Chapter 16

51 24 0
                                    

" Oo! Ingat kayo! Magpapa alam ako sa kaniya mamaya! I love you both! Mwua!"

Kumaway ako sa kanilang dalawa. Hanggang sa makaalis nang gate ay kumakaway ako sa kanilang dalawa, kani kaniya sila ng kotse, tarantado talaga si Ryuu kahit kailan dahil ang ingay niya magbusina, sunod sunod.

" Anong ipapaalam mo saakin?" Tanong saakin ni Kylo, ngumiti naman ako sa sinabi niya at saka ako umalis sa harapan niya.

Sinusundan niya lang ako ng tingin, hanggang sa makaupo ako sa sofa, maging siya ay umupo na din muna s harapan ko.

" Kylo, tungkol doon sa ipapaalam ko sayo.." Dahan dahan kong sabi sa kaniya. Tinaasan niya lang ako kilay.

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay, at saka ako yumuko.

" I badly want to join my friends. Inaya kasi ulit si Elletra ng boyfriend niya mag outing, hindi ako papayagan ni Dad na sumama kung hindi ka kasama, kaya gusto sana kitang sabihan na-" Pinutol niya ako.

" Sasama ako sa iyo?" Tanong niya. Tumango ako.

" Oo, sana.." Napangiwi ako sa sinabi ko. Babae ako, bakit ako ang nag aaya? Pero dahil gusto kong sumama, ibababa ko ang pride ko.

Pinagsalikop niya ang dalawang kamay niya at saka siya tumingin sa akin. Kinakabahan naman ako sa mga titig niya.

" Para saan? Anong gagawin niyo doon?" Tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Outing nga e, anong gagawin doon? Duh.

" Hindi ko din alam, kaya nga outing kasi  mag eenjoy? Hindi mo ba alam iyon?" Masungit na sabi ko sa kaniya. Kita ko naman ang pag ngisi niya saakin.

Umalis ako sa harapan niya, at saka ako dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom,gagawa nalang muna ako ng chocolate drink ko. Mabuti nalang at mayroon sila noon dito.

" Ma'am-"

" Ako na po."

Mag isa kong gumagawa dito sa kusina. Nakakainis naman kasi talaga ang tanong niya saakin. Outing iyon, anong gagawin doon, mag aaral? Matutulog? Magbubulakbol? Hindi ba siya aware sa ginagawa kapag outing? Minsan ayaw ko din siyang kausap e. Nakakairita, e ano naman kung hindi siya pumayag, mapapapakiusapan ko naman si Dad ng mag isa ko lang, kaya ko iyon, lalambot din ang puso ni Dad saakin kapag maglalambing ako, hindi ko kailangan si Kylo, at saka, mukha akong pobre, nakikitulog ako dito sa bahay niya, may bahay naman kami.

" Alam mo kung susungitan mo ako ng ganiyan, Astrana, mas lalo akong hindi papayag." Kumusilap ako sa sinabi niya, binaba ko ang baso na hawak ko at saka ko siya sinamaan ng tingin.

" Hindi naman bigdeal kung hindi ka pumayag e, edi huwag, hindi ka naman kawalan!" Sigaw ko dito. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nilagyan ko ng mainit na tubig na kaunti ang inumin ko at saka ko nilagyan ng ice at malamig na tubig ang aking inumin, at saka ko ito kinuha.

" Bakit ba ganiyan ka saakin? Ang sama mo ha." Nakasimangot si Kylo sa aking harap, hindi ko naman siya pinansin, nilagpasan ko lang siya.

" Don't talk to me, ever again." Umakyat ako sa hagdan at dumiretso ako sa kwarto.

Tinawagan ko si Dad, ayaw ko na dito, pakiramdam ko ay kinokontrol niya ako, na hindi naman dapat, bakit siya ang masusunod? Bakit sa kaniya nakasalalay kung papayagan ako ni Dad o hindi? Malaki na ako, wala na ako sa 18 years old na ako, kaya ko na ang mamuhay ng mag isa. Bakit kailangan nakasiksik si Kylo sa bawat desisyon?

" Anak? Why?" Video call ko tinawagan si Dad, para makita niya ang facial expression ko, kailangan iyon para effective ang paglalambing ko dito kahit na malayo siya saakin.

Distracted By Him Where stories live. Discover now