Chapter 42

39 7 0
                                    

" Baby, wake up.."

Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Kylo sa aking gilid. Gising na din pala siya, hindi ko pa siya nahahandaan ng pagkain niya. Nag ayos ako ng aking buhok at saka ako tumingin sa kaniya.

" Maayos ka na ba? Ano pang masakit sa iyo?" Tanong ko sa kaniya, nakangiti siya saakin habang nakatingin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at saka ako lumapit sa kaniya, inayos ko ang kaniyang kumot at saka ako naupo sa gilid ng kama niya.

" I'm fine. Ikaw, tignan mo, may benda ka sa noo at sa likod  ng ulo mo, hindi ka ba napilayan kanina?" Tinignan ko din ang kalagayan ko, maayos naman ako, masakit ang mga binti ko pero nakakalakad na ako, hindi kagaya kanina na hindi ko maigalaw, masyado kasing napwersa kanina kaya masakit pa.

Hinawakan ko ang kamay ni Kylo, naka hospital dress siya, at saka may dextrose sa kamay niya.

" I'm fine. Ikaw ang inaalala ko, akala ko ay naging totoo iyong panaginip ko noong isang araw." Hinalikan niya ang noo ko, at saka niya ako nginitian.

" Nangako ako na hindi kita iiwan, hindi ba? Kaya nandito ako." Tumango ako sa sinabi niya.

May kumatok sa pintuan, nakita ko ang tauhan namin na may dalang mga pagkain, ililipat na si Kylo sa bahay, hindi kami pwedeng magtagal dito. Hindi namin pwedeng iwan sina Ryuu doon lalo na si Dad.

" Ma'am, nakahanda na po ang sasakyan, ilalabas na po si Sir." Tumango ako. Tumayo ako at saka ko kinuha ang aking bag, magbabayad muna ako ng bill.

Tumingin ako kay Kylo.

" Kylo, aalis muna ako, magbabayad ako ng bill, kukunin ko na din ang numero ng Doktor na iyon dahil siya na ang magiging Doktor mo doon sa bahay, okay?" Ngumiti ako sa kaniya, tumango siya saakin, sa pagkakataong iyon ay lumapit ako sa kaniya at saka ko siya hinalikan sa kaniyang labi.

" Uh, I'm going.." Ngumisi si Kylo sa ginawa ko, nahihiya naman akong umalis sa harapan niya, naiwan doon ang tauhan namin.

Pumunta ako sa cashier at saka ako nagbayad ng bill. Mabuti nalang iyong Doktor na iyon ang naabutan ko doon. May ginagawa siya doon.

" Hello, where's our bill? And may I talk to you, Doktora?" Tanong ko sa Cashier at sa Doktor kanina na nag opera at nag ayos sa sugat ko kanina.

" This is your bill, Ms. Vautier, okay lang naman kung cash or card ang gagamitin natin sa payment process mo." Inabot ko ang black card ko, at saka niya ito iniabot nang matapos na akong makabayad, kinuha ko ang mga resibo at saka ko inilagay sa loob ng bag ko.

" Thank you." Ani ko.

Bumaling ako sa Doktor na kasama ko dito, ngumiti siya saakin.

" Hello, Doktora. Balak sana kitang kunin na Doktor sa bahay para kay Kylo, hindi kasi kami pwedeng magtagal dito, kaya maghahanap nalang ako ng Doktor, kung may Nurse kang gustong isama para maglinis ng sugat niya ay pwede din naman, name your worth." Sambit ko. Ngumiti siya saakin, at saka siya sumagot.

" Sure. Pwede akong mag Doktor sa inyo, here's my calling card, and then kukunin ko din ang calling card mo, if you need anything, pupunta ako doon kaagad, just send me your address." Inabot ko ang calling card ko, nakipag kamay ako sa Doktora na kausap ko.

" Thank you, we're going. Thank you so much. I'll call you tomorrow or later." Paalam ko.

" Sure, no problem. Be safe." Kaway niya saakin.

Diretso na akong naglakad sa labas ng Ospital, nandoon na kasi naghihintay ang mga tauhan ko at naisakay na din doon si Kylo, kaya uuwi na kami, naayos na din naman daw ang kwarto niya at saka may pagkain na doon.

Distracted By Him Where stories live. Discover now