69

414 5 0
                                    

CHAPTER 69

(𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗢𝗙 𝗬𝗢𝗨𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗔𝗡𝗗𝗘𝗥)

"Grabe dada ang galing ng imbensyon niyo!" Puri ko dahil niregaluhan niya ako ng isang robot!

Robot na aso,tumatahol din ito at parang google. Touch screen ang lalabas kapag pinindot ang ilong ng aso.

Natuwa naman si dada sa sinabi ko. Nandito kami ngayon sa magandang bahay ng mga Alcuiz. Si mama at mimi ay nasa hardin kasama si Daphne. Biglaang dumating naman si Tito Porris, binati siya ni dada at papa.

Lumayo sila sa amin at nilalaro ko naman ang bagong alaga ko.

Kilala na si Dada Leander sa Europa dahil sa mga imbensyon niya. May sarili na nga rin siyang shop kung saan naroon lahat ng kopya ng nagawa niya. Malaki ang naitutulong nito sa buhay ng tao lalo na ang mga machine na kayang paandarin ang sarili kapag emergency.

Si papa naman ay nanalo bilang Governor ng Illocos. Siya ang pumalit kay Rufino. Hindi na rin ako nakikipaglaro kila Kelkel,Tomtom at Paco dahil nalaman kong nasasangkot sila sa mga away sabi ni papa. May sarili na kaming bahay at lupa.

Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa kanila. Galit ang ekspresyon ni Dada habang nakikipag-usap sa mga kaibigan. I tilted my head as I looked at them.

"Leander, come here." Ani ni mama.

Hindi agad ako sumunod kaya hinila ako ni kuya papalayo sa kanilang tatlo na mukhang nag-aaway.

~~~

Kami ngayon ay nasa hapag. Si kuya Leon at mama ay nasa parehong tabi ko. Kaharap ko naman si Mimi Helena,Tito Porris at Daphne. Si Dada Leander naman ang nasa pinakaunang upuan ng mesa.

Kumikinang ang suot ni Tito Porris na kwintas. Ang alam ko ay magic daw 'yon, minsan ko na rin kasing nahawakan iyon.

"Maraming nawawalang pera sa korporasyon. "Sabi ni papa, malungkot habang sinisipat si Dada.

Nakatingin naman si Dada Leander sa batang si Daphne.

~~~

"G-GINÁHASA A-A-AKO,KUYA." Umiiyak na sabi ni Daphne kay kuya.

Kakarescue lamang namin sa kanya sa bahay ni Dada Leander. Punit-punit ang damit at sobrang gulo ng buhok. Nakitaan ko rin siya ng iilang pasa sa katawan. My heart broke for her, and felt some disappointment to my Dada Leander. Tito Porris was also here, pinaulanan niya ng suntok at sipa si Dada. All I could do is to shut my eyes.

"Mabulok ka sana sa bilangguan!!" Sigaw ni mama, yakap-yakap niya si Mimi Helena.

Si papa naman ay walang kibo at natulala sa gilid. Please pa...

Aminin mo.

Nakaramdam ako ng takot nang bumuhos ang tubig sa ilalim ng mga hita ni Mimi Helena. Humihina na ang ugong ng sasakyan ng mga pulis na pinagkuhaan kay Dada Leander.

"Helena!" Natatarantang sigaw ni papa at agad na binuhat si Mimi papunta sa kotse.

I cried in shock when mama also broke her water.

"MANGANGANAK NA RIN AKO, ANDERSON!!"

~~~

HUMAGULHOL SI MAMA HABANG NIYAYAKAP ANG KABAONG NI LUSCHIA. Dalawang araw simula nang makulong ang Alcuiz at manganak si mimi at mama. Unti-unti na akong nakaramdam ng galit sa puso dahil sa ginawa niya.

Si Daphne ay kasalukuyang nagpapagaling, kaunti na lang ay mababaliw na siya dahil sa trauma.

I gritted my teeth as I looked at my baby sister's burial.

Pinasunog niya ang hospital. Maraming pruweba tungkol doon lalo na't kakaamin lang ng inutusan niya. He kílled my baby sister, Luschia. Námatay ang kapatid ko para sa anak niya. Hinuha ni mama ay kaya ipinasunog nito ang hospital para malayang makatakas si Helena Alcuiz kasama ang sanggol nila.

Matapos kasi ang engkwentro, hindi na nakita pa si Helena sa kahit saang sulok ng Luzon. My fist crawled in anger. Balang araw... ako mismo ang gagawa ng paraan para saktan ka din Da—Leander Alcuiz. Pinandidirian ko ang sarili kong pangalan nang dahil sa 'yo.

"Leander. Kumain ka muna doon." Utos ni kuya, namamaga rin ang parehong mga mata.

I faced him with no emotion in my eyes. "Larence. Kuya. You must not call me in that name ever again."

Nakita ko ang malungkot at dismayadong tingin ni papa sa akin. You should regret about naming me after your 'bestfriend' papa. He ruined us. And i'll ruin everything connected to Leander Alcuiz,someday.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now