Chapter 20

499 4 0
                                    

CHAPTER 20

~~~~~~~~~

LUCY'S POV

INILIBOT KO ANG TINGIN SA KABUUAN NG BAHAY NI LEANDER. Masyado itong magarbo para sa isang tulad ko. Its a modern style two storey house. Masyado itong malaki para sa iisang tao lang. Marami akong nakitang mamahaling muwebles sa pagpasok palang ng bahay.

"Grabe, ang pogi-pogi ni Richard Gomez ano!" natutuwang puri ng isang babae sa kausap niya.

Nang makita nila ako ay sabay silang yumuko. Hindi ako sanay.

"W-wag na po kayong yumuko."nahihiya kong sambit.

Luminga ang matandang babae sa akin. Ngumiti siya at dumiretso ng tayo. Siniko niya ang kasama niya at presentableng tumayo sa harap ko.

"Girlfriend po kayo ni sir?"usyoso nung dalaga.

Umiling ako agad ng ilang beses. "Hindi! Hindi po.... hindi niya po ako girlfriend." tanggi ko at bahagya pang napalunok sa dulo.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang bangungot na gabing iyon para sa aming dalawa. Simula no'n ay naging iwas kami sa isa't isa, hindi na rin siya madalas umuwi simula no'n. Tanging si Pierce at Zea nalang ang nakakausap ko gamit telepono.

Mamaya,kung uuwi si Leander ay sasabihin ko sa kanya na papasok na ako. Hindi kasi ako makahanap ng tiyempo para gawin iyon. At sana mamaya ay hindi na ako paulanan pa ng hiya.

Napatango ang dalawa at palihim na ngumiti sa isa't isa.

"Ako po si Arlene,ako po ang mayordoma rito at ito naman ang pamangkin kong si Heidi. Inihanda na po namin kwarto niyo ni sir sa taas."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng matanda. "N-namin?"utal at namumutla kong sabi.

Ni hindi na nga kami nagkakausap no'n! Napalunok ako at naiimagine na ang mangyayari sa pagtabi naming dalawa sa iisang kwarto.

"Ay opo! Isang kwarto lang po kasi ang pinalinis ni sir sa amin dahil isang kwarto lang ang gagamitin niya at si Lucy. Lucy ba ang pangalan mo?"

Panis akong ngumiti at napatango. Walanghiyâ.

Nakarinig ako ng heels na tumatama sa tiles.

"Ako nalang po ang maglilinis ng iba pang kuwarto." saad ko.

Naramdaman kong may lumapit sa likod ko. Kinalabit ako nito. Nakita ko ang paglunok ni Ate Arlene at Heidi.

" 'Wag ka ngang humarang sa daan. Ito ba ang bagong katulong na ipinadala ni Larence? Maglinis ka na doon hindi yung pahara-hara ka dito."masungit na sabi ng babaeng nasa likod ko.

Mukha bang katulong ang likuran ko?At isa pa,sinong Larence?

Tumikhim muna ako bago siya nilingon. Maikli ang buhok niya at may hubog ang kanyang katawan. Maganda siyang babae at nakataas ang kilay niyang sinalubong ako ng tingin.

She's wearing gold necklace that emphasizing her collarbone. Kitang-kita ang yaman sa aura niya at sa ganda.

"Anong tinutunga-tunganga mo d'yan? Kumilos ka na."pang-uutos niya.

Sino ba 'to?

"A-ah ma'am—-" titigilan pa sana ako ni ate Arlene ng damputin ko ang walis sa gilid ng hagdanan.

"YOU DÚMBÁSS BÍTCH! MADUDUMIHAN ANG STILLETOS KO!!"

Dahil sa kagustuhan niyang kumilos ako. Winalis ko siya.

Nagkandasakang-sakang siya nang maglakad ng paatras dahil sa mataas na heels na suot. She even curséd at me while doing my own business. Mabuti nalang at hindi sumalampak ang pwét niya sa sahig dahil sa ginawa ko.

"HUMANDA KA SA 'KIN! ISUSUMBONG KITA KAY LARENCE! BWISÍT KANG KATULONG KA!" Wow, ano ba si Larence? Guidance Councilor?

Inismiran ko nalang siya at sinenyasan si Heidi at yung guard na ipinasara ang pinto nang magtangka ulit siyang pumasok. Nagsusumigaw sa galit ang babaeng iyon sa labas habang minumúra ako sa ingles.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now