57

360 1 0
                                    

CHAPTER 57

ILANG LINGGO NA RIN ANG NAKALILIPAS MULA NOONG MAGING KAMI. At wala ring araw na palagi kaming nag-aasaran hanggang sa mapikon ang isa at susuyuin naman ng isa pang tánga. Napabuntung-hininga ako at kinukwento kay Zea at Pierce ang pangyayari kahapon.

"Sa tingin niyo? Sino ang mas may kasalanan sa aming dalawa?"

Nalukot ang mukha nilang pareho at hinampas ako. "Beh ayos ka lang! Nilagyan mo siya ng make-up habang natutulog tapos nagpanggap lang siyang tulog para ipagpatuloy mo ang kahibangan mo sa mayor!! HOY ACCLA! MABUTI NGA'T HINDI KA BINARÍL NO'N." Bulyaw ni Zea sa akin.

Bumusangot naman ako.

Sabagay may point siya.

Pero nakakainis pa rin!!

"Sa lahat naman ng tampuhan niyo ikaw palagi ang may kasalanan baluga ka." Si Pierce.

Kumuha nalang ako ng french fry sa plate ni Zea pero agad niya akong nahampas. "Akin 'yan!!"Saad niya at agad na inilayo ang plato.

"Ang damot mo, dati naman hindi mo favorite 'yan ah!"

Inirapan niya lang ako. Si Pierce naman ay naniningkit na pinapanood ang girlfriend niya. Oo sila na. Kahapon lang. Medyo kadiri dahil akala ko magkakapatid kami dito.

Aangal pa sana ako nang biglang may tumakip sa mga mata ko. "Hoy! Mamatáy na nasa likod ko!" Sigaw ko.

Alam kong si Leander 'yon dahil naaamoy ko ang pabango niya.

Napabitaw agad ang nagtakip pero bumungad sa akin si mayor na may dalang bouquet, nanlaki ang mata ko dahil malapad ang ngisi niya. Hindi siya yung nagtakip!?

Napalingon ako.

"Tita Luschi,so harsh." Sabi ni Lathan na habang hawak ang panyo na itinakip sa akin kanina.

"Hala sorry baby!!" Saad ko at sinalubong siya ng yakap.

Grabe parang kailan kinidnap lang 'to. Tapos ngayon nakakapagsalita na rin ng buo sa akin. Mahiyain kasi siyang bata at hindi gaanong palasalita kapag hindi masyadong kilala ang kinakausap. Amoy Johnson's grabe!

"Ako walang yakap?" Singit ni Leander.

I pouted.

Bakas pa rin ang dumikit na eye liner sa mata niya. Pero hindi niya ako pwedeng yakapin dahil lalandíin niya lang ako para umakyat sa kwarto namin! Dakilang malândi!

He chuckled while reading my face. For sure alam na niya.

I reached the red roses bouquet and slightly sniffed on it. Ang bango. Nakangiwi naman si Zoe sa akin. Inismiran ko siya.

Nandito kami ngayon sa Forbes. Pinapunta ko sila sa bahay dahil ayokong kausap si Leander kanina.

"Grabe, hindi ka pa rin ba nagdadalawang-isip na syinota mo 'to?" Tukoy ni Zea sa akin.

Ba't ba inis na inis ang babaeng 'to sa akin ngayon!? Actually no'ng nakaraan pa nga eh.

Umiling si Leander. "Never. My love for her is not too shallow to hesitate. I'm loving her that way."

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa rin siya mahihirapan na ipalasap sa akin ang ganda ng langit. "Tingnan mo! Kinikilig na naman! Kadiri ka,Lucy." Pang-iinsulto ni Pierce.

"Mukha mo 'yon! Asim"

Kinuha ko ang pabango sa gilid. Iyon yung gusto kong ipaamoy sa kanila dahil iyon ang gagamitin kong pabango sa fourth monthsarry namin. I sprayed it on air.

"Ang bango..."

"Grabe Lucy ang baho!!!" Sigaw ni Zea habang nakatakip ang bibig.

Ang bango kaya!!! Kahit si Pierce,Lathan at Leander ay naguguluhan ding tumingin sa kanya.

Umarte itong parang nasusuka at tumakbo papuntang banyo ng kusina.

"Anong nangyari doon?" Takang tanong ko bago namin siya sundan.

Nakita nalang namin siya sa banyo na walang malay at namumutla.

"ZEA!!" Tarantang sigaw naming dalawa ni Pierce.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now