76

419 4 0
                                    

CHAPTER 76

HABANG NASA COLLEGE KAMI NOON. Talamak ang pagkatuto sa hipnotismo. Aaminin ko, pinag-aralan naming tatlo kung paano iyon ginagawa, parang libangan lang gano'n. Pero hindi ko alam kung bakit isinusuot pa rin ni Porris ang kwintas sa hipnotism, ang amin kasi ni Anderson ay matagal na naming itinapon.

Naglalakad-lakad kami ni Helena sa labas.

"Kaya mo ba talagang magtayo ng sariling kompanya?"

"Ang sakit mo naman,Helena. Anong akala mo sa akin mahina?" I sarcastically asked.

"Paano si Porris? Ang alam ko ay sasama si Anderson sa 'yo..." Mahinang boses na sabi niya.

Kahit na gustuhin kong maawa kay Porris, mas naaawa pa rin ako sa mag-ina niyang iniiwan niya lang sa bahay para makapag gámbling.

Napatikhim naman siya nang hindi ako nakasagot agad.

"Napag-isip isip ko... bakit Luxunasia ang ipapangalan natin sa kanya?" Malambing na sabi ni Helena habang nakapulupot ang dalawang kamay sa braso ko.

I chuckled.

"Nung nalaman ni Leander Renz na magkakaanak na tayo, tinawag niya 'yong Luxury of Asia kasi daw yung baby ang magiging kayamanan niya kapag malaking-malaki na siya."

Humagikhik si Helena. "Talaga lang ha—teka... parang si Leander 'yon oh." Turo niya.

Nagulantang ako nang makita si Leander sa tumatakbo papalapit sa amin. Humahangos ito at parang takot na takot.

"D-dada!!" Tawag niya.

"Dito ka muna Helena." Sinenyasan ko ang mga guards at yaya na lumapit na sa amin. "Bantayan niyo muna ang asawa ko."

Tumatakbo akong lumapit kay Leander. Namumutla ito at hingal na hingal.

Hinawakan ko ang parehong braso niya para kumalma. "D-d-dada... si T-tito Porris.." Humahangos niyang sabi.

I frowned.

"What about him, Leander??" I said confused. Medyo kinakabahan na rin.

Tinuro niya yung hotel ni Porris na isang sakay lang ang pagitan. Naguguluhan ko siyang tiningnan. Nagpapanic ang mukha ng bata bago magsalita. ".... n-nakaibabaw siya kay D-daphne!!" Lumundag ang puso ko sa sinabi niya. Púnyéta.

~~~~

TINAHAK KO ANG BUONG FLOOR AT HINANAP ANG SINASABI NI LEANDER. Nakita ko nga si Daphne pero nakatulala ito sa kawalan. Walang damit at magulong-magulo ang kanyang buhok. Nakita ko ang iilang butil ng dróga mula sa bed table. Kinuha ko ang malinis na comforter at ipinatong sa katawan ng nakatulalang bata.

This is familiar... this scene is fréaking familiar to me.

Namuo ang katakot-takot na kaba sa akin dahil parang hindi ako nakikita ni Daphne.

Malamang ay kaaalis pa lang ni Porris. Tumayo ako at hahabol sana mula sa labas ngunit may mga pulis na nakaantabay na sa pintuan.

"TAAS ANG KAMAY!" Aniya ng pulis.

"Hindi ako ang—"

"Mas maiging manahimik ka nalang, Alcuiz. Dahil lahat ng sasabihin mo ay maaring gamitin sa 'yo sa korte. Hulihin niyo na ang immoral na 'yan, hindi ako makapaniwala na nagkaroon ako ng halimaw sa tabi ko." Salaysay ni Porris na nakangisi sa akin.

Fúck!!

Hindi ako nakapagsalita agad dahil agad nila akong pinadapa at pinosasan ng kamay. Nakita ko ang paglapit ni Porris kay Daphne at ramdam ko kung gaano kapeke iyon. Umiyak bigla si Daphne at pinagtuturo ako,

"Gínahása niya po ako!!!" Humagulhol ito at yumakap kay Porris.

Dumaplis ang tingin ko sa kumikinang niyang kwintas. Sinasabi ko na nga ba. Maaring nahipnotismo na niya si Daphne bago pa ako pumunta dito. Ako ang idiniin niya sa kasalanang siya ang gumawa.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now