Chapter 36

38 15 1
                                    

" Bakit niyo po kami kailangan? Sino po kayo?"

Naguguluhan na tanong saakin ng pamilya ng lalaki na nakausap ko kanina. Wala na akong pakialam kung may matapakan akong ibang tao, kailangan kong mailigtas si Daddy at malaman kung nasaan si Alecio sa lalong madaling panahon.

" Nandito ang anak mo saamin, dahil may masama siyang ginagawa na marahil ay hindi mo alam." Nanunuod saamin ang mga kaibigan ko, sina Kylo, at sina Mr. Mores.

Ang mga magulang at kapatid niya ang nandito, kaya malamang ay mapapakanta ko na siya, nakaupo sila sa sofa at saka kita sa mukha nila ang takot, naguguluhan din sila kaya panay tingin nila sa bahay ko.

" Bakit nandito si Jerome? Anong ginawa mo sa kaniya? Bakit siya nandito sa bahay na ito?" Naghehesterika na ang Mama ni Jerome, kung Jerome nga ang pangalan niyon. Ngumisi ako sa tanong niya.

Lumapit ako sa kanila at saka ko sila tinitigan, isa isa.

" Wala po akong masamang ginagawa. Ang anak niyo ang mayroon, at kapag hindi po siya kumanta ngayong araw, isa sa inyo ang isusunod ko kay Felicio." Tinaasan ko sila ng kilay, kita ko ang takot sa mukha ng isang bata, hula ko ay nasa limang taon ito, doon ako napaiwas ng tingin, ang bata niya pa para masaksihan ang ganitong krimen.

Maglalabas sana ako ng baril pero tumalikod muna ako. Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang bata, nakangiti ako sa kaniya. Nanunuod silang lahat saakin, inaabangan nila ang gagawin ko. Malambot parin pala ang puso ko, kahit papaano.

" Hi, gusto mong maglaro sa labas? Kasama sina Ate? Doon ka muna. May mga chocolates din doon sa kusina, kunin mo lahat kung gusto mo." Nakangiti kong sambit sa bata, ngumiti naman siya saakin, at saka siya tumango, batang lalaki.

Tinawag ko sina Elletra at Ryuu, lumapit naman sila kaagad.

" Tara, kuha tayo ng chocolates tapos maligo tayo sa pool." Aya nilang dalawa. Nakaalis na sila sa loob ng bahay kaya naman naglakad na ako palapit sa magulang niya at sa iba niya pang nakababatang kapatid, may edad na din ang iba niyang kapatid, inilabas ko lang ang batang iyon.

" Nasaan ang anak ko? Ipakita mo siya saakin." Pagmamakaawa ng Mama niya saakin, inilayo ko ang kamay ko sa kaniya at saka ako naglakad papunta sa HQ.

" Isunod niyo sila saakin." Utos ko.

Halos manlumo ang magulang ni Jerome nang makita siyang nakagapos sa upuan at duguan ang noo, may tama pa sa tuhod niya. Tulog ito pero nagising siya sa ingay nang iyak ng Mama niya. Nanlalaki ang mata niyang tumingin saakin, ngumisi naman ako sa kaniya.

" Anak ko! Bakit ka nariyan! Anong kasalanan mo? Akala ko ba ay matino at tahimik kang nagta trabaho dito? Bakit nakagapos at duguan ka ngayon? Jusko!" Hindi makalapit ang ina niya sa kaniya, may nakabantay sa kanila kaya hindi siya pwedeng malapitan, nakayuko siya, hiyang hiya sa itsura at kalagayan niya ngayon.

Naglabas ako ng baril, at saka ko ito itinutok sa mga magulang niya. 

" Kailangan ko lang naman na kumanta ka, bakit pinahihirapan mo ang sarili mo, Jerome?" Kita ko ang takot sa mata niya nang mabanggit ko ang pangalan niya, gusto niyang kumawala, pero hindi niya magawa, kaya naman mas lalo siyang nagalit.

Pinahawakan ko ang kamay ng magulang niya at kapatid niya, at saka ko ikinasa ang baril ko at muling itinutok sa mga magulang niya.

" Bakit mo ito ginagawa saakin?" Aniya.

" Bakit mo din iyan ginagawa sa sarili mo? Bakit mo ginawang sumama sa masasama?" Pabalik na tanong ko dito, umiling siya.

" Magsasalita ka lang naman tungkol sa nalalaman mo kay Alecio, at tapos na, palalayain na kita, at makakauwi na ang magulang mo sa bahay niyo, mamili ka, Jerome, 10 minutes lang ako pwedeng paghintayin." Ani ko. Naupo ako sa upuan, at saka ko tinignan ang box na naroon, nakalagay na siya sa babasagin na lalagyan para kung sakaling may makapasok dito na tauhan ay hindi kaagad nila makukuha, plano ko rin na ibalik nalang muna sa pader ito at iactivate ang grounds at laser, para walang makakakuha.

Distracted By Him Where stories live. Discover now