Chapter 12

54 28 0
                                    

" What's this?"

Tanong ko kay Kylo nang makakita ako ng mga bulaklak na nagkalat sa sahig kinagabihan. May mga ilaw pa at kung ano ano na nakalagay sa sahig.

" Let's date." Sambit ni Kylo. Kinuha niya ang kamay ko at saka niya ako hinila at pinalakad sa mga rosas na nasa sahig. Hindi ko naman mapigilang mamangha dahil maganda ang set up niya. Hindi ko man lang napansin dahil nasa itaas ako mula pa kanina.

Tinignan ko si Kylo na nakatingin din pala sa akin. Nang makarating kami sa lamesa ay naroon ang mga pagkain, may wine din, at desserts, may mga scented candles din.

" Bakit hindi mo sinabi saakin na may paganito? Wala akong ayos." Sambit ko sa kaniya. Tumawa naman siya saka siya naglagay ng plato sa harapan ko, at saka ng kaniya.

Tinignan ko ang ginagawa niya.

" I want to surprise you, I want to make you happy, kahit ngayong gabi lang. Kaya naisip ko ito." Mahinahon niyang sambit sa akin, ngumiti naman ako dito, nilibot ko ang paningin ko sa ginawa niya, napakaganda, mamaya ko na kukuhanan ng litrato.

Nagsimula siyang sumandok ng pagkain, kaya ganoon din ang ginawa ko. Nahihiya talaga ako dahil wala akong ayos, ni gulo gulo pa ata ang buhok ko, pero inaya niya ako dito sa ibaba. Nagugutom na din ako kaya kakain na muna ako.

" Kylo, I'm sorry earlier, I was just shock, hindi ko pa kasi naranasan iyong ganoon, like sleeping with a man beside me, kaya nagulat ako, and sorry for slapping you so hard." Mukhang hindi naman malakas, wala naman na ang pamumula ng pisngi niya e, pero kahit ganoon, nasaktan pa rin siya, kaya kailangan paring humingi ng tawad.

Hinawakan ni Kylo ang kamay ko, at saka siya may inilabas.

" Astrana, promise me you won't leave me. Ipangako mo saakin na hindi ka aalis sa tabi ko." Inalayo ko kaagad ang kamay ko nang makita kong singsing ito.

Bakit may singsing agad?

" Why are you giving me that?"

" Astrana, I'm falling. Sa nakalipas na araw unti unti kong nararamdaman na nahuhulog ako, na mahal na kita. Unti unti akong nahuhulog, kaya mangako ka na hindi ka aalis sa tabi ko, kasi natatakot ako." May kinakatakutan pala ito? Tinignan ko ang singsing, hindi naman ganoon kabongga, what I mean is, promise ring lang naman siya, akala ko magpo propose na siya sa akin.

" Kylo, hindi naman ako habang buhay na nandito lang sa bahay niyo, hindi ako habang buhay na nakakabit sayo. Paano ako? Paano si Dad? Kapag nasa iyo ako palagi?" Humarap sa akin si Kylo, at saka niya ako tinignan sa mga mata ko.

" Alam ko, alam kong hindi ka permanente dito, pero habang nandito ka, hayaan mong mahalin kita, hayaan mong pasayahin kita, hayaan mong pagsilbihan kita, Astrana." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Kylo, bakit nagiging romantic siya bigla?

Tumayo ako, at saka ako tumingin kay Kylo.

" What should I do then? Accept that ring? What if I badly need to go to my house and never come back? How about you?" Hinawakan niya ang kamay ko. Umiwas ako ng tingin dito.

" You're not going back, you're not leaving. You'll stay here with me, baby." Tumango ako. Let's give him a chance? I mean, everyone deserves so many chances, basta iyong tama ang ginagawa nila.

" Okay, Mr. Luciano. Let's try. I'll stay with you." Tinignan niya ako at saka niya sinuot ang promise ring na iyon, may ganoon din siya kaya pareho kaming may singsing sa mga kamay namin.

Nang matapos kaming kumain, dumiretso kami sa theatre room, nagpaluto kami ng pagkain at saka kami doon nagstay, naghanap kami ng mapapanood, gusto ko sana ay horror. Ginawa naming higaan iyong mga upuan, tapos magkatabi kami. Kumuha din ako ng unan at kumot syempre. Nang magsimula ang movie, nanahimik kaming dalawa.

Distracted By Him Where stories live. Discover now