Chapter 28

42 14 1
                                    

" Mom, I killed him, I killed Salazar. I know you're happy with that."

Pakikipag usap ko sa larawan ni Mommy sa kwartong ito, simula ngayon, kwarto na ito ni Mommy. Nakatitig ako sa larawan niya, habang nakangiti.

" Ano nanaman po iyong importanteng bagay na sinasabi mo, Mommy? Bakit ang daming clues? Bakit ang daming pasikot sikot? Ano po ba talaga ang gusto nilang kunin saakin?" Sunod sunod na tanong ko sa larawan niya, napapabuntong hininga nalang ako kapag pumapasok sa isip ko na hindi nga pala sasagot si Mommy, kahit na anong salita ko dito, hindi niya ako sasagutin, kaya anong silbi nitong pakikipag usap ko?

Kailangan na naming magmeeting ulit kaya naman bumaba na ako para makipag kita sa kanila, sana ngayon, may mahanap nanaman kaming lead, para may magawa kami ngayong araw.

" Ms. Vautier, nandito na po ang mga-" Pinutol ko sila.

" Nakinig ako ng audios kahapon, narinig ko doon na may nakatagong importanteng bagay dito sa bahay na balang araw ay ako lang daw ang makakabukas niyon, iyon ang gusto kong mahanap sa ngayon." Natigilan sila sa sinabi ko, maging si Kylo ay napatingin saakin, may kausap si Kylo sa telepono niya, at saka siya napalingon saakin.

Sino naman kaya ang katawagan niya?

" Susi? Baka may susi iyon." Sambit ni Mr. Mores.

Tumango ako.

" Exactly, mayroon. Na kay Daddy iyon, at isa kay Mommy, hindi ko alam kung saan ko unang hahanapin, kaya habang wala si Daddy sa kwarto niya, maghahanap ako doon ngayon, si Kylo na muna ang bahala dito." Bilin ko sa kanila. Tumingin sila kay Kylo.

" Sure, Samantha, we'll meet soon, bye." Paalam nito sa kausap, napakusilap ako sa hangin, importante ba ang Doktor na iyan kaysa sa ginagawa namin?

Lalapit sana si Kylo saakin pero lumayo ako.

" Ano iyon?" Kumusilap nanaman ako.

" Hindi mo narinig kasi may kausap ka. Mauuna na ako." Tumango sila saakin at saka ako umalis doon.

Umakyat ako sa kwarto ni Dad, may susi naman ako ng kwarto niya kaya ayos lang at pwede akong makapasok dito. Ramdam ko ang presensiya ni Kylo sa likuran ko, kunwari ay hindi ko alam na nasa likod ko siya.

" Astrana.." Malumanay na sambit ni Kylo sa likuran ko.

Sumunod siya hanggang sa kwarto ni Dad. Humarap ako sa kaniya nang makapasok kami doon.

" Kylo, hindi ba sinabi ko na doon ka makipag meeting? May gagawin ako." Galit na sambit ko dito.  Hinigit niya ang beywang ko, at saka niya ako ikinulong sa pader.

" Bakit? Iniiwasan mo ako?" Malambing na tanong niya saakin. Umiling ako. At saka ako yumuko, umiwas ako ng tingin.

He chuckled. Bakit tumatawa siya kapag mahinhin ako?

" Hindi, hindi kita iniiwasan, may gagawin ako, Kylo, doon ka na." Pagtataboy ko sa kaniya, mas lalo niya akong ikinulong sa pader, at saka niya ako tinitigan.

Yumuko ako, pero agad niyang hinawakan ang baba ko para magtama ang aming mga paningin.

" You're jealous?" Napakurap kurap ako sa sinabi niya.

" No-"

" You are, Astrana, aminin mo. Hahalikan kita." Umiling nanaman ako sa hindi ko mabilang na pagkakataon.

" I am, I don't know. Bigla ko lang naramdaman kanina noong-" Hinalikan niya ang labi ko. Hinigit niya ang aking beywang, sumagot naman ako sa mga halik niya, at saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Distracted By Him Where stories live. Discover now