Chapter 47

38 9 0
                                    

" What's your name again?"

Tanong ko sa mga anak ni Jerick. Isang babae at isang lalaki kasi sila.

" Ako po si Haru, tapos siya po si Agatha." Pagpapakilala nila saakin, napangiti naman ako sa sinabi niya. Kasama ko nga pala si Kylo, nandito kami sa isang restaurant, hindi ko alam kung nasaan si Kylo, kumuha ata ng order namin.

Nakatingin lang silang dalawa saakin, mukhang nahihiya sila kaya hinawakan ko ang kamay nila at saka ko sila nginitian.

" Anong kurso ba ang kukunin mo sa college, Haru?, hindi ba ikaw ang magka college palang?" Tumango siya sa tanong ko. Nagkamot pa siya ng ulo niya, nahihiya atang magsabi saakin.

Habang naghihintay ng isasagot niya ay bumaling ako kay Kylo na may dalang tray, may isang staff din siyang kasama na nagbubuhat ng mga pagkain namin.

" Balak ko pong maging Lawyer, Ms. Vautier." Nakangiti niyang saad saakin, kinuha ko ang smoothie ko at saka ko uminom niyon.

" Sure. Pwede kang maging abogado. Bukas magpapadala ako sa bahay ninyo ng pangalan at pictures ng iba't ibang university, bahala ka na mamili, tapos kapag nakapili ka na, saka mo ako tawagan at pupuntahan natin ang university na iyon, okay?" Paliwanag ko sa kaniya. Inilagay ng staff ang pagkain ng mga bata sa harapan nila, ngumiti at nagpasalamat naman sila dito.

" Maraming salamat po talaga, Ms. Vautier. Hindi ko po akalain na kayo po ang tutulong saamin, napakabuti po ng puso ninyo, hindi po namin makakalimutan ang gagawin niyo pong ito saaming magkapatid." Natutuwa naman ako sa batang ito, ang galing niyang magsalita ng tagalog, at ramdam ko ang sincerity sa kaniyang boses, magaling magpalaki ng bata si Jerick.

Kumain kaming apat, cake lang naman ang order ko dahil busog pa ako, hindi naman pwedeng kumakain sila tapos ako hindi. Nakatingin ako sa labas habang kumakain ako, maya maya ay ramdam ko ang kamay ni Kylo sa aking hita.

" Nga pala, kamusta ang Mama niyo? Bakit hindi ko siya nakikita?" Takang tanong ko sa kanila.

" Nasa ibang bansa po si Nanay para magtrabaho, pero nangako po siya na uuwi po siya sa susunod na linggo." Tumingin ako kay Kylo na nakatingin sa mga bata.

Kawawa naman sila kung ganoon, hindi man lang nakauwi ang asawa ni Jerick para masilayan siya. Nanay niya lang kasi ang nakita ko noong lamay at libing niya, kaya naitanong ko kung bakit wala ang magulang nila.

" Ikaw? Agatha? Gusto mo bang lumipat ng school or doon ka muna sa school mo ngayon then after Junior High School, lilipat ka?" Nakangiti ako habang kausap si Agatha, maganda ang pilik mata niya, nangungusap din ang mga mata niya, ang gandang bata.

Uminom siya ng juice bago siya tumingin saakin.

" Gusto ko po na lilipat na kaagad. Wala pa naman po akong kaibigan doon. Mahirap po kasi na may mga kaibigan na ako doon tapos iiwan ko din lang sa Senior High." Malungkot na sambit niya saakin, napalunok naman ako sa sinabi niya. Well, I think it's hard talaga, mabuti nalang at hindi kami nagkahiwalay noon nina Ryuu at Elletra.

" Kung nahihirapan kayo sa bahay niyo, you can stay at my house while studying, okay? Kumpleto doon, kaya mas makakapag aral kayo ng maayos, basta magsabi kayo saakin, huwag kayong mahihiya, I'm your Mommy from now on, kidding." Tumawa silang dalawa sa sinabi ko, nakita ko naman ang ngisi ni Kylo sa gilid, iba nanaman ang iniisip niya.

Namataan ng mata ko na nakatingin din ang mga bata kay Kylo, nagtaas ako ng kilay.

" Ma'am Vautier, sinabi niyo po na nobyo niyo siya, hindi ba?" Turo ni Agatha kay Kylo, agad akong tumango at saka ngumiti dito.

" Yes, why?" Ani ko.

" You two look good together. Bagay na bagay, bakit mo hindi niyo siya pakasalan, Sir?" Saad ni Haru kay Kylo, agad akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niyang iyon, bakit sa harapan ko pa? Bakit kailangan ko pang marinig?

Distracted By Him Where stories live. Discover now