Chapter 34

38 13 0
                                    

" Kung alam na natin kung sino ang mastermind, ang dapat nating alamin iyong laman ng mga box na iyan at kung bakit ako hinahabol."

Paliwanag ko sa kanila, hindi ako pwedeng magkasakit, kaya pinipilit ko ang sarili ko na maging malakas at maayos sa harapan ni Kylo. Medyo masakit pa ang ulo ko, pero sa ganitong mga pagkakataon, iisipin ko pa ba ito?

" Naghanap na din ako ng mga tauhan, at anong oras ay nandito na sila para kunin ang impormasyon, sila muna ang hahanap, aasikasuhin muna natin ang nandito sa bahay mo, Ms. Vautier." Tumango ako sa sinabi nila saakin. Nakainom na ako ng gamot kanina bakit masakit parin ang ulo ko? Nakakainis naman.

" Gusto kong tignan ang pader sa itaas, pwede na ba tayong umakyat doon?" Tumayo silang lahat, pinauna ko silang umalis, hindi naman kaagad umalis si Kylo, kaya nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

Nakasalikop ang kaniyang braso at saka siya nakatingin saakin.

" Hindi ka parin ba maayos?" Ma awtoridad niyang tanong saakin, agad akong nagtaas ng kilay at saka ko siya tinignan.

" Ayos na ako-"

" Namumula ang pisngi mo, malamlam ang mga mata mo, hindi ka maayos." Bakit pati iyon ay alam niya? Kanina niya pa ba ako tinitignan? Bakit pati ang itsura ko kanina habang nakikipag usap sa kanila ay kabisado niya?

Hinawakan ko ang aking pisngi, at saka ko nilakihan ang mata ko.

" Nag blush on ako, kanina, at saka ganiyan talaga ang mata ko, nangungusap." Ngumiti ako sa kaniya, kung akala mo naman ay maniniwala siya sa sarili mong palusot, Astrana, hindi ata siya maniniwala sa pinagsasasabi mo sa harapan niya.

Lumapit siya saakin, at saka niya kinuha ang aking kamay, sabay kaming umakyat sa itaas.

" Sa likod mo lang ako, hindi ka maayos, hindi tatalab saakin ang palusot mo." Sabi na e. Sumunod nalang ako sa kaniya, inabot nila saakin ang box na nabuksan ko kahapon, naroon parin ang button, lumapit ako sa pader, at saka ko ito pinakiramdaman, may ground parin.

" Susubukan kong pindutin ito, tapos pakikiramdaman ko ulit itong pader." Bilin ko.

" Be careful, Astrana."

Pinindot ko ang button, at saka ako naghintay nang ilang minuto bago ako lumapit sa pader, pinakiramdaman ko ang pader kung may kuryente pa ba, ipinasok ko ang kamay ko, wala akong maramdamang kuryente, kaya naman agad kong kinuha ang box na nasa loob.

" See? Iyan nga ang control sa ground na iyan, mabuti at nahanap mo, Ms. Vautier, alamin na natin-" Hindi naituloy ni Mr. Mores ang sasabihin niya nang may lumabas na mga pulang linya sa harapan namin hanggang sa paglabas sa pintuan.

Napahawak ako sa aking beywang, ano nanaman ito?

' You have to pass the line before leaving the room.' May narinig kaming ganoon. Tinignan ko ang mga kasama ko.

" Lasers." Ani Kylo.

" Mauna kayo, kapag nakalabas na kayo, ibabato ko ang box, idadaan ko sa sahig." Utos ko. Tumango sila. Agad silang naghanap ng madadaanan, maingat at dahan dahan silang naglalakad at nagdedesisyon kung saan sila lalabas at dadaan, isang maling galaw mo lang ay maari kang masugatan at masunog ang balat mo dahil sa laser na iyan.

Naunang makalabas si Mr. Mores, kaya naman idinaan ko ang box sa sahig, agad niya itong nakuha. Sumunod si Kylo na nakalabas, at ang ibang mga tauhan, susunod na ako. Doon ako dumaan sa dinaanan ni Kylo, maingat, hindi ako gumagawa ng maling galaw, dahil alam kong masasaktan ako anumang oras. Kinuha ni Kylo ang kamay ko nang makalabas ako. Kinuha ko ang box kay Mr. Mores, at saka kami bumalik sa headquarters.

Distracted By Him Where stories live. Discover now