Chapter 39

41 11 0
                                    

" Maayos naman po ang lahat, Ma'am. Pina cancel ko po muna ang mga meeting ni Sir."

Paliwanag ni Ms. Barbara. Matagal na siya kay Daddy, at alam niya ang mga nangyayari sa amin ngayon, kaya alam na alam niya na ang gagawin niya sa mga ganitong pangyayari.

" Thank you, Ms. Barbara, ako na ang bahala sa salary mo habang wala si Dad, ilang araw lang naman siyang mawawala, ipapabalik ko siya diyan." Ngumiti saakin si Barbara. Lumibot pa ako sa kabuuan ng building, wala namang nakakapagtaka sa kaniyang kompanya.

Naglalakad lakad ako habang binabati naman ako ng mga tauhan ni Dad, magalang naman akong bumabati sa kanila pabalik, marunong naman akong rumespeto. Nang maicheck ko lahat ng mga tauhan ni Dad ay pumasok ako sa opisina niya.

" Ms. Vautier, we're waiting for you." May lalaki akong nakita na nakaupo sa upuan ni Dad. Agad akong naglabas ng baril at ganoon din si Kylo na nasa likuran ko.

Umatras ako nang bahagya, masyado silang marami, baka mapahamak ako. Nakangisi sila habang papalapit saakin, tinaasan ko naman sila ng kilay.

" Hindi niyo sinabi na nandito pala kayo? Pinakain ko pa sana kayo, nasaan si Buentiempo?" Ibinaba ko ang baril ko nang nagbaba din sila ng kanila.

Nakikipagtitigan pa sila saakin.

" Bakit mo siya hinahanap? Gusto mo bang siya pa ang sumundo sayo papuntang kamatayan?" Ngumisi ako sa sinabi nila.

" Balak ko na kasing ibigay ang mga namana ko sa kaniya, baka kasi pumutok ang ugat niya sa ulo kakaisip kung nasaan ako nagtatago kasama ng mga namana ko." Mayabang na sambit ko. Natigilan sila sa sinabi ko. Alam kong iyon naman ang balak nila, bakit hindi natin palabasin ang nakakapag patrigger sa kanila?

Nagkatinginan silang lahat sa sinabi ko, ang lalaking nakaupo naman kanina sa upuan ni Dad ay tumayo at saka siya naglakad palapit saakin.

" You're so prepared, Ms. Vautier. Akala namin ay nandito ang Papa mo, kukunin na din sana namin, hindi na pala tayo magkakaroon ng problema, ibibigay niya naman na pala ang mana niya." Itinutok ko ang baril sa uluhan ng lalaking nasa harapan ko ngayon, at saka ko siya tinitigan nang masama.

" I am, bastard. Pinaghandaan ko ang lahat, pati ang hukay at libingan ni Alecio ay naihanda ko na din." Nagtiim bagang ako sa sinabi ko sa kanila.

Naglabas ng baril ang mga kasama niya, umatras ako ng kaunti para maputukan ang lahat sa gagawin ko.

" Tandaan ninyo ang mukha ng babae na ito, siya ang kailangan nating kunin ngayon, hawakan siya." Nagpaputok si Kylo, agad na naalarma ang lahat sa narinig. Kumalas ako sa mga lalaking palapit saakin at saka ko sila pinaputukan isa isa. Tumakbo ako palabas ng opisina ni Daddy para magtago.

" Hide! Everyone!" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa isang poste para magtago, sumunod naman sila kaagad saakin, at saka sila nagtago.

" Hide! Ms. Vautier! You'll see Alecio tonight!" Nagpaputok sila ng baril, pinaputukan ko ang mga kasamahan niya, tumumba naman sila isa isa. Siya nalang na malaki ang katawan ang natitira, nakatago parin ako, hindi ko alam kung nasaan si Kylo.

Agad na tumunog ang aking earpiece, kung nasaan may koneksiyon kaming dalawa ni Kylo doon.

" Baby, just hide, I'll shoot him, when I caught his attention, shoot him on the head, okay?" Huminga ako ng malalim, naglagay ako ng panibagong bala saaking baril, at saka ako tumingin sa paligid ko.

Naglalakad ang lalaki na iyon palapit na saakin, hindi ko alam kung nasaan si Kylo, bahala na.

" Okay.." Sagot ko.

Distracted By Him Onde as histórias ganham vida. Descobre agora