Chapter 11

55 29 0
                                    

" Flowers?"

Tanong ko kay Kylo nang makakita ako ng bulaklak, hawak hawak niya ito at saka siya nakatingin sa aking mga mata, para bang may kamalian siyang nagawa na sobrang sama, iyong hindi mo kayang patawarin.

" I just want to say sorry, Astrana, for what happen last night." Kinuha ko ang bulaklak na iniabot niya saakin. Hinawakan ko ito ng maayos at saka ako tumingin kay Kylo.

" No, I'm really sorry as well, for slapping you last night. Masyado akong nagulat sa nangyari, you know, hindi ako sanay na may lalaking naka aligid saakin and that close." Tumango siya saakin, at saka siya ngumiti.

Tinignan ko naman ang bulaklak na dala niya, may kalakihan siya pero sakto lang naman at nabubuhat ko ng isang kamay ko.

" I was really shock also, I never thought you'll slap me, that hurts." Tumawa ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya at saka ko tinignan ang pisngi niya, hinawakan ko ito, at saka ko siya tinignan sa kaniyang mga mata.

Ngumiti ako.

" I'm sorry, Kylo. Hindi ko na uulitin, I promise. And kapag galit ako, huwag kang lalapit saakin, kasi wala akong kontrol sa sarili ko kapag galit ako-" Pinutol niya ako, hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang pisngi.

" Then let me calm you down, ako ang magpapakalma sa iyo tuwing nagiinit ang ulo mo, huwag kang magpapakain sa galit, Astrana." Nagkibit balikat ako, inalis ko ang kamay niya saakin at saka ko inayos ang bulaklak na bigay niya, inilagay ko ito sa sofa, mamaya ko na siya aayusin sa vase, may gagawin pa kasi ako.

Ramdam ko ang titig saakin ni Kylo habang naglalakad ako sa kusina nila.

" What about your Dad, Astrana? Baka nagkasagutan kayo?" Nag aalala niyang tanong saakin, tumingin ako sa kaniya at saka ako tumango.

" Oo, kaunti lang. Magsosorry din ako kay Dad, inuna lang kita." Ngumisi siya sa sinabi ko, napahawak naman siya sa kaniyang sentido, tinaasan ko siya ng kilay.

Bakit siya namumula?

" Inuna mo ako? Kaysa sa Dad mo? I feel so special." Umiling ako sa sinabi niya bago kami sabay na tumawa.  Nang nagawa ko na ang gawain ko sa ibaba ay umakyat na ako, hindi ko na muna inabala si Kylo, hindi ko din naman alam kung nasaan siya, kaya kaniya kaniya muna kaming dalawa.

Tinawagan ko si Dad nang makaakyat ako sa itaas, I know he's busy, pero kapag tumawag ako ay sasagutin niya naman iyan kaagad.

" Yes? Iha?" Seryosong tanong saakin ni Dad. Napangiti naman ako, akala ko ay bubulyawan niya ako.

Umubo ako ng bahagya, para makuha ko ang atensiyon niya.

" Dad, I'm sorry for last night. I was too mad that I can't control myself anymore. I hurted you and Kylo as well.." Paghingi ko ng tawad sa kaniya, tahimik naman ang kaniyang background, katahimikan ang namutawi sa usapan namin ni Dad.

Bumuntong hininga si Dad.

" Really? You're sorry? Totoo na ba iyan? What about Kylo? What did he say?" Lumunok ako.

" We talked, Dad. And we're now okay. I just want to talk to you and say sorry, I know you' re busy in there." Tumawa si Dad, napangiti ako sa ginawa niya, I know it, hindi niya ako matitiis.

" You know what, Astrana? Kahit na gaano ka kabrat at kamaldita, hindi kita kayang hindi kausapin sa loob ng ilang oras o araw, Anak. You're too cute when apologizing, I'm sorry I can't help it." Tumawa si Dad nang malakas, maging ako ay napatawa din. Sabay kaming tumawa ni Daddy, ang saya ng puso ko, kasi may Daddy akong maintindihin.

Distracted By Him Where stories live. Discover now