39

347 1 0
                                    

CHAPTER 39

LUCY'S POV

TININGNAN KO ANG SINASAMAANG TINGIN NI ZEA. Nakita ko si Pierce mula sa malayo, may dalang kálandían. Ang alam ko hindi rin sila okay sabi ni Zea sa akin kaya tinawag ko ito at kinawayan. Hinampas ni Zea ang braso ko nang makitang papalapit na ang accla.

"Kamusta Lucy? Blooming ka ah." Bumeso siya sa akin at tinratong hangin si Zea.

Narinig ko ang pagsinghap niya.

"Ayos lang. Sino 'yan? Boylet mo?"

Inakbayan naman siya ng lalaki. Nilingon ko si Zea na wala nang emosyon sa mukha. Pinagtaasan niya ako ng kilay at umiwas ng tingin.

"May boyfriend si Pierce. Ako magkakaroon na, ano na Zea?" I said jokingly.

"Mas maigi nang single ako kaysa naman in a relationship pero hindi sigurado." May patama niyang sabi kay Pierce.

Sigurado ako kay Leander eh.

"Ah talaga? Single ka?" Pierce mocked her. "Hindi ba nung nakaraan lang magkasama ang pamilya niyo ni Isaiah?"

"Hindi iyon sinadya! Fully booked na sa Arell Heights no'n at nakasalubong lang namin sa Jara Hotel sila Isaiah." Malinaw na paliwanag ni Zea.

"Baka ikaw. Pero mommy mo oo. Hindi ba naka-fixed na ang arranged marriage niyo."

Nalaglag ang panga ni Zea. Namumula na sa galit ang babae. "OH EH ANO NAMAN SA 'YO!? HINDI BA HINDI MO NAMAN AKO KILALA!! ILANG LINGGO MO NA AKONG NILALAYUAN TAPOS NGAYON MAY GANA KA PANG HUMARAP SA AKIN!!" Galit na galit na bulyaw ni Zea at hinila ako paalis doon.

Pero nabigla ako nang makahabol si Pierce sa amin at hinila rin si Zea sa kabilang kamay. Nagpupumiglas pa ito at nandidiri naman akong nakikinig sa kanila.

"Bitawan mo nga ako!" Bulyaw niya.

Hinila niya kami hanggang sa likod ng stage. Walang katao-tao doon at namumula ang tainga ni Pierce na humarap sa babae.

"Naiinis ako Zea."

"Pútangínamó" Si Zea.

Napaiwas ako ng tingin nang makita ang pagpungay ng mga mata ni Pierce. Gágo kadiri ampútá.

"Naging tayo nung wala na kayo. Palagi mo siyang kinukwento sa amin ni Lucy, araw-araw mo siyang iniiyakan sa harap ko. Sabi mo minahal mo siya pero mas minahal mo ako. Pero ngayong kusa na siyang bumabalik sa 'yo,napag-isip isip ko kung kailangan mo pa ba ako? Naghintay ako sa park hanggang tumila ang ulan, pero Z-zea... dumating ka ba?"

"N-nasa Jara Hotel ako no'n—-"

"Oo at kasama mo siya doon! Sa tingin mo anong iisipin ko? Isipin mo nga ang magiging daloy ng utak ng isang panakip-butas lang,Zea. Isipin mo..." Nanghihina pero masuyong sabi ni Pierce.

Nakaramdam ako ng awa sa kaibigan. Narinig ko ang iilang hikbi mula kay Zea.

"Hindi kita pinapansin 'di dahil sa ayoko na. Kahit kailan hindi ko kayang umayaw sa 'yo,Zea. Gusto kong hanapin mo ang pagmamahal ko... k-kasi kapag n-nasa iyo.... winawala mo." Garalgal ang tono na sabi ni Pierce.

Tuluyan akong binitawan ni Zea. Humagulhol ito sa balikat ni Pierce at malungkot akong umalis para magkaroon sila ng privacy.

~~~~~~

Sumalubong ang iilang guards sa akin. Mas nadagdagan ang security ng bahay?

Nakangiti akong nilapitan ni Heidi at Manang Arlene. Kinuha nila ang bag mula sa akin, alam kong wala pa si Leander dito kaya dumiretso muna ako sa sala saka binuksan ang smart tv.

Sinasagot na kita.

Ay hindi... Hindi ba nililigawan mo ako? Tayo na.

oh—hayst! Beh mahal na rin kita, yes sagot ko.

Hoy gági ka beh,kinikilig na ako sa 'yo. Tayo na.

Naputol ang pag-iisip ko sa sasabihin kay Leander nang magvibrate ang phone ko. Agad kong pinindot ang link nang makitang galing iyon sa page ng Mànila. Taka kong pinanood si Leander na ipinoproklama na bilang bagong alkalde.

Napasinghap ako.

Bakit hindi niya sinabi na ngayon siya itatalaga?

Kasama nito ang isang may edad ng lalaki at ginang. They looked expensive and too hard to please. May hawig si Kuya Leon sa matandang lalaki habang ang ginang naman ay may hawig kay Leander. Sila ba ang mga magulang nila!?

"Oh... nanonood ka rin pala." Sulpot ni Daphne sa likuran ko.

I nodded and focused on watching.

"Bakit wala ka rito?" Tukoy ko sa video na pinapanood ko nang makita si Kuya Leon.

"Pinakiusapan ako ni Larence na samahan ka muna."aniya.

Napatango nalang ako. Kita ko ang saya sa mga mata ni Leander habang nanunumpa. Masaya rin ang mga magulang niya habang namamangha sa sariling anak.

Natapos ko ang ceremony live video at pinindot na ang heart react.

"Good—-" Kumabog ang dibdib ko nang makita ang pagsulpot ng isang babae.

Umakyat siya sa stage at kita ang gulat sa mga mata ni Leander. Humálik ito sa pisngi niya at doon unti-unting sumilay ang ngiti ng lalaki. Bumeso rin siya kay Mr. and Mrs. Saunders na nakangiti sa babaeng iyon.

Tumabi ulit siya sa binata at mukhang nag-uusap habang nagpipicture-taking. May kung anong tumubo sa puso ko.

Hanggang dibdib lang siya ni Leander and her brown hair was long and wavy. She's sexy and too perfect for him. She had a pouting pink lips and shapely figure.

"Nakabalik na pala si Sean." Gulat na sabi ni Daphne na nakikinood din pala.

"S-sino siya?" Tanong ko na pilit itinatago ang pagiging kuryoso sa babaeng iyon.

"Siya ang successor ng Jara Hotel. Ex-girlfriend din ni Larence."

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now