Chapter 35

44 13 0
                                    

" Ginalaw ka ba nila? Hinawakan ka ba nila?"

Tanong ni Kylo kay Ryuu, nakaupo si Ryuu sa sofa at saka nakaluhod si Kylo sa harapan niya. Umiiyak naman si Ryuu habang umiiling.

" Muntik, kung hindi kayo dumating, baka nagalaw at nahawakan nga ako kanina ng mga iyon." Takot na sambit ni Ryuu kay Kylo. Tumango naman si Kylo, inabutan ni Elletra si Kylo ng ponytail, inayos ni Kylo ang buhok ni Ryuu, napangiti ako sa ginawa niya.

Binigyan niya din ng tubig si Ryuu at saka niya ito pinakalma.

" Ligtas ka na. Nandito kami, nandito ako, wala ng gagalaw sa inyo." Ngumiti si Ryuu kay Kylo, inabutan ni Kylo si Ryuu ng towel, at saka siya umalis sa harapan niya. Binaling ko naman ang atensiyon ko sa kasambahay na nag abot sakin ng damit at towel na gagamitin ng mga kaibigan ko. Dito na sila matutulog.

" Elletra, Ryuu, Atlas, ito ang mga damit ninyo, ipapahanda ko ang kwarto para makapag pahinga kayo doon, magpapaluto na din ako para makakain na kayo." Ngitian ko sila at saka ko inilagay sa sofa ang mga gagamitin nila.

Lumapit ako kay Ryuu, dahil sinesenyasan ako ni Elletra.

" Ayos ka na ba? Nag alala ako sayo, mabuti at hindi ka hinawakan, baka pinatay ko sila kanina." Niyakap ko siya, natigil na din siya sa pagiyak, at saka niya ako niyakap pabalik.

" Thank you for saving me. I missed you, I love you, Astrana." Malambing na sabi niya saakin, kumalas ako sa yakap at saka ko siya nginitian.

" Dito muna kayo saakin, delikado na din kayo, kaya dito muna kayo titira." Tumango sila.

" Ayos lang, Astrana." Ani Elletra.

" Aakyat muna ako sa kwarto niyo at aayusin ko." Paalam ko sa kanila. Umakyat ako sa itaas, tutulong na muna ako sa pagaayos ng mga gamit. Dalawang kama naman ang sa guests room namin, kaya sa isang kama si Elletra at Atlas, at sa isa naman si Ryuu.

Inayos ko ang isang bed dahil inaayos na ang isa ng kasambahay namin. Naiwan akong magisa sa kwarto nang matapos na niyang maayos ang kama. Binuksan ko na din ang aircon, para malamig na dito, at saka nagbukas na din ako ng humidifier para mas relax sila mamaya. May mga gamit naman sa banyo kaya ayos na. May TV din dito.

" Oh god!" Napahawak ako sa dibdib ko nang makita kong nakatayo si Kylo sa pintuan. Tumawa siya nang makita ang reaksiyon ko.

" Sabay sabay na tayong kumain, hinihintay ka na nila sa ibaba." Tumango ako. Aalis na sana ako nang hatakin niya ang aking beywang pabalik.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka ko hinawakan ang balikat niya.

" Kiss me.." Utos niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

" No.." Pang aasar ko dito. Kinagat niya naman ang labi niya.

" Just once.." Agad kong hinalikan ang labi niya at saka ako tumakbo palabas.

Nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nasa lamesa na at kumakain kasama ang mga tauhan ko, napangiti ako, ang saya nilang tignan, magkakasama sila sa lamesa at saka nagkukwentuhan na din sila doon. Nakisama na kami ni Kylo sa kanila, nakatingin pa nga ng masama saakin sina Elletra at Ryuu dahil nakahawak ang kamay ni Kylo sa beywang  ko habang naglalakad kami palapit sa kanila.

" Kapag natapos na kayong kumain, magpahinga na kayo, may mga gamit doon sa banyo, at saka pwede na kayong magpahinga." Sabi ko kina Elletra at Ryuu, umiling sila, sabay na sabay.

" May kailangan kang ikwento saamin." Sabi nila at saka na sila kumaing muli, napalunok naman ako sa sinabi nila.

" Ms. Vautier, ano po palang ipapakain natin doon sa mga lalaki?" Tanong ng kasambahay ko, tinignan ko siya.

Distracted By Him Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum