Chapter 15

53 24 0
                                    

" Tumigil ka nga kakatili, Ryuu, para kang tanga!"

Hindi ko mapigilang tumawa sa kanilang dalawa. Ngayon lang sila nakapunta dito sa bahay ni Kylo, lalo na si Ryuu na matagal ng crush si Kylo.

" I really can't believe this. Nasa bahay ako ng future asawa ko. Soon, ito ang magiging bahay namin at ng mga anak namin." Naghehesterika na sambit ni Ryuu habang nakatingin sa kisame ng bahay nina Kylo, hindi na din mababa ang kilay ni Elletra sa inaasta ni Ryuu dito.

" Ryuu, wala ka bang sariling kisame at bahay? Bakit parang sa inaasta mo, wala kang bahay? Mukha kang pobre." Ramdam ko ang inis na Elletra kay Ryuu. Si Ryuu naman ay nanatiling naka tayo at ineexplore ang bahay ng future asawa niya daw.

" Bakit ba? Dream come true kaya na nandito ako sa bahay ng magiging asawa at tatay ng mga anak ko." Pumapalakpak pa siya habang sinasambit iyon. Agad siyang natahimik nang makita niya si Kylo na naglalakad na sa hagdan pababa.

Kinurot at hinila ni Elletra si Ryuu, hanggang sa makaupo siya.

" Kung hindi pa bababa at magpapakita si Kylo, hindi ka pa titigil, haliparot ka." Pigil ang tawa ko habang pinariringgan silang dalawa na mag away dahil lang kay Kylo.

Nagtama ang paningin naming dalawa ni Kylo, dumiretso naman siya saakin.

" How are you? May meeting ako, dito na sa baba ako makikipag meeting para makita kita." Nanlalaki ang mga mata ng kaibigan ko sa narinig nila mula kay Kylo. Hinawakan naman ako ni Elletra sa aking beywang, hindi ko pinansin iyon.

" Maingay ang mga kaibigan ko, baka hindi ka makafocus sa meeting mo, kahit doon ka nalang muna sa kwarto mo." Tinuro niya ang mga katulong sa bahay na dala na ang computer niya at kung ano ano pang kailangan niya pababa dito sa sala.

Napalunok naman ako nang makita iyon, wala na akong magagawa, alam ko.

" Sayang ang effort kung ipapabalik ko. 50+ steps ang aakyatin para makabalik, kaya dito na ako." Tumango nalang ako sa sinabi niya saakin, masyadong kalkulado lahat, nakakahiya naman.

Kinuha niya ang aking braso at saka niya tinignan ang aking sugat.

" Sigurado kang ayos lang iyang sugat mo? Nagpahanda ako ng pagkain, dito na nila iaayos mamaya para hindi ka na tatayo." Tumingin si Kylo kina Elletra at Ryuu, si Ryuu naman ay umiwas ng tingin.

" Ayos lang ako, makipag meeting ka na." Tumango siya.

Umalis siya sa harapan namin, at saka siya umupo sa kung saan siya makikipag meeting. Pinagkumpulan naman ako ng mga kaibigan ko, at saka nila ako tinanong tanong.

" Tanga, Ryuu, may nakalimutan ako, nagpapanggap nga palang mag jowa itong sina Astrana at Kylo, kaya wala kang chance, akala ko ba sumasama ka ng mga campaign at rally ng Papa ni Kylo?" Tanong ni Elletra kay Ryuu, agad namang napakurap kurap si Ryuu at saka siya pumalakpak ng isang beses.

" Oo nga pala ano? Well, nagpapanggap lang naman, edi may chance parin ako." Matapang na sambit ni Ryuu sa amin, napakibit balikat nalang kami ni Elletra sa sinabi ni Ryuu.

" Nga pala, kamusta ang sugat mo? At ano ang nangyari? Nagulat nalang kami nasa balita ka na, nakakaloka." Sambit saakin nina Ryuu, tinignan nila ang sugat ko, at saka nila ako tinignan na para bang jina judge ang buong pagkatao ko.

" Ayos lang naman ako, OA lang ang mga nag aalaga saakin, kaya hinahayaan nila akong nandito lang at nakaupo." Narinig ata ni Kylo ang sinabi ko kaya humarap siya saamin, hindi naman ako tumingin sa kaniya.

Nag aalala naman akong tinignan ng mga kaibigan ko, ngumiti nalang ako para alam nilang ayos lang talaga ako.

" Mabuti nga at diyan lang, kamusta pala ang inaasikaso niyong imbestigasyon? May lead na ba?" Tanong saakin ni Elletra, umiling ako.

Distracted By Him Where stories live. Discover now