70

615 10 4
                                    

CHAPTER 70

PRENTENG NAKAUPO SI DAPHNE SA TABI KO. Mula sa VIP room ng Truthella ay napapanood ko mula sa screen ang nangyayari sa Diamond Auction. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba kami ng tadhana at kay Lucy pa napunta si Lathan nang gabing 'yon.

Kamukhang-kamukha niya si Helena. Ang maputing balat nito, mapupulang pisngi at maliit na pangangatawan. Helenang-Helena.

Sa paglipas ng mga taon. Tuluyan ko nang nakakalimutan ang tungkol doon. Pero si Daphne, gusto pa rin niyang bigyan ng hustisya ang sarili.

"Hindi po niya ininom, Sir." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Matalino siyang babae o malakas ang kapit niya sa Diyos. Isa lang doon ang sagot kaya nakaligtas siya sa pagkakataong 'to." Walang emosyong sabi ni Daphne.

Hindi alam ni kuya ang tungkol sa mga plano niya.

Hindi ko alam kung bakit ibinebenta ni Luxunasia ang sarili niya gayong nagtatrabaho naman siya sa Maracafé, bayad ang damages noong engkwentro sa bahay nila at kayang-kaya naman siyang buhayin ng bugáw niyang tiya.

Napakamalas mo Leander. Nagtagpo ang landas namin.

"Ms. Asia" Tawag ng auctioneer.

Lumabas naman ang napakagandang babae sa entablado. Kumikinang siya sa iba pang contestant. Hindi maiguhit ang itsura ko nang makarinig ng hiyawan ng kalalakihan para sa kanya. Malalaking bid din ang inilalabas nila para sa babaeng 'to.

Ms. Asia huh. Lucy and Asia,madali kang makikilala Luxunasia.

"She's not even that special." Bulong ko sa sarili bago magtipa sa Diamond Telcom.

"99 Million pesos for Miss Asia." Ani ko.

Nalaglag naman ang panga ni Daphne sa sinabi ko. Agad niya akong binatukan matapos kong ibaba ang telepono. "You said that it'll just for 5 million for ONE FRÉAK NIGHT!! Bakit 99!?!" Nanghihinayang na sabi nito para sa perang ipinusta ko.

Nagkibit-balikat nalang ako. I have tons of them, ako ang bahala kung paano ko gagastusin.

"Sabay mong mahuhuli si Struther at si Lucy. Swerte ang lumalapit sa 'yo." Si Daphne.

~~~~

Napatayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Hindi ko alam pero ramdam ko na kung anong nagbago. 'Yun ay ang puso ko.

Matagal ko na siyang hinihintay para magantihan ang ama niya. Gusto ko siyang durugin pero....

...kapag ginawa ko 'yon, ikamamatáy ko din.

Natatakot akong makita siyang lumuluha. Masaya akong nakikita siyang may ngiti. Ayaw ko siyang nakikitang nahihirapan, gusto ko palagi siyang komportable. Ramdam ko na 'yon una pa lang pero pilit kong nilalabanan dahil sa hustisya na dapat kong kunin muli sa kanya.

Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang alak. Ininom ko iyon agad.

𝙁𝙍𝙊𝙈: 𝘿𝙖𝙥𝙝𝙣𝙚

𝘔𝘢𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢? 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘰.
1:45 𝙥𝙢

My heart almost jumped when I heard her from my back. Agad komg itinago ang phone ko sa ilalim ng over at ngumiti sa kanya.

Hindi ko alam pero tama ang ginawa ko. I asked her to play with me, she agreed. Nawala ang tinik sa dibdib ko nang tumango siya. Doon ko maramdaman na tamang sinunod ko ang gusto ko, dahil siya na ang mithiin ko.

Ilang beses nang nagtangka si Daphne na tangkain si Lucy, pero agad 'yong hinaharangan ni 02.

~

My Lucy is crying infront of me. "B-bakit ba umaasa ako s- sayo."Bumiyak ang boses niya at hindi kumakalma.

"B-bakit ako umaasang gusto m-mo rin ako?" Napaluhod siya sa akin.

"Hindi 'yon tama dahil.... a-akala ko i-ikaw ang napapaibig ko" she said stuttering. She sobbed and cried with the large volume of tears flowing steadily."Yun pala... unti-unti akong n-nahuhulog sa bawat pagtawa mo kasama a-ako."

~

"There's nothing wrong about kíssing my boyfriend,Leander."

~

"Hello, beast"

~

"Leander!!"

~

She made me love my name again. She was able to remove the resentment from my heart without her knowing. Sa simpleng pagtawa niya, pagngiti,pang-insulto, paghawi ng buhok at paghálik sa akin ay nagawa niyang burahin ang masasamang alaala ng nakaraan. Mukhang tama si Helena, ako nga ang mag-aalaga sa anak niya.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now