Chapter 32

44 11 0
                                    

" Oh, damn, this is so freaking hard."

Mura ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga kumukuha ng box sa sahig ko, hindi nila makuha, hirap na hirap sila, ano ba kasi ang laman niyan at bakit diyan nila nilagay?

" Mukhang pinagplanuhan na ilagay dito, Ms. Vautier, mahirap silang tanggalin, ngayon lang kami nahirapan nang ganito sa isang bagay." Naiiling na sambit ni Mr. Mores saamin, kahit ako ay napapailing habang nakikita kong nahihirapan sila sa pag alis ng bagay na iyon sa sahig ko.

Tinignan ko si Kylo, maging siya ay tumutulong na din sa pagtatanggal niyon, tulong tulong na sila. Ilang minuto pa silang nagtatanggal doon ay napabalikwas at napaatras si Kylo nang masaktan ang kamay niya, agad akong lumapit para makita ang kalagayan ng kaniyang kamay.

" It's bleeding, Kylo.." Alalang sabi ko dito, dumudugo ang palad niya, sa puwersa ito siguro.

" No, baby, I'm fine, kaunti nalang matatanggal na namin." Napabusangot ako nang hindi niya ako pansinin, bumalik siya sa tinatanggal nila at saka siya ulit tumulong na itulak iyon palabas sa kinalalagyan niya.

Napabuntong hininga ako at lumapit ako kaagad nang makuha na nila ang box na iyon, nailabas din nila sa wakas.

" Paano iyan bubuksan? Anong klaseng pagbubukas nanaman ba an gagawin natin diyan?" Inusisa ko ang box nang maigi, tinignan ko ang bawat sulok, at saka ko hinanap ang icon kung saan mabubuksan iyan, agad kong nakita ang isang umbok na icon sa pinaka gilid, kaya nilinis ko ito at saka ko tinignan.

Susi?

" Susi? Nanaman?" Tanong ko sa sarili ko.

May humawak sa aking balikat, nilingon ko ito.

" Ms. Vautier, nabuksan niyo na po ba ang box na galing sa Papa mo? Nasubukan niyo na po ba?" Tanong ni Mr. Mores, umiling ako, lumabas si Kylo, pagbalik ay mayroon na siyang dalang box at saka iyong susi.

Agad kong sinubukan na buksan iyon, ngunit hindi siya bumukas. Napailing ako.

" Shit, ibang susi. May ibang susi na nakalaan dito. Pero para saan itong susi na ito?" Tanong ko. Nagkibit balikat sila saakin, sinubukan ko ang susi sa box na nakuha sa sahig ko, pero hindi din siya bumukas.

Napamura na ako sa isipan ko. Tangina! Ang hirap!

" Audios, makinig tayo ng audios, iyon nalang ang hindi pa natin nagagalaw sa ngayon." Nakatulalang sambit ni Kylo, sumang ayon din naman ang iba kaya napagdesisyunan naming bumaba at magpunta sa headquarters namin.

Nang makaupo kaming lahat ay namili ako ng audios. Sinalpak nila iyon sa speaker at saka kami nakinig doon.

' Mahal ko, patawad, isasama ko sa hukay mo ang susi na ito. Alam kong balang araw mahirap, at magulo, pero alam kong maiintindihan ni Astrana ito, Mahal.' Umiiyak si Dad sa audio na ito. Nakatingin saakin si Kylo, tinitignan niya ang reaksiyon ko, naka poker face ako habang nakikinig sa audio.

' Mahal ako ang anak natin, Mahal ko, pero kailangan kong gawin ito, may ibang dahilan kung bakit ko ito isasama sa iyo, patawad.' Pinatay ko ang audio. Hindi ko kayang pakinggan ang audio na iyon, masakit, masakit para saakin.

Umiiling ako habang pinakikinggan ko ang audio na iyon, bakit?

" Maghanap ka ng taong huhukay sa libingan ni Mommy." Utos ko, at saka ako umalis sa lamesa. Umalis ako sa headquarters.

Distracted By Him Where stories live. Discover now