hindi pa ako maka move on kay Mom kasi alam kong may mali? Alam naming may mali? May ibang nangyayari kaya hindi maalis sa utak ko si Mom? May kailangan kaming gawin para makalimutan namin si Mom?

Kung mayroon, ano iyon? 

Napabalikwas ako nang makarinig ako ng katok sa pintuan, agad akong tumayo para pagbuksan siya, si Kylo lang pala.

" Bakit ka nakasimangot diyan?" Tanong niya saakin, kinuha niya ang aking pisngi at saka siya lumapit saakin.

" Hmm? Wala, naalala ko lang si Mom,   sorry umalis ako doon." He chuckled. Hinigit niya ang beywang ko, at saka niya inilapit ang mukha niya saakin.

Umiwas ako ng tingin, tumatawa naman siya ng mahina.

" Can I taste you? Can I kiss you, Astrana? Please.." Malambing na tanong nito saakin, napalunok ako.

Bakit bigla siyang naging malambing? Anong nangyari sa kaniya?

" Kylo...makita ka ni Dad, what are you doing?" Itinulak niya ako nang bahagya sa pader, nakasandal ako dito habang nakaharang naman ang mga kamay niya sa gilid ko, para hindi ako makataas.

" Please, baby, just once, may gayuma ata ang cake mo, damn.." Mura niya pa. Lumapit siya saakin, hinawakan niya ang labi ko, at saka niya ito hinagod.

" Kylo.." He chuckled again.

What's happening?

" Just once, Astrana, please, I want to kiss you.." Hindi na ako nakaimik nang sungaban niya ng halik ang aking mga labi, sumagot ako sa mga iyon, at saka ko ipinulupot sa balikat niya ang dalawang kamay ko.

Dahan dahan at mainit ang halikan naming dalawa, kung minsan ay hinahawakan ko ang batok ni Kylo para mas palalimin pa ang halik naming dalawa.

" Kylo-" Nakusot ko ata ang damit ni Kylo nang bumaba ang halik niya sa aking leeg, napapapikit ako sa ginagawa niya.

Distracted By Him Where stories live. Discover now