Chapter 37

36 12 0
                                    

" Hindi pwede, Ryuu-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kay Ryuu nang marinig kong dumagundong ang boses na galit ni Kylo sa kabuuan ng bahay.

" Just don't fucking do it, you shit! I'll kill you! Fuck!" Tumakbo ako palapit kay Kylo, nag iigting ang panga niya at nakakuyom ang isang kamay niya. Agad na tumayo sina Mr. Mores sa narinig mula kay Kylo.

" Kylo! What happened?" Tanong ko dito. Hindi siya sumagot.

" Don't call me that, you bastard! I will kill you!" Aniya.

" Don't come near Kylo." Banta ko sa mga kasama kong nakatingin at nag aalala sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay, inagaw ko sa kaniya ang telepono, at saka ko siya tinitigan.

" Why?" Tanong ko dito.

" May aberya sa pangangampanya ni Dad, kailangan ako doon." Naiiling na sabi ni Kylo, tumakbo siya pataas sa kwarto kung saan naroon ang mga gamit niya, at saka ako sumunod doon, anong aberya ba iyon? Bakit kailangan pa siya?

Nakita ko siyang nagaayos ng baril, at nagmamadali siya.

" Anong mayroon?" Pangungulit ko sa kaniya.

" Sinugod si Daddy doon, inabangan siya sa venue, aalis na ako-" Hinawakan ko ang kaniyang braso.

" Sasama ako." Napakagat siya sa kaniyang labi, at saka niya ako tinitigan sa mga mata ko.

Umiling siya.

" No, you can't, it's dangerous." Hinawakan ko ang mga kamay niya at saka din ako kumuha ng baril.

" Kung ikaw gusto mong napapahamak dahil saakin, pero kapag ako, ayaw mo-"

" Okay, fine, come on." Napangiti ako sa sinabi niya, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement, kumuha pa ako ng reserbang bala at baril at saka ko ito inilagay sa kotse niya, nagpaalam ako sa mga kaibigan ko, at saka kami umalis sa bahay.

Mabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan, may kalayuan din ang pinuntahan namin. Inayos ko ang baril ko nang sabihin ni Kylo na malapit na kami sa venue, nagtago din ako ng baril sa tagiliran ko para reserba.

" Tito!" Lumabas ako sa kotse at saka ko pinaputukan ang mga lalaki na may balak paputukan si Tito.

Tumakbo ako sa stage kung nasaan si Tito at saka ko kinuha ang braso niya. Nagtaka si Tito nang makita niya ako. Ngumiti lang ako.

" Astrana, nasaan si Kylo? Bakit nandito ka? It's dangerous." Nilagay ko si Tito sa kotse kung saan siya sumasakay palagi, nakita ko doon ang kaniyang mga guards.

" Kuya, pakiuwi na si Tito, pakisabi sa mga guards niya na sundan siya pauwi at abangan siya pauwi." Hinawakan ni Tito ang aking braso, tumingin ako sa kaniya.

Nag aalala ang mga mata niya habang nakatingin siya saakin.

" Mag iingat kayo ni Kylo." Bilin niya.

" Opo, Tito. Kayo din po." Inayos ko ang aking sapatos, at saka ako tumakbo palapit sa venue, nakikipag barilan parin si Kylo sa kanila, kaya sumama na ako.

Pinaputukan ko ang mga kasama ng mga nag aabang kay Tito, kakaunti nalang ba sila o mas lalo silang dumadami? Nagtago ako sa puno para magpalit at magdagdag ng bala, nakaramdam ako ng hapdi sa aking binti, nang tignan ko ito ay may daplis siya ng tama ng baril.

Fuck!

" Kylo, they're gone." Ani ko kay Kylo, at saka ko siya nilapitan, naubos na silang lahat. Wala na sila. Sana nakauwi nang maayos si Tito sa bahay nila. Nakita ko si Kylo na may kausap sa telepono, nakita ko ang binti ko, dumudugo ito.

Distracted By Him Where stories live. Discover now