Chapter 48

40 10 0
                                    

" Mukhang hindi naman po katanggap tanggap ang ganito kalaking halata, Ms. Vautier. Sobra sobra po ito."

Ani Mr. Mores habang nakatingin sa sobre na ibinigay ko sa kanila. Nakangiti sila saakin habang nahihiya, malaki ang pera na nakuha ko mula sa mga ninuno ko, kaya naman gusto kong ibalik sa kanila ang kabutihan nila sa pamilya ko at saakin na din.

" Para sa inyo iyan. Nakalaan iyan para sa inyo, kaya sana tanggapin niyo, kailangan niyong tanggapin." Tumawa kaming lahat sa sinabi ko. Dala dala na nila ang mga gamit nila, aalis na kasi sila, at saka tapos na ang laban namin, kaya aalis na sila dito sa bahay. Masaya ako na makakauwi na sila sa pamilya nila at masaya ako na uuwi silang ligtas.

" Maraming salamat po, Ms. Vautier. Sa susunod po kapag may problema pa ay tawagan niyo lang po kaming lahat, pupunta po kami kaagad sa inyo." Nakipag beso beso ako sa kanila at saka na kami naglakad palabas ng bahay, nakahanda na ang mga sasakyan nila, ang mga walang sasakyan naman ay sa van na namin sasakay pauwi sa kanila.

" Mag iingat po kayo pauwi. Tatawag talaga ako kapag may problema." Tumango sila. Sumakay na sila sa sasakyan, bumusina sila bago sila lumabas sa gate ng bahay. Napabuntong hininga naman ako.

Salamat at makakauwi na sila sa kanila. Sina Ryuu at Elletra kasama si Atlas ay dito pa muna sa bahay, maga outing kasi kami, si Dad, hindi pa muna babalik sa opisina niya kasi pinaaayos ko pa ang mga nasira doon. Dito naman sa bahay ay on going na ang pagpapa ayos ko ng kwarto ko na nasira at saka ang ibang kwarto din. Pinatanggal ko na kay Andres ang bulletproof pads, kaya maaliwalas na ang bahay. Ang mga kurtina at lahat ng nandito sa bahay ay nilabhan na ng mga kasambahay dahil madumi na at maalikabok na sila.

" Astrana, we should date. I am inviting you.." Tumingin siya saakin, tumango ako sa kaniya at saka ako ngumiti.

" Sure. We can date. Just tell me where and when." May ibinigay siya saakin, agad ko itong binuksan, it's a..

Ring?

" Promise ring, Astrana. I am giving you that because I want to promise you two things." Tinaasan ko siya ng kilay at saka ako lumapit sa kaniya.

" What is it?" Tanong ko.

" Pakakasalan kita at aanakan kita."

" Dad, if you want anything na ipapa ayos sa building, sure. Just tell me."

Pangungumbinsi ko kay Dad habang nakatingin kami sa opisina niya at sa mga iba pang ginagawa dito sa building.

" Anak, it's fine, iyong dating ayos nalang muna sa ngayon, kailangan ko na magtrabaho, marami akong naicancel na meetings dahil sa nangyari." Niyakap ko si Daddy at saka ako tumingin sa opisina niya, well, baka ayaw niyang ipabago dahil ganiyan na ang itsura niyan simula pa  noong wala pa ako hanggang sa ganito na ako kalaki.

" Okay, Dad, if you want. Then iyon nalang ulit." Tumango si Daddy.

Sa ngayon sa isang opisina muna si Daddy nagta trabaho, kasama si Barbara. Naibigay ko na nga ang pera niya saakin, at saka mas tumaas ang posisyon niya, hindi na basta Sekretarya nalang, kaya naman natutuwa ako para sa kaniya. Pinagisipan namin ni Daddy kung okay ba na itaas ang pwesto niya, karapat dapat naman siya kaya tinaasan na namin ang rangko niya dito sa building.

Magsisimula na din akong mag aral tungkol sa pagpapatakbo ng kompanya, ako na ang mamamahala nito kapag natapos na ni Daddy lahat ng mga gawain niya dito, magta trabaho pa naman si Daddy dito at siya din ang magtuturo saakin, kaya magkakasama parin kaming dalawa dito.

" Ma'am, ang dami po nito."

Halos maiyak ang mga kasambahay namin nang ibigay ko ang kanilang sahod. Napangiti naman ako nang malaman kong masaya sila sa ibinigay ko sa kanila.

Distracted By Him Where stories live. Discover now