Chapter 26

42 13 0
                                    

" Felicio Anuevo Salazar.."

Basa ni Kylo doon sa papel at litrato na nakuha ko. May mukha ng lalaki, mukha palang mukha na siyang rapist, kailangan namin siyang mahanap.

" Kylo.." Pumunta ako sa drawer at saka ako kumuha ng baril ko. Madami din ang bala dito, kaya hindi ako mauubusan panigurado.

" Hanapin natin siya sa social media, sa mga presinto-" Pinutol niya ako.

" Hindi na natin kailangang magpagod na maghanap, Astrana. Baka may nakasiksik pa sa mga diary na iyon o ibang documento tungkol sa lalaki na iyan." Kalmadong sambit saakin ni Kylo. Agad kong kinuha ang mga diary at inisa isa ko itong inalog alog para makita kung may mga nakasiksik doon, hindi nga ako nagkamali, may mga nakasiksik nga sa journals na nakuha namin.

Binuklat ko ito, at saka ko ito binasa.

" Felicio Anuevo Salazar, 35 years old-" Pinutol ako ni Kylo.

" See? I saw that last night, hindi ko lang sinabi sa iyo, ayan, diyan natin siya hahanapin, kung wala na siya sa lungga niya, saka na tayo magtanong sa mga Pulisya at mga tauhan natin." Paliwanag ni Kylo, tinignan kong maigi ang papel na iyon, kumpleto nga ang nandito, address, kung kailan siya ipinanganak, at kung ano ano pa, sana lang ay nandoon parin siya sa lugar niya.

Mommy, gabayan mo ako, please? Tulungan mo kami.

" All we have to do is get ready, your guns, and everything. And then, we'll go there. We'll leave this house later, nagtawag na ako ng mga tauhan natin, at saka mga Pulis para sundan tayo." Kinuha ko ang mga baril sa ilalim ng kama ni Dad, may mga bala din dito, at saka ko kinuha ang boots ko at iba pang damit na sinusuot ko.

Maging si Kylo ay naging abala din sa pag aayos ng gamit niya. Alam kong may mga gamit ang tauhan namin.

" Diretso muna tayo sa headquarters ng bahay niyo." Tumango ako.

May headquarters dito sa bahay, underground. Alam ko ang password niyon, kaming dalawa lang ni Dad ang nakakaalam, noon, pati si Mom, pero ngayon, kaming dalawa nalang ni Daddy.

" This is his face, and his info's. We have to find him as soon as possible. This man raped my Mom, here, in our house, so I want to get this man and kill him afterwards." Paliwanag ko sa mga tauhan. Nakalagay din sa malaking screen ang mukha at information ng lalaki na ito, Felicio is his name.

Tumango naman ang mga kasamahan namin, at saka ko sila tinignan isa isa.

" May printed copies ng mukha niya at impormasyon niya para sa inyong lahat, if today, we can't find him on his house, pwede tayong magtanong tanong sa mga malalapit na bahay sa kaniya, kung hindi natin mahanap, pwede din magtanong tayo sa Pulisya, kasama natin sila mamaya kaya wala tayong problema." Paliwanag kong muli, tumayo na sila, nilabas ng ibang tauhan ang mga baril, kumuha sila isa isa, may mga hawak na sila pero kailangan lang magdoble ingat ka dala dalawa ang baril na hawak namin.

" Mauuna kami ni Astrana, may mga earpiece naman kayo, kaya maririnig niyo ang signal namin, stand by tayo, tulungan tayo dito." Malamig na sambit ni Kylo.

" Yes, Sir!"

Inayos ko ang earpiece at mic ko, ganoon din sila. Nauna kaming lumabas ni Kylo sa headquarters, at saka kami sumakay sa van, sumakay na din sila sa kanilang mga sasakyan.

" Astrana.." Lumingon ako kay Kylo, hindi pa ako nakakasagot, hinalikan niya na ang aking labi.

" Don't go anywhere, dito ka sa tabi ko mamaya, hindi ko hahayaang makuha ka nila saakin." Aniya. Tumango ako sa sinabi niya saakin, at saka niya ako nginitian, siya ang nagmamaneho ng kotse, nakasunod naman saamin ang mga tauhan at kasama namin.

Distracted By Him Where stories live. Discover now