66

430 2 0
                                    

CHAPTER 66

LEANDER'S POV

(THE DAY BEFORE THEY BROKE UP)

MAY NGITI SA LABI KO HABANG PAPASOK SA KOTSE. Nakauwi na si Lucy at Lathan. We did quíckie in my restroom. Umikot ako sa kotse na hindi maalis-alis ang ngiti sa labi.

"You look so happy,Larence."

I glanced at my back. Nakita ko si Daphne na may hawak na papel. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Well I am,Daphne. What're you doing here?"

Binagsak niya ang papel sa harap ko.

Makahulugan niya akong tiningnan kaya dahan-dahan ko itong inabot at binuksan.

Nawalan ng kulay ang mukha ko nang mabasa ang birth certificate ni Lucy. I was breathless and hurt. It felt like i've fallen into a cactus. It stings but feels numb after.

𝗟𝘂𝘀𝗰𝗵𝗶𝗮 𝗥𝗲𝗶𝗻𝗮 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼 𝗦𝗮𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀
𝗙𝗲𝗺𝗮𝗹𝗲
✔︎𝙎𝙞𝙣𝙜𝙡𝙚
𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝗼𝗳 𝗯𝗶𝗿𝘁𝗵:
✔︎3𝗿𝗱
𝗗𝗲𝗰𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 23,1999
𝗔𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗦𝗮𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀
𝗥𝗲𝗶𝗻𝗮 𝗦𝗮𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀

"Its incest, Leander. Pinaglalaruan ka ng mga Alcuiz, buhay ang kapatid mong si Luschia Reina!! Hindi totoong sinunog nila ang kapatid mo sa hospital kung saan siya pinanganak!" May diing sabi nito, para akong nabingi sa sinabi niya.

~~~~

MATAPOS KONG KUNIN ANG SUKLAY NI LUCY. Kumuha si Faust ng iilang hibla doon. "Pwede kong padaliin 'to, Larence."

Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon.

"Take five DNA tests para sigurado." Anas ko at umalis.

~~~~

(PRESENT)

NANGINGINIG ANG KAMAY KO HABANG BINABASA ANG RESULTS SA LOOB NG SASAKYAN. Gabi na at hindi ko alam kung paano at ano ang gagawin ko. Nasa harap pa rin ako ng bahay ni Kuya Leon. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kay Daphne, alam ko ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa pero bakit si Lucy?

𝘓𝘦𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘙𝘦𝘯𝘻 𝘚𝘢𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳𝘴 & 𝘓𝘶𝘤𝘺 𝘈𝘲𝘶𝘪𝘯𝘰 𝘴𝘪𝘣𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘦𝘴𝘵𝘴 𝘪𝘴 0.01% 𝘱𝘰𝘴𝘪𝘵𝘪𝘷𝘦, 99% 𝘯𝘦𝘨𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦.

Napahilamos ako sa sariling mukha. Nadali niya ako. Nasaktan ko si Lucy dahil sa pekeng birth certificate na 'yon, iyon ba ang pinaplano niya ng araw na 'yon kaya niya iniwan kay Lucy si Lathan?

Nagtagis ang bagang ko sa galit.

Alam niya kung gaano kami kaapektado nang mawala si Luschia sa pamilya namin. At iyon ang kinapitan niyang impormasyon para paghiwalayin kami ni Lucy!?!

Pútangina,Daphne. Bakit si Lucy ang pinaparusahan mo. Bakit kinakailangang maling tao ang magdusa?

Lumabas ako ng kotse at pumasok sa bahay. Tumambad agad sa akin si Daphne na nakatayo sa hagdanan habang may kungsinong tinitingnan.

"ATE DAPH!!" Umalingawngaw ang sigaw ni Lucy sa tainga ko.

Hinabol niya si Daphne at binilisan ko naman ang pag-akyat.

Napatingin ako sa hawak ni Daphne na binabawi ni Lucy. A pregnáncy test. My heart jumped in shock when Daphne pushed Lucy intentionally. Hindi naalis ang walang awang ekspresyon niya kahit nakita ako.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING, DAPH!" My voice thundered.

Niyakap ko ang baywang ni Lucy at inayos ng tayo. "Hey... i'm here..." I muttered.

Hinila ko ang kamay niya paakyat sa pangalawang palapag at sinadyang banggain si Daphne.

Napabuntung-hininga ako habang tinitingnan siya. Nanginginig ang kamay at parang takot na takot na pusa.

~~~~

LUCY'S POV

NANGHIHINA KONG SINILIP SI ATE DAPH. Walang pagsisisi sa mga mata niya. Hinila ulit ako ni Leander papunta sa aking kwarto kaya lang ay pinigilan ni Daphne ang kamay ko. Napaigik ako sa higpit ng hawak niya. Why she's so merciless to me now?

Hindi ba siya masaya na búntis ako? Ako rin naman ah.

Namuo ang luha sa mga mata ko. Mukhang kahit siya ay ayaw sa batang dinadala ko, paano pa kaya kapag nalaman ni Leander?

"Stop it Daphne!!" Ikinalas ni Leander ang kamay niya sa akin.

Tagumpay naman niya itong tinanggal.

"What!?! At talagang ipinagtatanggol mo na siya?! Malamang ngayon alam mo na na nagsinungaling ako! Pero dapat lang ang ginawa ko!!" Galit na asik ni Daphne, her eyes were fire looking at my existence.

Anong ibig niyang sabihin?

"Doon ka muna sa kwarto,Lucy." May kabang sabi ni Leander.

I looked at them confused. Unti-unting sumisilay ang matunog na pag ngisi ni Daphne.

"Why Larence? Ayaw mo bang marinig ni Lucy ang—"

"FÚCKING STOP IT, DAPHNE!!" Namuo ang nakakatakot na tensyon sa kanila.

Daphne smirked evilly.

"Akala ko ba dati against ka sa mga taong naging dahilan ng pagbagsak ng pamilyang 'to noon. Grabe ang hinagpis ni Mama Reina nang mamatáy si Luschia... oops 'pinátay' nga pala." Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Daph, anong kinalaman no'n sa akin.

"Tara na, Lucy." May takot sa boses ni Leander at pilit akong hinihila.

"P-please tara na..."

Wait lang... ano bang meron.

"Tapos ngayong nakakasama mo na siya... parang kinalimutan mo na ang ginawa ng ama niya sa pamilyang 'to!! Paano kung dinala lang siya dito ng mga 'yon para maghiganti na naman!!—"

"DAPHNE!!"

"Oh bakit!? Ayaw mong marinig ni Lucy!?" Nanginginig ang tuhod ko habang pinapanood sila.

Ang ama ko...

"KUNG TALAGANG HINDI SIYA PINADALA NG MGA 'YON DITO. ANONG DAHILAN MO,LUCY AQUINO" She laughed at my name hysterically. Nanlamig ang kamay ko sa mga sasabihin niya. Tumingin siya sa akin sa nakakadiríng paraan.

"Lucy Aquino?" She asked sarcastically. Hinila ako ni Leander at tinangka na alisin ako sa harap ni Daphne.

"ANONG DAHILAN MO LUXUNASIA ALCUIZ NA NAKAWIN ANG PANGALAN NG IBANG TAO!?" Nangatal ang labi ko at hindi magawang makagalaw sa kinatatayuan.

Matagal ko nang hindi narinig ang pangalan ko.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now