CHAPTER 1

1.5K 11 0
                                    

NATATAWA AKONG SUMUNOD SA DALAWA HABANG MAGKAHAWAK-KAMAY SILA SA HARAP KO. Nag-uusap sila at maya-maya lang ay parang nag-aaway na. Wala tuloy akong nagawa kung hindi lumapit kay Zea at Adren.

"Pasensya ka na ha? Babae kasi ako. Kung gusto mo maghanap ka ng kasing háyop mo nang kayo ang magkaintindihan!" asik ni Zea sa ikatlong syota niya ngayong araw.

Napangiwi ako. Oo syota, nakuha niya lang kasi 'to kung saan-saan.

Lumagapak ang palad ni Zea kay Adren. Aangal pa sana ang lalaki kaya lang hinila na ako ni Zea palayo doon. Namumula ang pisngi niya galit.

"Ano namang atraso no'n ngayon?" pigil ang tawa kong sabi.

She glared at me. "Wala! Inaway ko lang." Humagalpak ang tawa ko sa sinabi niya.

"Sinungaling! Nakita mo lang si Isaiah na paparating kaya ka umalis—" tinakpan niya bigla ang bibig ko.

Naramdaman kong may kungsino sa likuran ko. At base sa pamumutla ni Zea, mukhang ang ex niya ang nasa likod.

Napangisi ako sa loob-loob ko. Tsk.

Narinig ko ang pagtikhim niya kaya tinanggal ko ang kamay ni Zea sa bibig ko at tumabi sa kanya. Ngumiti ako sa SSG President namin at sinuklian naman niya iyon. Matalim niyang sinilip si Zea sa tabi ko.

"Mukhang may problema kayo nung bago mo ah?" sarkastikong sabi nito, pinagtaasan naman siya ng kilay ni Zea.

"Kahit pala matatalino chismoso ano? Eh ano ngayon kung meron nga,maayos naman namin 'yon" ani Zea.

Natatawa akong napairap. Wala kayang problema,inaway lang niya.

"Ba't niyo pa aayusin kung pwede namang maghiwalay nalang kayo." malditong sabi nito at naglakad na papalayo.

Napanganga ako at ganoon din si Zea na namumula na naman ang pisngi.

Hinila ko ang buhok niya. "Feel ko gusto ka pa no'n."

"Siyempre ako pa." She jokingly flip her hair. "Sino makakamove-on sa 'kin. Ganda-ganda ko" Humble niyang sabi.

"PERO OMG!! ANG BANGO-BANGO PA RIN NIYA!!" kinikilig nitong sabi at hinakpas-hampas ang kawawa kong balikat.

"Hoy ano ba nananakit ka na!!" asik ko sa kanya at pinitik ang noo niya.

Napanguso siya at kinagat ang ibabang labi habang nagpipigil ng ngiti. Siraulo.

"Akala ko ba kakalimutan mo na?"

Umirap siya. "Akala ko rin." Humagikhik siya at natigil din agad dahil may sumigaw sa amin.

"Huwag nga kayong pahara-hara sa daanan!" Bulyaw ni Gyra.

Nagkatinginan kami ni Zea nang matanto na kasama ng pinsan ko ang buong grupo niya. Ano na naman bang gusto nito?

"Grabe, para kang saranggola Lucy." saad niya habang pinaglalaruan ang dulo ng kanyang buhok.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya.

"Sa malayo ka lang kasi maganda." insulto nito.

Tumawa siya at nakitawa rin ang apat niyang kasama.

I just smirked at her. What a poor brát. "Bukod sa mukha mo, ano pang joke mo?" ani ko.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now