Chapter 4

75 33 0
                                    

" Ah! Damn it!"

Agad kong binato ang aking telepono sa sobrang inis. Bakit ba kasi ako pa ang napili ni Kylo? Sa dinami rami ng babae, bakit ako pa? Paano nalang ang sasabihin ni Clay sa akin? Baka mamaya ay hindi na talaga niya ako pansinin dahil sa pesteng sinabi na yun ni Kylo.

" Anak, ano nanaman ba ang problema mo?" Tanong sa akin ni Dad, naroon na pala siya sa pintuan ng aking kwarto, masyado bang malakas ang pandadabog ko?

Tumabi sa akin si Dad.

" Dad, iyong sinabi ni Kylo, it's not true. Gumawa siya ng eskandalo, this is not right!" Sigaw ko ulit. Pinakalma naman ako ni Daddy, hinagod niya ang aking likuran, naisip ko nanaman si Mom. Bakit ba kasi wala ka dito sa tabi ko, Mom?

Naiiyak ako.

" I know, Iha. Pero wala din akong magagawa. Kumakalat na ito, kaya wala na tayong magagawa. Just ask right, okay? Naghahanap din ng paraan ang Tito mo para dito."

Niyakap ko si Dad. Agad naman akong ngumiti.

" Thank you, Dad."

" I love you, Astrana."

Kinahapunan, dahil nga kailangan naming magpanggap ni Kylo, sinundo niya ako. Nakapag ayos naman ako, kaya naman maganda ang ayos ko, may umaaligid daw kasing mga reporter sa bahay nila, kaya naman kailangan nila akong ipakita.

" Mr. Vautier, I'm sorry for the mess." Paghingi ng paumanhin ni Kylo kay Dad. Agad naman akong kumusilap. Nginitian naman ni Dad si Kylo, how come?

" It's okay. Gumayak na kayo, baka naghihintay na ang Papa mo."

" Aalis na po kami."

Nauna akong umalis sa bahay, sumakay ako agad. Umayos ako ng upo, at saka ako naglagay ng headset sa aking tainga. Wala akong balak makipag usap, kanina pa din ako naghihintay sa reply sa akin ni Clay, bakit wala pa? May ginagawa ba siya? Nakita ko ang pagsara ni Kylo ng pintuan niya, at saka siya tumingin sa akin. Hindi naman ako lumingon pabalik. Nag umpisa siyang magmaneho ng hindi ako nagsasalita.

Nagpapatugtog lang ako buong byahe, naudlot lang ng hinatak ito ni Kylo.

" What's your problem?" Pagalit na sambit ko sa kaniya.

" I said we're here."

Agad kong tinignan ang kabuuan ng bahay nila. Nakarating na ako dito noon, pero isang beses lang. Malaki din ang pinagbago kaya magandang tignan. Nakita ko na din ang mga reporter sa labas kaya naman hinayaan ko si Kylo na magbukas ng pintuan ko.

" Just act normal, Astrana. Dad's not there in the house anyway. Kapag nakaalis na sila diyan sa labas, iuuwi na kita."

Tumango ako.

" Kylo, wait, my phone." Agad akong bumalik sa kotse  at saka ko kinuha ang aking telepono. Aalis na sana ako sa kotse nang nagtama ang katawan namin ni Kylo, agad akong kinabahan.

Hinatak ni Kylo ang aking beywang, at saka kami pumasok sa loob ng bahay nila. Pinagbuksan nila kami, at saka niya ako pinaupo sa sofa nila.

" Is this yours? How many rooms are there?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin.

" 10." Sagot ni Kylo sa akin. Umupo ako sa sofa, at saka ko kinuha ang juice na inihanda nila sa akin. Mainit kasi sa labas, kaya nauhaw ako.

Lumapit sa akin si Kylo, at saka niya tinignan ang suot ko. 

"Ganyan ba ang suot mo araw araw?" Tanong sa akin ni Kylo, umiling ako.

" No, I mean, syempre magpapakita ako sa media as your girlfriend, kaya kailangan maganda ako." I rolled my eyes. Tumawa naman siya. Tumayo ako at saka ako walang hiyang dumiretso sa kusina nila. Umalis ang mga kasambahay nila doon sa kusina nang pumunta ako doon, sumunod naman si Kylo sa akin.

Distracted By Him Where stories live. Discover now