38

356 2 0
                                    

CHAPTER 38

LEANDER'S POV

HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG NANGYARI. Hindi ako gaanong kinikibo ni Lucy kanina,its been three days when I won, today I will be blessed at the city hall as the new mayor of Manila. Gusto kong kausapin si Lucy tungkol doon pero ilag siya. Hindi ko alam ang ginawa ko.

Kahit ang ngiti niya ay pilit at hindi niya na rin ako hinahálikan.

Aburido kong tinanggal ang kurbata at napasapo nalang sa noo.

~~~~~~~

LUCY'S POV

Hinampas ako ni Zea.

"Mahal mo na!?" Eksaheradang sigaw niya.

Napatingin tuloy sa gawi namin ang ibang estudyante. Kinurot ko ang braso niya at napaigik naman siya.

"Narealize ko lang..."

"Kailan pa?" Usyoso niya.

Napanguso ako. "Matagal ko naman nang nararamdaman 'to. Akala ko kasi joke lang."

"Bóba! May nagpapaligaw bang nagpapaláplap." Asik niya sa akin, sinamaan ko siya ng tingin dahil sa salita niya.

Hindi ako nagsalita at inuntog ang noo ko sa tuhod. Nandito kami ngayon sa field, nagpapahinga.

"Eh anong gagawin mo?Sasagutin mo na ba?"

Natigilan ako. "Araw-araw ko naman siyang sinagot-sagot." Nandidiri niya akong tiningnan.

"Baka sa pakikipag-espádahan ng dila ang sinasabi mo?" Sinabunutan ko siya dahil sa bunganga niya.

Paano kung may makarinig?!

"Hindi naman masama na aminin mo sa kanya na mahal mo na rin siya. Ang masama ay kapag huli ka na pala." Sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa ibinitaw niyang salita. Huli ba ako?

Napakagat ako sa sariling labi at natahimik.

~~~~~~~

ZEA'S POV

Natatawa kong sinisipat ng tingin si Lucy na namumutla habang nakayuko. Akala niya ba nakakalimutan ko ang anuhan nila ni Larence sa hallway? Natawa ako sa naiisip at mas lalong gustong palungkutin si Lucy.

"What if may iba nang nilalamas ang kamay ni Larence ngayon beh?" Tanong ko sa kanya.

She glared at me but I remained my face serious.

"Huwag kang gan'yan oy. Ang gwapo-gwapo ng manliligaw mo tas mayor na, sa tingin mo hindi hahabulin ng mayayamang dalaga 'yan?" Pagpapa-overthink ko pa sa kanya.

Mas lalong bumusangot ang mukha niya. "Hindi ka nakakatuwa!"

Natawa ako.

"Sagutin mo na kasi para hindi ka nahihirapan d'yan. Kung ikaw nga nahihirapan paano pa kaya siya? For sure na-aawkwardan ka sa tabi niya at napapansin niya 'yon. Hala ka beh baka magbigti na 'yon" Hinila niya ang buhok ko sa inis na mas ikinatuwa ko.

Hindi ko inaasahan na mahuhulog si Lucy sa lalaking 'yon. Akala ko matigas 'to eh, inosente siya pagdating sa love. Kapag nga may pumuporma sa kanya itinuturing niyang kaibigan agad,hindi manlang niya napapansin na gusto siya ng mga iyon at hindi ako. Tangá-tangá.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita si Raphelius Cian Talavera na may ka-holding hands na playboy.He's glaring at me like I did something horrible to him when he was the one who did!!

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now