Chapter 12

651 4 0
                                    

CHAPTER 12

HINDI AKO MAPAKALING NAPABABA SA SASAKYAN NI LEANDER. May umaasikaso sa akin doong babae pero may tiyahin at pinsan ako sa loob. Pinalilibutan si Leander ng mga reporters at maraming pulis ang nasa paligid.

Gusto kong malaman kung ayos lang ba ang mga kamag-anak ko. Maliban sa lolo at lola ko, sila na lang ang natitirang pamilya ko.

"Matagal nang talamak ang próstitusyon sa Truthella,bakit ngayon niyo lang naisipan na ipa-raid ito Mr. Saunders. Dahil ba sa pagtakbo mo bilang mayor?" walang prenong sabi ng reporter.

Malamig na nakatingin si Leander sa kanila. Walang emosyon at hindi ko iyon gusto.

"Matagal ko ng gustong ipabagsak ang Truthella, pero walang nag-udyok na rason sa akin para tuluyang planuhin iyon." simpleng saad niya.

Mas nakuryoso ako kaya lumapit pa ako para marinig.

"Kung ganoon,anong rason ang nag-udyok sa 'yo para gawin ito?" usisa pa ng reporter at inilapit ang mic kay Leander.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang lingunin ako ni Leander na para bang alam niyang kanina pa ako nandito. Hindi siya sumagot at pinagkatitigan lang ako.

Gusto ko sanang lumapit kaya lang may humila na sa akin papalayo roon.

"Miss... hindi ka pwedeng basta-basta lumalabas dahil baka may mga bumaríl sa 'yo doon." striktong bilin niya.

"Gusto kong hanapin ang auntie ko."

She crossed her arms. "Hindi ka pa po pwedeng umalis. Bilin iyon ni Mr. Saunders. "

"Paano kung napahamak na ang auntie at pinsan ko doon? Nag-aalala din ako sa kanila. Alangan namang ligtas ako dito habang ang kamag-anak ko natatakot sa loob ng Truthella." May inis na atungal ko sa babae.

LEANDER POV

Naawa akong napatingin sa kaawa-awang babae. Napailing nalang ako sa naiisip. Dahil maski ako hindi alam kung buhay o patay na ang tiyahin niya.

"Sir!" tawag ni Jade, napabaling din si Lucy sa akin at lumapit.

"Ang Auntie Dolly ko? Si Gyra? Okay lang ba sila?" taranta niyang sabi habang may bumubuong pag-asa sa mga mata.

I sighed. "I really don't know what happened to them. If you want , my footage ng raid sa flashdrive na 'to. Let's watch it together to ease your worries."

Pumasok ako sa van at isinaksak sa screen ang flashdrive. Kahit na mahaba-haba iyon ay pinanood pa rin niya at nag-antay. Hinayaan ko siya at binantayan.

Wala naman siyang sugat pero nag-aalala pa rin ako. Napailing nalang ako sa nararamdaman.

"Si Miabella?"

Napatingin ako sa screen. Babae ang tinutukoy niya pero napatingin ako sa kahawak-kamay nito. Dumagundong ang kaba sa akin nang makita na nandoon si Struther, nag-eevacuate kasama ang iilan. What the héll. Matalino pa rin ang gunggóng na 'yon.

Sarkastiko akong natawa sa sarili ko.

"Kilala mo?"

She nodded. "We're in the same course."aniya.

Huminga ako ng malalim. " 'Wag kang masyadong didikit sa kanya." wala sa sariling sabi ko.

"Bakit naman?" kunot noong tanong niya.

Dahil baka ipadala siya ni Struther para saktan ka.

Hindi ko siya sinagot.

She continued watching the footage. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

Paano niya nagagawang mag-alala sa mga taong gusto lang ay pera? Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pumasok si Lucy sa aúction na 'yon. Nagbackground check ako at working student naman siya. Ang damages naman sa nangyari noong nakaraan ay binayaran ko. Even her fee and bid, fully paid. Pero mukhang wala siyang alam na kinimkim ng tiyahin niya ang kinita niya sa gabing ito.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now