Chapter 15

570 2 0
                                    

CHAPTER 15

LUCY'S POV

Nagtataka ako napatingin sa gawi ni Leander. Nagluluto siya ng kung anong láson para sa aming dalawa. Para siyang wala sa sarili at napapaiwas ng tingin matapos akong gamutin kanina. Ang frame ay itinapon niya kasama ang picture nila nung lalaking kasama ni Miabella.

Gusto kong itanong iyon pero hindi ko naman siya ganoon ka close para kausapin about personal matter.

"Hipon." sabi niya at nilapag ang bowl ng tinola.

Taka ko siyang tiningnan. "Tinola 'yan, Leander."

Ngumuso siya at umupo sa harap ko. "Ikaw yung tinatawag kong hipon."

Umikot ang mga mata ko sa isa na namang pang-iirita niya. Gabi na Leander! Magpahinga ka naman!

"So ibig sabihin kakainin mo ang katawan ko?" ngisi ko.

He smirked as well. "Oo kapag wala ka ng ulo."Natutuwang sabi niya na may ibang kinang ang mata.

Gusto kong isaksák ang kutsara sa bagang niya. Magaling siyang mang-insultó. Hinding-hindi ko talaga papangarapin na magkaroon ng anak sa lahi niya!

Sumandok ako ng sabaw sa tinola. He was there, watching me intently. Humigop ako ng sabaw at umarteng hindi nasarapan. DAHIL WALA BANG KAMALIAN SA LALAKING 'TO!? ANG SARAP NIYANG MAGLUTO!

Napatikhim ang lalaki sa reaksyon na ginawa ko.

"H-hindi ba masarap?" dismayadong anas nito,kinonsensya naman ako sa lungkot ng mukha niya.

Confident kasi siyang nagluto sa harap ko kanina.

"Yakk... lasang taé,ano ba 'to?" mapanuyang sabi ko.

His brows furrowed. Kinuha niya ang kutsara at tinikman agad ang luto. Napaiwas ako ng tingin.

"Yakk!!"maarteng atungal niya. Tumingin siya sa akin. "....kadiri ka kumakain ka ng taé"Pabiro niyang nilabas ang dila niya para asarin ako.

Wala bang martilyo dito nang maipukpok ko na sa ulo niya kahit ako naman ang nauna.

Inismiran ko siya at tinapos na ang pagkain ko. Matapos ay naligo at nagpalit na ako ng damit pangtulog.

"Hala oo nga pala, bakit nag-stay pa ako dito? Baka hinahanap na ako ni Auntie at Uncle." kagat-labing paalala ko sa sarili.

Kinatok-katok ko ang ulo ko at lumabas ng kwarto.

Kumatok ako sa kwarto ni Leander.

*TOK TOK TOK TOK TOK*

Nakailang katok ako pero hindi pa rin niya binubuksan. Wala akong ibang nagawa kung hindi pihitin ang door knob at nagulat nang hindi ito nakalock. Madilim na ang labas ng bintana at tanging liwanag mula sa buwan at night lamp ang nagpapa-ilaw sa kuwarto.

Narinig ko ang ingay mula sa banyo. "Naliligo pa pala." mahinang bulong ko.

Lalabas na sana ako ng kuwarto nang mamataan ang isang papel mula sa mesa. Hindi ko alam kung bakit may pwersang nagpapalapit sa akin doon. Namataan ko nalang ang sarili na nasa harap ng mesa habang binubuksan ang lamp nito.

𝘾𝙇𝘼𝙄𝙈 𝙄𝙉𝙑𝙀𝙎𝙏𝙄𝙂𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉
𝘊𝘖𝘕𝘍𝘐𝘋𝘌𝘕𝘛𝘐𝘈𝘓

Binasa ko ang lahat ng nasa domumento nang makita ang pangalan ni Auntie.

.....𝙬𝙚 𝙙𝙞𝙙 𝙣𝙤𝙩 𝙛𝙤𝙪𝙣𝙙 𝙝𝙚𝙧 𝙗𝙤𝙙𝙮,𝙞𝙩 𝙬𝙖𝙨 𝙖𝙡𝙨𝙤 𝙣𝙤𝙩 𝙧𝙚𝙘𝙤𝙧𝙙𝙚𝙙 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙨𝙝𝙚 𝙧𝙚𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙚𝙞𝙧 𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚 𝙡𝙖𝙨𝙩 𝙣𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙞𝙣 𝙏𝙤𝙣𝙙𝙤, 𝙖𝙘𝙘𝙤𝙧𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙚 𝙫𝙞𝙘𝙩𝙞𝙢'𝙨 𝙛𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮. 𝙏𝙝𝙚𝙧𝙚 𝙝𝙖𝙨 𝙖 𝙝𝙞𝙜𝙝 𝙥𝙤𝙨𝙨𝙞𝙗𝙞𝙡𝙞𝙩𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙨𝙝𝙚 𝙢𝙖𝙮 𝙝𝙖𝙫𝙚 𝙗𝙚𝙚𝙣 𝙝𝙚𝙡𝙙 𝙝𝙤𝙨𝙩𝙖𝙜𝙚 𝙗𝙮 𝙎𝙩𝙮𝙜𝙞𝙖𝙣 𝙥𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣𝙣𝙚𝙡.

Napatakip ako ng bibig sa nabasa. May luhang namuo sa kabila kong mata. Hostáge!?

Nagusot ko ang papel na hawak nang marinig na bumukas na ang pinto ng banyo.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now