Chapter 44

38 9 0
                                    

" Where's my Daddy?!"

Galit na sigaw ko sa mga tauhan namin nang makita kong wala si Daddy sa kabuuan ng bahay namin nang makarating kami galing libing.

" Ms. Vautier! Hindi namin-"

" I don't need your explanation, Mr. Mores. I need to see my Daddy right now. Where is he?!" Sigaw ko kay Mr. Mores. Nakuha na ba nila si Daddy? Bakit hindi nila nakita?

Yumuko si Mr. Mores at mga tauhan niya sa harapan ko. Kaya alam ko na kung ano ang nangyari kay Daddy.

" Nakuha po siya ng mga tauhan ni Alecio-" Pinutol ko siya. Tumakbo ako sa itaas ng bahay ay saka na ako sumigaw kina Mr. Mores.

" Tumawag kayo ng tauhan ko! Aalis tayo ngayon!"

Hindi na ako nakapagpalit pa ng damit ko, naka dress ako na itim at naka stiletto na itim din. Nakalagay pa ang sunglasses ko sa aking uluhan. Kumuha lang ako ng baril at saka mga gamit na kailangan ko. Tumakbo din ako sa kwarto ni Mommy at saka ko kinuha ang box.

Ngayon tayo magtuos, Alecio.

" Where's my car?!" Sigaw ko. Inabot saakin ng kasambahay ang aking susi at saka ko pinatunog ang sasakyan ko, doon ko mismo nilagay ang box at saka ako naglagay doon ng mga iba't ibang klase ng baril maging granada.

" Kylo, let's go."

Sumakay siya sa sasakyan ko. Hindi naman siya makakapag drive kasi masakit pa ang tahi niya. Nakasunod saamin ang mga tauhan ko, marami sila sa likod. Mamaya ay may kasunod pa iyan, kaya sana ay mabilis silang dumating, kailangan namin ng back up.

" Shit. Mr. Mores, paputukan niyo sila!" Utos ko sa aking mic at earpiece, may narinig akong nagpapaputok ng baril saamin. Tinignan ko ang side mirror ko, nakasunod sila saamin. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng aking sasakyan, at saka ako naglabas ng baril.

" Ms. Vautier, marami sila sa likod." Sambit ni Mr. Mores sa akin. Tinignan ko ang likod, napabalikwas ako nang makarinig ako ng putok, muntik na ako. Oh god.

Nilingon ko si Kylo na nag aayos ng baril.

" Mr. Mores, mauna kayong mga tauhan, magpapahuli kami, magpapasabog ako." Bilin ko. Binagalan ko ang takbo ng aking sasakyan, nakalinya sila saamin, nagpapaputok sila.

" Kylo, hand me the grenade." Bumaling siya sa likod ng sasakyan kung nasaan ang mga armas namin, binigyan niya ako ng granada at saka ko ito binuksan, dumikit ako sa mga kalaban sa likod bago ko inihagis ang granada sa kanila.

" Holy shit!" Pagpapabilis ko nang takbo ng aking sasakyan, baka dumampi saamin ang apoy mula sa granada, sasabog din kaming dalawa ni Kylo dito sa loob.

" Andres. Ready the helicopter, now. Track my phone." Tawag ko sa pinsan ko.

" Copy." Sagot niya.

Akala ko ay natapos na silang paputukan kami, nakarinig ako ng putok mula sa likuran namin, may tira pa palang nakasunod saamin. Kinuha ko ang baril ko.

" Kylo, kaya mo bang bumaril?" Tanong ko dito. Tumango siya saakin.

Automatic ang sasakyan kaya kahit hindi mo hawakan ay hindi gegewang ang takbo niya. Binuksan ko ang pintuan ng driver's seat at saka ako nagpaputok ng baril sa mga nasa likod namin, sa gulong ako nagpapaputok, habang si Kylo ay sa mga tauhan ni Alecio.

" Astrana? Na track na namin sina Alecio at ang Daddy mo, nasa building niyo siya. Sa helipad, naroon sila." Binilin ko sila na itrack sina Dad gamit ang suot niyang bracelet, mabuti at natrack nina Ryuu at Elletra.

" We're on the way." Pinatay ko ang tawag nila.

Binuksan kong muli ang pintuan ng sasakyan at saka ako nagpaputok ulit. Isa isa na silang nababawasan dahil nawawalan sila ng kontrol, bumabangga sila sa kalsada. Napapangisi ako.

Distracted By Him Donde viven las historias. Descúbrelo ahora