Chapter 14

49 26 0
                                    

" Pakisimulan ang pagiimbestiga, at saka may nakaiwan ng baril doon sa sementeryo, tignan niyo kung kaninong fingerprint iyon."

Kausap ni Dad sa mga abogado at Pulis namin. Tumatango naman sila sa amin. Kahit na hindi ako ayos, sa mga sumunod na araw, sumama parin ako sa pag iimbestiga, tinakot ko si Dad na kung hindi niya ako isasama, tatakas ako dito sa bahay.

" Dad, iyong lapida ni Mama, dapat ay ipaayos na natin iyon ulit." Pagsingit ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako, at saka siya tumango.

" Sa ngayon, inuumpisahan na po namin. Nasa amin na din po ang mga baril na nakuha doon, kaya naman sa susunod na mga araw malalaman na po namin kung sino ang may ari niyon." Nakatingin ako sa powerpoint na nasa screen, naroon ang crim scene, may dugo pa nga sa ibang lapida, iyon siguro ang pinaghawak ko sa mga lapida doon noong may tama na ako ng baril.

May mga bala din, at saka iyong mga tama sa lapida ni Mama, nandoon din.

" Maigi iyan. Maraming Salamat, balitaan niyo kami sa mga iba pang mangyayari." Tumayo na kami ni Dad. Inalalayan ako ni Kylo, at saka na sila nagpaalam sa mga kausap nila kanina.

" Sure, Mr. Vautier, tatawag kami kaagad kung may nahanap na kaming lead. Maraming Salamat."

Sumakay kami sa sasakyan, papunta sa kung saan mangangampanya ang Papa ni Kylo ngayon. Uupo lang naman daw kami doon, kaya ayos lang saakin, tsaka may aircon daw, hindi katulad noon na wala at mainit.

" Astrana, kung hindi ka kumportable, sabihin mo saakin, iuuwi kita." Lumapit saakin si Kylo, agad naman na nag iba ang tingin ni Dad saaming dalawa, alam ko na kung ano ang nasa isip niya.

Hinawakan ko si Kylo sa kaniyang balikat, pasaway ako na sumama, kaya kargo ko ang sarili ko.

" Ayos lang naman ako, Kylo. Huwag ka lang aalis sa tabi ko." Mahinahong sambit ko kay Kylo. Tumango naman siya.

Naghiyawan ang mga tao nang makita nila si Kylo. Kumaway lang siya at saka na kami umupo sa tabi nina Dad at Tito. May ibang mga performer naman dito na nagsasayaw at kumakanta hangga't hindi pa nagsasalita si Tito.

" That dancer is nice. Mukhang may potential." Pagpupuri nina Dad sa mga sumasayaw. Napapataas naman ako ng kilay sa kanila, bakit sila nagja judge sa mga sumasayaw?

Napapailing naman ako sa naririnig ko sa kanila.

" Kylo, can I have some water?" Utos ko dito, agad naman niyang inabot saakin ang tubig niya, nagulat pa ako sa ginawa niya.

Bukas iyon, at nainuman niya na, bakit pa niya ibinibigay saakin?

" Bakit iyan? Gusto ko iyong bagong bukas." Hinarap niya saakin ang upuan niya at saka niya ako tinignan sa aking mga mata, inilagay niya sa akin ang bote niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

" Sabi mo huwag akong aalis sa tabi mo, tapos wala na ding bagong inumin doon, ito nalang, kaya ito na ang inumin mo. Wala naman akong sakit e." Hindi na ako nakipag away pa. Kinuha ko na ang tubig na ininuman na niya at saka ko ito ininom. Ramdam ko ang titig niya saakin.

Nang magsasalita na si Tito ay saka na ako umayos ng aking upo. Kumakaway siya sa mga tao, naghihiyawan naman ang mga tao sa kaniya at saka may winawagayway silang kung ano.

" Magandang araw saating lahat. Nais kong magpasalamat sa inyong lahat dahil pinaunlakan ninyo ako ay ibinigay ninyo ang oras ninyo para saakin ngayon dito." Pumalakpak ang mga tao sa sinabi niya. Si Dad naman ay nanunuod din at pumapalakpak kay Tito.

Tinignan ko si Kylo, siya ang magsasalita mamaya. Hindi ba siya nakakaramdam ng kaba?

" Kylo, kinakabahan ka ba? Bakit parang ang relax mo?" Tumingin siya saakin, at saka niya hinawakan ang puso niya.

Distracted By Him Where stories live. Discover now