Chapter 49

45 9 0
                                    

" Mommy! We're back! We missed you!"

Masayang bati ko sa bagong gawang bahay ni Mommy dito sa sementeryo. Ilang linggo na akong hindi nakakapunta dito. Ibinaba ko ang bulaklak na dala ko at saka ako nagsindi ng kandila.

" Mahal, pasensiya na kung ngayon lang ako nakabisita sayo. Wala na tayong problema, natapos na ng anak natin ang problema natin, kaya naman malaya na tayo, mahal." Nakahawak si Daddy sa lapida ni Mommy na bagong gawa na ngayon, mas maganda na siya hindi katulad dati.

" Mommy, I know, natapos ko na ang hinahanap mong peace, and I know I did it right." Nakangiti ako sa sinabi kong iyon. Habang nakatitig ako sa lapida ni Mommy ay ramdam ko ang kamay ni Kylo sa aking beywang.

" Mom, this is Kylo. My boyfriend.." Pagpapakilala ko kay Mommy kay Kylo, hindi ko naman makakalimutan si Mommy sa mga ganitong bagay, kaya ipapakilala ko parin si Kylo sa kaniya.

Hinawakan ni Kylo ang lapida ni Mommy at saka siya naglagay ng bulaklak at nagsindi ng kandila.

" I met you when I was a kid, Mrs. Vautier, and I must say, your daughter got your beauty and your all. Everytime your daughter smiles, I get the chance to see you also, Mrs. Vautier." Mahabang litanya ni Kylo sa harapan ng bahay ni Mommy, napangiti ako sa sinabi niya, yumakap ako sa kaniya.

Nagtagal pa kami sa sementeryo,nang matapos na kami doon ay saka na kami bumisita isang bahay kung saan naroon din ang iba't ibang sasakyan na ipinama saakin. Napakarami nila, hindi ko ata mabilang kung ilan, iba't ibang uri ng sasakyan at brands ang mga ito.

" Here are the keys, Ms. Vautier. Sa inyo po lahat iyan, you can try them one by one if you can." Subok saakin ng staff na nagbabantay sa mga sasakyan, halos malula ako habang naglalakad at tinitignan isa isa ang mga sasakyan.

" I'll try them one by one kapag may oras na ako, ang iba diyan baka ibenta ko na din muna o ipapa ayos ko. Sa ngayon, bahala na muna kayo diyan magbantay, ako na ang bahala sa sahod niyo." Ngumiti sila saakin, hindi na namin kasama si Daddy nang magpunta dito, nasa opisina na siya, nanaman.

Magkahawak ang kamay namin ni Kylo habang naglalakad sa parke kung saan niya ako nakita na magisa at nakatulala sa ere noon. Iyong binigyan niya ako ng cotton candy.

" Love, do you think my Mom is happy?" Nakatulalang sambit ko sa kaniya.

" Yeah, of course. You finished it all, and you did your best, that's why your Mom is so proud of you." Ngiting saad niya saakin, nakaupo kami sa isa sa mga benches at saka namin tinitignan ang mga naglalakad na mga tao sa harapan namin.

Lumanghap ako ng preskong hangin, matagal akong hindi nakalabas ng bahay, kaya namiss ko ang lumabas.

" Natutuwa ako kay Daddy, kasi gustong gusto niya na magtrabaho sa opisina niya, kaya naman hindi na ako minsan umaangal, ligtas naman na kaya naman pwede na siya sa labas." Hinawakan ni Kylo ang aking kamay , at saka niya ito nilaro laro, tinignan ko naman ang ginagawa niya doon.

" Sa mga nangyari, syempre namiss niya magtrabaho, iyon na ang buhay niya, ang opisina niya at mga papel, kaya hindi siya sanay na nakukulong sa bahay niyo." I know, matagal na si Daddy sa building na iyon, kaya naman alam kong ayaw niyang nahihiwalay doon, minsan nga ay doon na siya natutulog kapag masyado siyang maraming ginagawa, kaya naman minsan magisa ko lang sa bahay namin.

" Yeah, isa din iyon, well, he's safe naman na, kaya okay na okay na siya doon."

Tumayo na kami, uuwi na kami dahil may activity kami sa bahay ngayon, magbi bake kami ni Kylo, magcocontest nanaman kami, pero hindi cake ang lulutuin namin, cupcakes lang today.

" Okay, mga kasambahay naman ngayon ang titikim ng luto natin, Kylo, kaya galingan mo, favorite pa naman ako ng mga kasambahay namin." Kumindat ako sa mga kasambahay namin na nanunuod saamin na magluto, naka apron na ako, kahit si Kylo, since nasa opisina si Daddy, sila naman muna ang titikim ng luto namin, kaya marami ang gagawin namin ngayon.

Distracted By Him Where stories live. Discover now