25

438 0 0
                                    

CHAPTER 25

LUCY'S POV

SABAY KAMING BUMABA NI LEANDER AT NAMATAAN SI DAPHNE NA NAGLULUTO DOON. Kumaway siya sa aming dalawa at sabay kaming nagkatinginan ni Leander. Akala ko mga hapon pa sila dadating? Pero nasaan si Lathan?

"Si Lathan?"tanong ko, lumilinga.

"Nasa bahay pa. Sabay silang dadating ni Leon dito mamaya." Ani Daphne.

Naamoy ko ang ulam na caldereta. Nagluluto siya?

"Nalaman ko na hindi ka pala gaanong marunong magluto,Lucy. Kaya inagahan ko ang pagpunta para may agahan at babaunin si Leander." she said sweetly.

Ibang-iba siya ngayon sa ugali at pananalita niya kahapon.

"Masarap ding magluto si Lucy." si Leander, nahihiya naman akong napaiwas ng tingin.

Liligawan niya daw ako. I coughed.

Awkward na natawa si Daphne habang tinitingnan kami. "Ang awkward niyo. Loosen up,guys!" bibo niyang sabi at sinandok ang caldereta saka nilagay sa harap namin.

Hindi siya tumabi sa akin matulog. Sa lapag siya humiga at naglatag ng mattress. Kusa niya iyong ginawa kahit ayos lang naman sa akin na magkatabi kami sa iisang kama.

~~~~~

Hinampas-hampas ako ni Zea habang nag-s-scroll ng pictures sa gallery ko. "OMG KA GIRL!! Híndót ka, ang gwapo-gwapo ni Renz!!" kinikilig niyang sabi.

Inagaw naman ni Pierce ang cellphone sa kamay ni Zea. "Hoy gága ka Lucy. Vice-mayor pala kinakalántari mo, akala ko kung sinong Renz lang." gulat niyang sabi.

Nakikiagaw si Zea ng phone kaya lang mas matangkad ang bakla."Akin na 'yan! Ako kaya nauna!" Inis na bulyaw ni Zea.

"Ano naman! Pagmamay-ari mo ba 'to? At saka wag mo nga ako makapit-kapitan d'yan,nandidirí ako Zea!!"

'Tong dalawang 'to talaga.

"Itigil niyo na nga 'yan. Mamaya masira niyo pa cellphone ko edi bibili pa ako ng bago?"kunwaring inis ko para matigil ang dalawa.

Masungit na tinarayan ni Pierce si Zea na nakangiwi naman na sa kanya. Kung hindi ko lang alam na baliw na baliw si Zea kay Isaiah, baka silang dalawa ni Pierce ang ishi-ship ko. Pero malabo iyon dahil parehong hanap nila ay may talong.

"Eh kasi naman,Zea! Kanina mo pa kaya pinagnanasáan 'yang Renz na 'yan sa picture! Gusto ko lang namang tingnan ng isang minuto,nakakahiya naman sa halos kalahating oras mong pagtitig."pagrarason ni accla.

"Eh ano naman ngayon!"

" 'Yan ang dahilan kung bakit ka iniiwan eh." Si Pierce.

"Eh ano ngayon! Atleast hindi pineperahan. "

Nanlaki ang mga mata ko sa binibitawan nilang salita. Isang linggo lang naman akong nawala ah?Bakit ganito sila?

Inis na umalis si Pierce at padabog na naglakad papalayo.

"What the héll,Zea. Ano bang nangyayari sa inyo?"takang tanong ko.

Nagkibit balikat siya habang magkakrus ang mga kamay. "Nakita ko sila ni Isaiah nung huwebes. Halos magtukaan na sila kung hindi ko pa mahuli." Walang emosyong sabi nito na ikinagulat ko.

WHAT!? Pierce and Isaiah??

"Sure ka ba d'yan?"nag-aalinlangan kong tanong.

"Of course I am! Kung hindi ka makapaniwala, paano pa kaya ako!"

Napabuntong hininga ako at napasapo sa noo. Grabe,sa susunod ayaw ko nang mawala!

"Hi, gusto niyo bumili ng turon." Napalingon kami ni Zea sa mahinhing boses sa aking likuran.

Plantsado ang damit niya at bagsak ang mahabang buhok. She have a sedúctive simplest facial features since she don't wear make-up. Natural na mapula ang labi niya na pinapantayan ng maputi niyang balat.

"Pahinging tatlo,Miabella." ani Zea.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now