65

545 8 2
                                    

CHAPTER 65

HINDI KAMI SUMAKAY SA MGA RIDES DOON. Kahit gustung-gusto ko ay ayaw akong pagbigyan ni Leander kesyo masusuka lang daw ako. As if naman no!

"Anong kinain mo kanina?" Parang batang tanong niya.

Nandito kami ngayon sa bench kanina pa. Kung hindi ko lang siya kasama,sigurado nasa roller coaster na ako.

"Mansanas tapos avocado shake. Dati hindi ko gusto 'yon, iyon yung una mong hinanda sa akin pagkatapos ng nangyari sa Truthella. Nag crave lang ako kaya masarap pala." Lumamlam ang mata niya habang pinakikinggan ako. "... Tapos sisig! Grabe hindi mo alam kung gaano kasarap 'yon kapag pinatakan mo avocado shake!"

He looked at me,gross. "Ba't mo papatakan 'yon? Hindi ba sumakit ang tiyan mo?"

"Gusto mo tiyan mo saktan ko? Masarap kaya!! Gusto pag-uwi natin gawaan pa kita." I proudly said.

Hindi maipinta ang mukha niya pero nang makita ang saya sa mukha ko,tumango siya. "Sige. Sarapan mo ha." Marahang sabi niya at sumiksik sa leeg ko.

Napangiti ako. Parang kahapon lang ang lahat.

Sumandal ako sa balikat niya. Inaantok na ako. Gusto ko na munang matulog.

"You're tired?"

I slowly nodded. Pumikit ako habang nasa bisig niya. I am always feel safe in his arms. I knew it.

~~~~

LEANDER'S POV

ILANG BESES KO NANG IBINABALING KAY LUCY ANG TINGIN KO HABANG NAGMAMANEHO. Malalim agad ang pagtulog niya at kitang-kita ko ang mahihina niyang paghilik. Napangiti ako. I stroked her stomach again to slightly feel our baby. It feel amazing. Kahit na hindi pa man siya lumalabas ay naiisip ko na ang mga gagawin ko.

Aalis kami sa Forbes at ititira ko sila sa bahay na ako mismo ang nagtayo. Tatlong maliliit na Lucy na tumatakbo sa buong kabahayan. I love it.

As soon as possible, I need to cut the Alcuiz ties with my family for a beautiful and peaceful life with Lucy. Kumuyom ang kamao ko habang hawak ang manibela. Paano ko gagawin 'yon gayong mahihirapan ang mga magulang ko na tanggapin ang masamang alaalang iyon.

~~~~~~

LUCY'S POV

I KÍSSED HIM ON HIS CHEEK BEFORE I RAN OFF.

"Babalik ako bukas Lucy!!" Sigaw niya na ikinatawa ko.

Dapat lang na mabaliw ka sa akin, 'no.

Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin si Lathan na tuwang-tuwa.

"TITA LUSCHI!!" Maligayang pagtawag ni Lathan sa akin.

Nabigla naman ako biglaang pagyakap nito at humálik sa pisngi ko. Kahit papaano ay okay naman ako dito sa bahay ni Kuya Leon, lalong-lalo na kay Lathan.

"Namiss mo ako?"

Tumango siya.

"Namiss din kita!" Saad ko at pinaghahálíkan ang pisngi niya.

"Tara po doon tayo sa kitchen. Mommy cooked my favorite adobo." Sabay hila niya sa akin.

Halos makaramdam ako ng hilo nang malanghap ang mabahong amoy sa kusina. Kinalas ko ang kamay ni Lathan.

"Why po Tita?" Inosenteng tanong nito sa akin.

Sasagot pa sana ako kaya lang ay palakas nang palakas ang napakabahong amoy kaya tinakpan ko ang bibig ko. Nasilayan ko ang naguguluhang tingin ni Daphne sa akin. Nasusuka na ako!!

~~~~~

NANGINGINIG ANG KAMAY KO HABANG HINIHINTAY NA MAGKAROON NG PULA ANG PRÉGNANCY TEST NA HAWAK KO. Kagat-labi akong umiiyak sa harap ng salamin. Malaking eye bags, namumutlang balat at mukhang losyang pero maganda.

Pabigat na nga ako.... pahihirapan ko pa ang buhay ng magiging anak ko?

Hindi ko alam kung ayos lang Leander 'to. Ni minsan ay hindi pa namin napag-uusapan ang pagkakaroon ng anak. Kadalasan ay biruan lang. We've practiced safe séx, paanong may nakalusot.

Para akong kinapos ng hangin nang unti-unting sumisilay ang dalawang pulang linya. I felt throbbing inside my chest. Napaupo ako sa gilid ng toilet na umiiyak.

A-anong gagawin ko?

*PLAK!!*

Nabigla ako sa pagbukas ng banyo at nakita si Daphne na mag-aalala akong tiningnan. Pero nanatili ang tingin niya sa sink,kung saan ko nilapag ang prégnancy test. Napatayo ako mg wala sa oras at itatago pa sana iyon pero huli na ang lahat. Nahablot na niya ito at mabilis na maglakad papunta sa labas.

"Ate Daph!!" Tawag ko.

Nakita ko siyang pababa na ng hagdanan. Walang emosyon ang mukha niya habang tinitingnan ang bagay na iyon.

Nang makalapit ako ay hahablutin ko na sana iyon kaya lang ay naunahan niya ako.

Naitulak niya ako.

My eyes widen,looking at her murdérous eyes. Pero bago pa man ako tuluyang bumagsak paibaba, may pamilyar nang kamay ang nakasalo sa likod ko. I cried.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now