Chapter 30

39 14 0
                                    

" I badly want to help, Anak. Pero ikaw lang ang makakaresolba niyan."

Malungkot na paliwanag saakin ni Daddy, bakit ako lang? Bakit hindi siya pwedeng sumama?

" Pero, Dad. Just tell me, anong mga nasa sahig at pader na iyon? Bakit hindi mo sabihin saakin? Nahihirapan ako, Dad, naguguluhan po ako." Pagmamakaawa ko dito, umiling parin siya sa sinabi kong iyon. Kita ko sa mata ni Daddy na nahihirapan din siya, malungkot siya.

" Anak, no, hindi pwede. Ikaw, ikaw ang kailangang tumapos, hindi ako pwedeng makialam, mapanganib, Anak, bawal.." Nagtaas ako ng kilay sa sinabi ni Daddy saakin, mas lalong sumakit ang ulo ko, mapanganib? Delikado?

Ha?

" Paanong mapanganib, Daddy? Hindi pa family tayo, kaya you need to help me, may tao bang nanakot sa iyo? Dad? Tell me, I will kill them." Banta ko. Tinignan ako ni Daddy sa mga mata ko, hinawakan niya ang aking kamay, at saka niya ito hinalikan.

" Yes, Anak. Mapanganib, at may banta saakin, hangga't hindi mo nahahanap at natatapos ang puzzle na ito, hindi din ligtas ang buhay ko, Anak. Ayaw kong sabihin sa iyo, ayaw kitang pagmadaliin kasi ayaw kong pagurin at pabayaan mo ang sarili mo, alam kong kaya mo, Anak ko, kaya mo, may tiwala ako sa iyo.." Tumulo ang luha ko. Paano? Bakit? Sino?

Paanong damay si Dad dito sa gulong ito? Bakit may banta sa kaniya? Anong puzzle?

" Dad, kaya ba hindi ka tumutulong sa paghahanap kasi alam mong delikado ka? Dad! Bakit hindi mo sinabi saakin? Bakit hindi mo ipinaliwanag kaagad? Delikado ka! Ayaw kitang mawala saakin! Kaya kahit mapagod ako, ayos lang,Dad, matapos ko lang ito, please.." Niyakap ako ni Daddy, at saka niya hinagod ang aking likuran.

" Yes, Anak. Hindi ko hawak ang buhay ko hangga't hindi mo natatapos ang puzzle. Kaya kita hinayaan na magsaya noong bata ka pa ay dahil alam kong magiging mahirap ang kapalaran mo pagtungtong mo sa ganiyang edad, sorry, Anak, hindi kita kaagad nasabihan para sana mapaghandaan mo ito, pero hindi ko nagawa, anak. Patawad.." Umiling iling ako sa sinabi ni Daddy saakin. At saka niya ako hinalikan sa aking noo.

" May clues, Anak. I know you can do it, you will finish this puzzle with Kylo, anak, may tiwala ako sa inyong dalawa, walang limitasyon, Astrana, kahit kailan mo gustong tapusin pwede, nasa panganib ang buhay ng Daddy kaya hindi ako pwedeng tumulong, anak, mahal na mahal kita, kampante ako at alam kong matatapos mo iyan, kaya mo iyan, okay? Nandito lang ako, hindi kita iiwan." Hinalikan ako ni Daddy sa aking noo, paulit ulit, nasasaktan ako, nakikita ko si Daddy na malungkot, umiiyak, kabado, stress, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tinignan ko si Daddy sa mga mata niya, at saka ko siya tinitigan.

" Dad, I will end this. I will, Dad. Ililigtas kita, dito ka saakin, hindi ka pwedeng mawala, hindi mo ako iiwan, dito ka, Daddy. Sasamahan mo akong tumanda, magkasama tayong tatanda, okay? Tatapusin ko ito, Daddy." Pagpapagaan ko sa loob ni Daddy, ngumiti siya saakin.

" I know you can, Astrana. I believe in you. And also Kylo. Maghihintay ako, kung kailan mo matatapos, hindi kita iiwan, Anak." Gumaan ang loob ko sa sinabi niya.

All this time, kaya pala pakiramdam ko walang pakialam si Dad sa ginagawa namin ay dahil sa oras na galawin niya at  makialam siya saamin ay mamamatay siya, papatayin siya, kasi may mga nakabantay at nagbanta kay Daddy, sa buhay niya.

" I love you, Dad. Hindi ko hahayaan na makuha ka nila saakin, gagawin ko ang makakaya ko, kasama si Kylo, Daddy. Tatapusin ko ito, para sa iyo." Hinalikan ni Daddy sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ang noo ko. Napangiti ako doon.

" Astrana, I saw you with Kylo, kissing. Can you explain that to me?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Dad. Agad akong napalunok sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin at saka ako umupo katabi si Daddy.

Distracted By Him Where stories live. Discover now